9 // Unexpected Event

2.3K 58 8
                                    

Kathryn XIII
written by Auburn Sy

***

9 // Unexpected Event

Kathryn's Point of View

Teka, si Quen yun. Hindi talaga ako maaaring magkamali, Kilalang kilala ko siya at alam na alam ko ang itsura niya kahit pa nasa dilim siya. Pero kung siya nga yun, anong ginagawa niya dito.

Lumakad ako papunta sa may gate pero bigla na lang nawala yung lalaki. Narinig ko si Daniel na tinatawag ako kaya lumingon ako,

"Yeb! San ka punta? Gabi na ah," sabi niya.

"Ah.. Wala. Parang may nakita lang ako eh. Tara na," sagot ko at pumasok na sa loob. Tama naman siguro na hindi ko muna sabihin kay Daniel diba? Kahit pa na magkapatid sila.

Katulad nga ng sinabi ni mama, dito na daw matulog si Daniel. Doon siya sa guest room natulog, katapat lang ng kwarto ko.

Umakyat na ako para matulog. Si mama, tulog na. Maaga pa daw kasi bukas sabi ni yaya. Nang papasok na ako sa pinto ko, may biglang nag-'psst'. Lumingon ako sa likod at nakita ko si Daniel na nakasandal sa may pintuan ng guest room.

"Ano?" tanong ko.

"Tabi tayo. Please?" Nag-puppy eyes siya at nag-pout.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Akala mo ba cute ka? Mukha kang unggoy! Night!" Papasok na dapat ako sa kwarto ng bigla ulit siyang magsalita.

"Please? Wala naman akong gagawin na hindi mo gusto. Promise, tutulog lang tayo. Please, yeb?" 

Napatingin ako ng diretso sa mga mata niya at parang na-hypnotize ako at um-oo na lang.

"Yay! Tara, tulog na tayo!" Pumasok siya sa kwarto ko at nilampasan niya lang ako.

"Tss."

Kalalabas ko lang ng CR. Nag-shower ako sa sobrang lagkit ko kanina dahil sa pawis. Nakita ko siya na nakahiga na sa kama ko habang nanunuod ng TV. Nakapatong yung ulo niya sa dalawang kamay niya habang may subong lollipop.

Saan nanggaling yung lollipop?

"Hoy," sabi ko at tumabi sa kanya. Nag-indian sit ako at humarap sa kanya. "Saan galing yang lollipop?"

Tumingin siya sa akin, "Gusto mo? Oh." Inabot niya sa akin. Tinignan ko siya ng masama.

"Ipapakain mo yan sakin? Mandiri ka nga!"

"Arte mo."

"Aba--" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil sinakto niya yung pagsubo sa akin ng lollipop.

"Oh. Sarap diba?" sabi niya habang nakangiti ng malapad. Hinawakan ko yung stick at nag-enjoy na lang ako sa pag kain.

"Ewan ko sayo."

Kinuha niya yung remote at pinatay yung TV. Kinuha niya ang dalawang kamay ko at in-entwined niya yung kanya sa akin. Magkahawak-kamay kami habang nakahiga siya at nakaupo naman ako sa tabi niya.

Kathryn XIII (ON HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon