Sa ngayon, hindi ko kasama si Kurt. Makikituloy daw muna s'ya sa condo ng isang matalik n'yang kaibigan na lalaki kaya wala daw akong dapat ipagalala. Inalok ko s'yang dito tumuloy pero ayaw n'ya. Maghahanap din daw s'ya ng part time job para sa mga expenses naming dalawa. Kaya ngayon, desidido na ako sa trabaho kay Blaze dahil kailangan kong kumita para makahanap agad ng matutuluyang paupahan namin ni Kurt. Hindi ko lang sigurado kung trabaho bang maituturing ito dahil madalang n'ya naman ako tawagin at bihira lang naman s'ya may lakad.


"Not just that. Kung papayag ka rin na ikaw ang kunin naming isa sa vocalist sa EC, much better. Depende kung saang schedule ka magfifit every night. Hindi yun overnight kagaya ng sa Brice kaya okay din kahit may pasok at weekdays. Yun ay kung gusto mo lang naman, para hindi ka na mahirapan pang maghanap ng ibang trabaho. Besides, hindi ko lang naman 'to idea. Idea din ni Dwayne at Axle. Okay rin naman kay Trust. Approval mo lang talaga ang kailangan."


Napa 'o' na lang ang bibig ko sa paliwanag n'ya. Sino pa ba ako para tumanggi? Ngayong kami na lang ni Kurt ang magdedependehan sa isa't isa, wala na sa vocabulary ko ang maginarte. Kailangan naming mabuhay. Kailangang naming matapos sa pagaaral. Sa isang salita, kailangan naming kumayod ng husto dahil kung hindi, mamamatay kami sa gutom at hindi na makakapagaral. Kailangan ko ring magfocus muli sa pagpasok at pagaaral kasi kung hindi, baka tuluyan ng mawala ang scholarship ko kapag hindi ko na-maintain ang mga grades ko.


Ganun naman talaga ang buhay. Masakit mawalan, pero kailangan mong magpatuloy. Kailangang lumaban para mabuhay. Tumigil man ang mundo ng mga taong nawala sa buhay mo, pero hindi pwedeng itigil mo ang sarili mong mundo. Dahil kung oo, paano ka uusad? Paano ka makakaalis sa kinalulugmukan mo? Kahit umalis sila at iniwan ka, hindi mo pwedeng sayangin kung ano ang naiwan nilang pangarap para sa'yo. Kaya bakit ko yun ipagdadamot sa sarili ko, kung sa huli ako rin naman ang makikinabang? Magiging masaya pa sila sa kabilang buhay kapag nakikita nilang patuloy akong lumalaban..para magpatuloy. Para hanapin ang mga sagot sa maraming katanungan. Hindi pwedeng parating nagmumukmok. Nauubos ang luha kaya hindi pwedeng araw araw ka na lang umiiyak.


"Malapit na ang opening di'ba?" Muli akong uminom ng kape. Napapikit pa ako bahagya ng langhapon ang aroma nito. Nakaka-goodmood.

"Yep. And we need you to be there too." he announced in flat voice.

Sinimsim kong muli ang kape. Naalalang si Lacey at s'ya nga pala ang kakanta sa araw ng opening nila.


"Deal. Hired naman agad ako di'ba? Hindi ko na kailangang magapply?" tanong ko sa kanya ng nakangisi.


"Ikaw pa ba? Lakas mo kay Axle eh. Lalo na kay Dwayne." Nahimigan ko ang pakla sa boses n'ya sa huling sinabi n'ya.

"Selos ka na naman." Biro ko na ikinakunot ng noo n'ya. Nagawa pa akong taasan ng kilay.

"Kilig ka naman." masungit n'yang apela pero nakangisi naman.

"Hindi naman masyado. Slight lang." Sakay ko sa sarkastiko n'yang sagot kaya lalo s'yang bumusangot. Hindi ko tuloy napigilang hindi matawa.

ELITESWhere stories live. Discover now