2 // He's Back

3.7K 87 7
                                    

Kathryn XIII

written by Auburn Sy 

***

2 // He's Back

Daniel's Point of View

"Commander, wala ka bang balak bumaba dyan sa sasakyan? Nakapasok na silang lahat sa private resort oh. Ikaw ba?" tanong sa akin ni Kyd. Nakababa na kasi silang lahat pero naiwan ako dito sa loob ng sasakyan.

Tulala pa rin ako at di makapaniwala sa nalaman ko kanikanina lang. Nagimbal yata ang buong universe ko ng malaman yun.

FLASHBACK

"Hi! Anong pangalan mo? I'm Kathryn nga pala. Pwede ba kitang maging kaibigan?" nanlaki ang mata ko ng marinig ang pangalan niya.

Kathryn?! Sa mga oras na to dapat dumadamoves na ako pero ano to? Bakit parang wala lang sa akin na Kathryn ang pangalan niya?

"Uhm, excuse me?" nag-snap siya ng daliri niya sa harap ng mukha ko. "Ayos ka lang ba?"

Tumango na lang ako. "O-Oo naman. Daniel. Daniel dela Rosa ang pangalan ko."

Siya naman ang nagulat ngayon at nanlaki ang mata niya. "Daniel dela Rosa? Oh! So, ikaw yung ka-chat ko sa fb kahapon? My full name's Kathryn Diaz. Nice to meet you."

In-offer niya ang kamay niya sa akin, yung parang shake hands. Inabot ko yun at nakipag shake hands sa kanya. Napansin kong mapula ang mata niya kaya tinanong ko siya.

"Ah... Kathryn, umiiyak ka ba?" tanong ko sa kanya.

Pinahid naman niya ang mata niya. "Hmp! Nakakainis kasi yung EX-boyfriend ko."

Talagang inemphasize niya yung EX. Nacurious naman ako kaya nagtanong pa ako. Oy, hindi ako tsismosa ha. Curious lang!

"Bakit?"

"Nahuli ko kasing may kahalikang iba! Tapos ayun, nag walk out ako. Pagdating ko sa bahay, tinext ko siya. Tapos alam mo ba kung anong reply niya? Wrong send daw ako! Kaya mas lalo akong nagalit! Nakakainis talaga siya!!!!" nanggigigil siya habang sinasabi yan.

Pero parang kinutuban ako nung marinig kong ang reply sa kanya ay 'wrong send' kaya tinanong ko ulit siya.

"Ano bang number mo?"

Tumingin naman siya sa akin suspiciously, "Hmm... Mukha ka namang mabait kaya sige. Eto─ 0927..."

Pagkatapos niyang ibigay sa akin yung number niya, chineck ko kaagad yung number na nagtext sa akin kahapon. At─ 0__0!!!

Siya... siya yung nagtext sa akin kahapon! Paktay!

END OF FLASHBACK

Yun ang dahilan kung bakit gulat pa rin ako ngayon. Hindi ako makapaniwalang yung ka-chat ko, yung nagtext sa akin at yung katabi ko kanina ay iisang tao lang.

Si Kathryn Diaz.

"COMMANDER!!!"

"Ay pota!─ Ano ka ba Kyd?! Ba't ka ba nanggugulat? Paano kung atakihin ako sa puso at mamatay ako? Maraming iiyak na babae at di yun kakayanin ng konsensya ko!" sigaw ko kay Kyd. Nasa labas sila at nakadungaw sa bintana katabi ko. Mga unggoy talaga sila.

Kathryn XIII (ON HIATUS)Where stories live. Discover now