4 // Moving On

3.1K 76 2
                                    

Kathryn XIII

written by Auburn Sy 

***

4 // Moving On

Kathryn's Point of View

Nagaayos na ako ng gamit ko. Napagdesisyunan ko nang bumalik na sa Manila at dun na magbakasyon. Hindi ko kayang magstay dito kasama si Quen. Alam kong babalik din ang ala-ala niya. Gusto kong maalala niya ako dahil gusto niya at hindi lang dahil gusto ko.

"Young lady, handa na po ang sasakyan," narinig kong sabi ni Mr. Fan sa labas.

"Susunod na po ako Mr. Fan," sagot ko at binitbit na yung bag ko at hinila yung maleta ko. Paglabas ko ng pinto, nakita ko si Daniel. Tinignan ko siya sa mata niya. Nagtitigan lang kami ng ganun. Walang umiimik.

Ako na ang unang kumalas ng tingin. Nilampasan ko siya pero narinig kong tinawag niya ako. Tumigil ako pero hindi ako lumingon sa kanya.

"Kathryn," tawag niya sa akin. Naramdaman ko ang paglapit niya at ngayon ay nasa likod ko na siya, "Aalis ka na?"

"Oo. Babalik na ako sa Manila," sagot ko at lalakad na sana nang hawakan niya ang braso ko. Iniharap niya ako sa kanya at ngayon ay magkatitigan na ulit kami.

"Wag muna sana niyang malalaman na kapatid ko siya. Sa oras na bumalik na ang ala-ala niya at kinausap ka niya, wag mo muna sanang sasabihin na kilala mo ako," sabi niya sa akin at umalis na.

Naalala ko na naman yung pinag-usapan namin kagabi. Hindi ko talaga akalain na half brother ni Daniel si Quen.

Ini-lock ko na ang pinto ng villa ko at pumunta sa may parking lot. Nakita ko si Mr. Fan na naghihintay sa labas ng kotse pati si Mrs. Flaire. Inabot ni Mr. Fan ang maleta ko at inilagay sa loob ng kotse.

"Iha, sigurado ka ba na aalis ka na?" tanong sa akin ni Mrs. Flaire at hinawakan ang dalawang kamay ko.

Tumango ako, "Opo, Mrs. Flaire. Sigurado na po ako. Sige po. Ingat kayo." Hinalikan ko siya sa cheeks at pumasok na sa loob ng kotse.

Dumating kami sa bahay ng gabi na. Bumaba na ako sa kotse at kinuha yung bag ko.

"Mr. Fan, pakipasok na lang po nitong maleta ko sa kwarto ko. Salamat po," sabi ko at nauna nang pumasok sa loob.

Dumiretso ako sa kusina at nakita si mama na nagluluto. Umupo ako sa may counter at nangalumbaba. Halata kay mama na nagulat siya dahil nanlalaki ang mata niya.

"Kath? I thought you're in the resort?" tanong ni mama at ibinalik ang tingin sa niluluto niya.

"Ma, bakit ikaw nagluluto? Nasaan ang mga maid?" Iniwasan ko yung tanong ni mama. Tampo parin ako dahil hindi nila sinabi sa akin yung tungkol kay Quen.

Pinahina niya yung apoy ng niluluto niya. Tinanggal niya yung gloves or whatever-you-call-it at humarap sa akin, "Pinag day-off ko muna silang lahat. Now, tell me why you're here."

"Alam ko na po yung tungkol kay Quen. At nasa resort siya ngayon," walang gana kong sagot at ipinatong ko ang ulo ko sa braso ko.

Naramdaman ko na lumapit sa akin si mama at umupo sa tabi ko. Ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko.

"Daughter, it's for your own good na hindi namin sinabi sayo," sabi niya habang mahinang tinatapik ang balikat ko. Hindi ko na napigilan pa at umiyak na lang ako.

Niyakap ako ni mama habang hinahagod ang likod ko, "Sshh... It will be all right."

