"Did you just.... did you just drop the phone like that?! Binagsakan mo ng telepono ang GM? Oh, my gulay Emz! Ikaw na nga!" Bulalas nilang pareho.

"Pag tumawag at hinanap ako ate, tell him to go to hell. Break na muna ako. Lunchtime na." Ngiti ko sa kanila na pareho pa ring naestatwa. Nag-ring nga ang phone pero umalis na agad ako bago pa maibigay nila ate ang phone sa akin. Ewan ko ba, naiinis talaga ako!

"GM, go to hell daw po." Narinig ko pang wika ni ate Love. Napangisi ako habang naglalakad papalayo.

Nasa sa cafeteria at magkakasama kami ng mga kaibigan kong sina Mary, ang magkasintahang si Jaze at Aireen at si Lizette. Nabalitaan ko pala mula sa kanila na si Juztin ay nag-asawa na while Karlo is living in the States now. Hmm, I think I need to have a Facebook account para naman hindi na ako mapag iwanan sa mga uso ngayon. Hindi ko na kasi mabuksan yung dati kasi kung anu-anong password nalang nilalagay ko at hindi ko na matandaan pa. Wala nga kasi ako sa huwesyo noon. I feel so outdated now.

"Jaze, may kasalanan ka pa nga pala sa akin ha." Wika ko pagkaupo ko sa round table. Kakakuha ko lang ng pagkain.

Nag angat ito ng tingin at tinaasan ako ng kilay. "At ano naman iyon, aber?" Mataray na sagot nito. Nababaliko pa rin talaga minsan kung magsalita ito. Kaya nakakakuha ng pinong kurot galing kay Aireen eh. Buti nalang at nagkamasel na ito. Lalaking-lalake na talaga ito tignan at ang gwapo na rin nito.

"Naalala mong minsang tumawag ka sa akin? Sabi mo nasa bar kayo nila Aireen? Tapos nakita mo ang grupo ni Lawrence doon? Tapos sabi mo pa nakita mo siyang may kahalikan? Yung totoo, gawa-gawa mo lang yung kissing part noh? Hindi naman ganun ang kwento ni Lawrence sa akin eh." I pouted. Hiniwa-hiwa ko ang aking pork steak.

"Assumera ka kasi, sinabi ko bang si GM yun? Si Sir Jack yun. Tss. Assuming ka te huh." Binilatan pa ako nito.

"Kung magrereport ka kasi, kumpletuhin mo para hindi ako ma-fake news." Nginusuan ko ito.

"Pag galing sa kanya, Emz, asahan mong fake news talaga." Siko ni Aireen sa boyfriend nito.

Humalakhak naman sina Mary at Lizette. Aliw-na aliw ang mga ito sa takbo ng kwento. Napapa-iling na rin ako. It's not a big deal to me, in all actuality. Sadyang naalala ko lang. Lawrence went to my apartment that night, drunk. And that was the first time I saw his tattoo with my name imprinted on it. Every time we made love; I always kissed that part of his body. I feel so honoured and delighted. He made a point that I owned him. Body and soul. Magpa-tattoo rin kaya ako? Nah, that man will create havoc for sure.

"Baby...." Wika ng isang tinig na nasa aking likuran. Agad na nagsitayuan ang mga kaibigan ko at ang mga tao na nasa paligid.

Hays! Ang tigas ng ulo! Sabi ko sa kanya hindi siya pwedeng magpakita dito sa cafeteria! Kasunduan na namin iyon! Naiinis na naman ako sa kanya at hindi ko naiintindihan ang sarili ko kung bakit!

I stood on my feet and turned to face him. He's just wearing a navy-blue polo and black pants. His face looked awkward and unsure. Hindi mawari kung matutuwa ito or matatakot sa magiging akto ko sa kanya. He pouted his lips like a child. Ang cute!

"Are you mad?" Alanganing tanong nito. Nagkamot ito sa batok. Am I? Ofcourse not, pag naiisip ko ang mukha niya ay naiiinis ako. Pero ngayong nasa harap ko siya at sobrang gwapo niya today, ay parang gusto ko siyang pugpugin ng halik.

I shook my head. "Nope. Why should I?" I smiled genuinely at him. He sighed na parang nabunutan ng tinik. Lumiwanag din ang kanyang kanina'y nalilitong mukha.

Naglahad ito ng mga braso. "Come here. I missed you." Parang lumipad lahat ng inis ko sa kanya at walang pag-aalinlangang pumaloob ako sa kanyang matipunong bisig.

Lawrence, The Hotelier (Published Under POP FICTION)Where stories live. Discover now