Labing tatlo

10.8K 736 379
                                    

"Selene!" Boses ni Sam ang nagpagising sa akin sa katotohanan.

"Ano bang ginagawa mo diyan? Hindi ka pa tapos kumain ah?" humarap ako sakaniya na nasa kabilang bahagi ng screen door.

"T-Tinatawag ko lang si Mayari para makakain na rin siya," umikot lang ang mga mata niya, ayaw ba talaga niya kay Mayari?

"Malaki na yan Selene, kaya dito ka na at tapusin mo ang pagkain mo, aalis na rin ako," tumango lang ako at muling binalik ang paningin sa babaeng misteryosa na ngayon ay walang emosyong nakatingin lang sa akin, napalunok naman ako.

"M-Mayari kumain ka na rin," nilikop ko ang lakas ko upang makuha kong tumalikod sakaniya.

Namumukod tangi ang presensya niya sa lahat. Tila ba isa siyang ipu-ipo sa isang ilog na handa kang hilahin pababa hanggang sa hindi kana makaahon pa, ganon ang ibinibigay niyang pakiramdam.

Pinunas ko muna ang mga paa ko sa basahan bago pumasok sa loob ng bahay. Pag-angat ko ng ulo ay nakapameywang na nakatayo si Sam sa harapan ko kaya napatigil ako at napatitig sakaniya.

"Bakit, Sam?" tumaas ang kilay niya sabay irap sa akin. Ano ang problema niya?

"May gusto ka ba sa babaeng yon?" tumalbog ang puso ko sa tanong niya, ano bang pinagsasasabi niya?

"A-Ako?" Sabay turo sa sarili ko,"magkakagusto sakaniya? S-Sam ano bang pinagsasabi mo?" Pero bakit tumitibok ang puso ko nang sobrang bilis?

"Bakit nauutal at namumutla ka? Tinatanong ko lang naman dahil sobrang concern mo sakaniya," inirapan niya ako sabay talikod sa akin at nagtungong salas kaya sinundan ko siya. Kinuha niya yung bag niya na naka patong sa center table at sinukbit ito sa kanang balikat niya.

"Aalis na ako Selene," nag-iba ang awra niya. Kanina lang ay ang sweet niya, ngayon ay ang sungit na niya. May dalaw ba siya kaya matindi ang moodswings niya? Nilapitan ko siya at niyakap nang mahigpit.

"Alam mo? Kahit ang moody mo, ikaw pa rin ang Sam ko," kumalas ako sa pagkakayakap at pinisil ang magkabilang pisngi niya kaya namula ito. Ngumiti siya at hinaplos ang kaliwang pisngi ko, namumungay ang mga mata ni Sam habang nakatitig sa akin.

Unti-unting nawawala ang pagitan naming dalawa sa paglapit ng kaniyang mukha sa akin. Nasaksihan ko kung paano dahan-dahang pumikit ang mga talukap niyang may mahahabang pilikmata, naramdaman ko na ang init ng hininga niya na nagmumula sa bibig niya na tumatama sa labi ko. Pinikit ko na ang mga mata ko at hinihintay na maglapat ang dapat magtagpo.

"Mortal,"

May kung anong dumaloy na malamig mula sa dulo ng mga daliri ko pataas sa ulo ko kaya napamulat ako sa boses na tumawag sa akin, napaatras ako sa pagkakalapit namin ni Sam kaya siya rin ay napamulat at takang-taka na nakatingin sa akin.

"S-Sam sige na, baka ma-late ka sa shooting mo," hindi maipinta ang mukha niya kaya nagmamadali siyang umalis at hindi na tumingin sa akin. Napabuntong hininga na lang ako at tumingin sa babaeng nakatayo sa may kusina. Wala siyang reaksyon habang nakasandal sa haligi ng pintuan.

"Tinawag mo ba ako, Mayari?" umiling siya kaya tinitigan ko siya nang matalim dahil sigurado akong boses niya ang narinig kong tumawag sa akin.

"Mortal, huwag mo akong bigyan ng tingin na tila nais mo akong paslangin. Marapat na ikaw ay gumalang sa akin." Tinaasan ko siya ng kilay habang nakasandal naman ako sa likod ng mahabang sofa.

"Ganyan ka ba kahambog, Mayari? Lahat ba ng Dyosa ay kaugali mo? Kung ganoon man ay sana bumalik ka na sa mundo mo," umayos siya sa pagkakatindig at marahan na naglakad patungo sa akin. Napaayos ako ng tayo at nilihis ang paningin ko... nagsisimula na naman kumabog ang dibdib ko.

MayariWhere stories live. Discover now