Tatlumpu't apat

9.7K 643 159
                                    

Ang mga binibitawan niyang salita sa akin ay hindi kayang burahin ng oras at ang pinaparamdam niyang init sa akin ay hindi kayang dalhin ng panahon. Hindi ko napigilan na hawakan ang kaniyang magandang mukha at damhin ang init ng kaniyang balat.

"Hindi mo alam kung ano ang pakiramdam na binibigay mo sa akin, Mayari. Kung ang puso ko ma'y nakakapagsalita ay nasisigurado kong maririnig mo na isinisigaw nito ang pangalan mo."

Hinaplos niya ang kamay ko na nakadampi sakaniyang pisngi at pumikit. Nanatili lang kami sa ganitong pwesto na walang nagsasalita saaming dalawa at tila ba pinakikinggan ang paghinga ng isa't isa. Minsan lang tayo makakatagpo sa buong buhay natin ng taong presensya lang ay sapat na para maging palagay ang puso mo. At sa pagkakataon na ito ay natagpuan ko na siya...

Unti-unti akong pumikit at dinama ang payapang pakiramdam na nararamadman ko ngayon, hanggang sa hindi ko na namalayan ang paglamon sa akin ng antok.

Napamulat ako dahil sa isang halimuyak na pamilyar sa akin, ngunit sa aking pagtayo ay napansin ko ang paligid ay hindi ang aking kwarto. Napupuno ang paligid ng makukulay na bulaklak at nagtataasang mga puno. Ang mga huni ng ibon ay maririnig mo sa paligid at ang kaluskos ng mga hayop na payapang nanginginain ng luntiang damo. Tumingala ako at kitang kita ko ang malawak at asul na kalangitan.

"P-Paraiso.." bulalas ko dahil nakakamangha ang paligid. Ako ba ay na nanaginip?

Sa hindi kalayuan, ay natanaw ko ang pigura ng isang pamilyar na babae. Kulay pilak ang kaniyang mahabang buhok at puno ang katawan nito ng mga batik. Siya ay nakasuot ng isang asul na asul na tela habang nakapulupot ito sakaniyang magandang katawan. Napupuno ito ng maliliit na batong kulay pilak sa paligid ng kaniyang kasuotan, tila ba ito ay mga bituin sa gitna nang malawak na kalawakan at tila hinabi mula sa kalangitan. Nakasuot rin ang mga gintong pulseras na aabot sakaniyang braso at maging sa paa ay nakasuot siya ng hindi mabilang na alahas. Tahimik lang siyang naka upo sa isang mahabang troso na napapaligiran ng mga damo at nakatingin sa akin.

Hindi ako makapaniwala, nasa harapan ko ang hindi nagtatagong itsura ng nag iisang Dyosa ng Buwan.

Kung ang hangin ma'y na uubos sa paligid ng dahil sa matindi niyang presensyang dala, nasisigurado kong matagal na akong pumanaw.

Hindi ko maalis ang paningin ko sakaniya at kahit kailan ay hindi ko magagawang tumingin sa iba.

Nagsimula akong maglakad papalapit sa dyosa ngunit bigla akong napahinto sa isang pagsulpot sa kaniyang tabi ng isang matipuno at tila hulog ng langit ang itsura ng nilalang. Siya ay kayumanggi at mahaba ang itim na buhok.. puno ang kaniyang matipunong katawan ng batik, kitang-kita ko ito dahil siya ay walang saplot pang itaas. Ang tangi lang niyang suot ay isang bahag na kulay pula, napupuno ng gintong disenyo, at sa kaniyang magkabilang tagiliran ay may nakasabit na dalawang gintong bolo. Kaniyang hinawakan sa balikat ang dyosa at biglang dumilim ang paligid.

"Selene?"

Sunod-sunod na tapik sa pisngi ang nagpagising sa akin. Malabo ang paningin ko kaya kinusot kusot ko ang mga mata ko doon ko napagtanto na isang panaginip pala ang nakita kong paraiso.

"Hoy! Ano? Gising kana ba?" isang malakas na tampal sa pisngi ang natanggap ko kaya sinanggi ko ang kamay niya.

"Nakakarami kana Gin! Ikaw ang tampalin ko diyan! Gising na ko, oh!" inis kong sabi sakaniya dahil halatang sinasadya niya ang pinaggagagawa niya sa akin.

"Eh! Sinisigurado ko lang na gising kana, kanina pa kasi kita ginigising eh para ka pa rin tulala pagmulat mo tsaka gusto lang rin kitang tampalin talaga." Inirapan ko lang siya. Sinasabi ko na nga ba demonyo talaga tong kaibigan ko eh!

"Ayos ka lang ba?" hinawakan niya ako sa balikat at biglang lumitaw sa isipan ko ang matipunong lalaking humawak sa balikat ni...

"Si Mayari? Nasaan siya?" Napabangon ako at dire-diretsong bumaba papuntang living room ngunit wala ang dyosa.

MayariWhere stories live. Discover now