"Mama, bakit kasi─bakit kasi hindi niya sinabi sa akin? H-hindi niya ba ako pinagkakatiwalaan?" Umiyak lang ako habang yakap ako ni mama.

"Tahan na, anak. Niluto ko ang favorite mong pagkain," pagtatahan sa akin ni mama. Tumigil na ako sa pag-iyak. Hinanda na ni mama yung table at dumating na rin si daddy.

For once, nagkasabay rin kaming tatlo sa pagkain.

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Inabot ko yun at pinatay. Nakarinig ako ng katok sa may pinto ng kwarto ko.

"Kath, wake up! May pupuntahan tayo," sabi ni mama sa labas. Tumayo ako at binuksan ang pinto.

Nakita ko si mama at papa na nakapang-beach na suot at may dalang bag.

"Ma...?" tanong ko sa kanya.

"Yes, princess! We're going to have a vacation. And! Not just a vacation! We're going to Camsur. Right, pa?" excited na sabi ni mama.

At dahil excited na rin ako, naghanda na rin ako ng gamit.

Gusto mo lang mag move-on. Aminin! sabi ng boses sa utak ko. Fine. Para na rin mag move-on kay Quen.

Dumating kami dun after 3 days. Nag check-in na sina mama sa hotel at pumunta na sila sa isang beach doon. Nandun lang ako sa isang open restaurant suot ang blue dress ko na above the knee ang haba at light pink na slippers. Sina mama at papa, nag-suswimming.

Okay na siguro dito. Payapa, mahangin at maganda ang view. Siguro sapat na to para mag level-up ang pag momove on ko.

May lumapit sa aking waiter at binigyan ako ng menu. Blueberry cheesecake at shake lang ang inorder ko. Dala ko yung laptop ko at habang naghihintay ng order, nag tumblr muna ako.

Sa kalagitnaan ng pagtutumblr ko, may narinig akong mga boses sa likod ko. Lumingon ako at may nakita ako tatlong lalaki na may mga hawak ng newspaper at naguusap? Ang lakas kasi ng boses nila pero hindi ko masyadong maintindihan.

Ibinalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa pagtutumblr. Dumating na yung order ko at nagsimula na rin akong kumain.

Daniel's Point of View

Umalis na nga si Kathryn. Tss. Wag naman sana niyang sabihin kay Quen na kilala na niya ako. Gulo yun panigurado kapag nagkaalaman. Anak siya ni mama kay tito Roel at hindi yun alam ni tita at ng papa ko. Ako, si mama, si tito at si Kathryn lang ang nakakaalam.

Kaya kahit gusto ko pang magrelax sa resort nila, napilitan akong sumunod sa kanya. Isinama ko sina Kyd at Jiro syempre.

Nandito kami ngayon sa tabi ng table niya. May hawak kaming mga newspaper at kunwari nagbabasa kami. Ang ingay kasi ng mga unggoy na to. Nagsisisi tuloy ako na sinama ko pa sila.

"Commander! Bakit ba kasi nagtatago pa tayo ha?" tanong sa akin ni Kyd nang tumayo kami at sinundan namin si Kathryn. Nakasuot kami ng shades para cool.

"Tss! Huwag ka ngang maingay Kyd! Pag tayo nahuli, hindi ko kayo ililibre ng dinner!" suway ko sa kanilang dalawa ng lumingon sa direksyon namin si Kathryn.

Tumingin kami sa kabilang side at kunwari may tinitignan kami.

"Commander!!! Palapit dito si Kathryn!!" natatarantang sabi sa akin ni Jiro. Shit! Malala pa to sa kukuha ng exam. Naiihi ako. Ampota.

"Uh, excuse me?" narinig kong sabi niya sa likod namin. Humarap kami ng pilit at ngumiti, "Daniel?!"

Patay!

***

auburnsy says:

Every other day na ako maguupdate. :D

Kathryn XIII (ON HIATUS)Where stories live. Discover now