Dalawampu't anim

10K 639 39
                                    

Hindi na napigilan ng damdamin ko ang hagkan ang labi ng dalagang binukot at tila puputok ang dibdib ko sa sobrang kabog nito. Alam ko ay walang pahintulot niya ang ginawa ko kaya nakahanda ako sa isang kaparusahan pero na nanatili lang siyang naka tingin sa akin matapos ko siyang halikan.

"P-Pasensya kana sa inasal ko, Mayari... hindi ko sadyang hindi ka galangin." Na pa lunok na lang ako sapagkat wala pa rin siyang imik.

"M-Mabuti pa ay umalis na tayo," taranta akong sumakay ng motor ko. Na pa pailing na lang ako sa isipan ko, bakit ko ba kasi ginawa iyon? Ano ba itong kahibangan na ginagawa ko? Hindi dapat ganito ang nangyayari... hindi maaari.

Walang imik ang dyosa sa habang nasa daan kami. Gusto kong sakalin ang sarili ko at gulpihin dahil hindi ko nagawang mag-isip nang ilang beses bago ko gawin iyon. Napaka hirap pigilan ng damdamin lalo na at nasanay na ako na mahalin siya. Hindi siya ang tipikal na babaeng makakasalubong mo sa daan, hindi siya ang tipikal na babaeng makakausap mo sa araw-araw, hindi siya tipikal na babaeng mahahanap kahit saan. Sapagkat ang tulad niya ay nag-iisa lang sa mundo at hindi ko lubos maisip kung paano ako kung mawawalay siya.

Halos inabot na ng tatlong oras ang byahe namin at tatlong oras rin kaming walang imik na dalawa. Hindi tirik ang araw, tama lang ito upang hindi kami pagpawisan nang husto. Malapit na kami sa destinasyon namin dahil ang kaninang patag na daanan ay unti-unting nagiging tuyong lupa na pagdinaanan ng mga sasakyan ay kakalat ang alikabok sa paligid.

Malayo palang ay nakikita ko na ang mataas na bakod ng mansion na napapaligiran ng malalaking puno ng mangga, santol, kayomito at marami pang iba. Ang libong hektarya ng pagmamay-ari ng pamilyang kinalakihan ko ay hindi biro. Idagdag pa natin na si Don Miguel ang tumatayong gobernador ng lalawigan na ito kaya ganon na lang ang respeto ng tao sakaniya at sa angkan ng Quinn. Kung alam lang nila kung ano ang totoong ugali ni Don Miguel ay sa tingin ko hindi nila ito titingalain.

Kumanan ako sa malaking bakod na matayog, agad na lumapit ang dalawang guard sa gitna at hinarangan ang motor ko kaya nagtanggal ako ng helmet para makilala nila ako dahil mukha silang bago sa paningin ko.

"Sino po sila Ma'am? Bawal po ang dumalaw kay governor ngayon,"

"Si Mang Tupe, nandiyan po ba?" hanap ko sa pinakamatagal ng gwardiya dito sa mansion. Bata pa lang ako ay siya na ang pinuno nila dito.

"S-Señorita Selene!" tawag sa akin ng taong hinahanap ko habang patakbong pa palapit sa amin. Nakasuot pa rin siya ng uniporme ngunit iba ang kulay nito, kulay kayumanggi ito samantalang sa dalawang bagong gwardiya ay kulay itim. Agad naman akong na pa ngiti at medyo nalungkot dahil ang laki na ng itinanda ni Mang Tupe.

"Pagbuksan niyo agad! Madali!" utos ng matanda kaya tarantang binuksan ng dalawang gwardiya ang matayog na bakod. Umabante ako ng kaunti at tumigil sa tapat ng matanda.

"Mang Tupe, natutuwa akong makita ka muli." Naka ngiti kong bati. Hindi naman maitago ang saya niya na makita ako ulit matapos ang ilang taon.

"Kasama ko po pala ang kaibigan ko," saka niya tinignan si Mayari na nanatiling nakatago ang mukha dahil hindi ito tanaw sa helmet niyang suot.

"Sana ay mawili kayo sa pamamasyal ngayon dito," muling bumaling ang paningin ng matanda sa akin.

"Ang laki at ang ganda-ganda mo pa rin Señorita. Kung ikaw ay makikita ngayon ni Señorita Mirasol ay tiyak kong matutuwa siya nang husto." Parang kinurot ang puso ko sa sinabi ng matanda. Nais ko mang makita ako ni Mama ngayon ay hindi na ito mangyayari pa...

"Ay siya at tumuloy kayo nang makapahinga na." Tumango ako at nagpaalam na matanda bago tuluyang magtungo sa mansion. Malayo-layo ang mansion sa bakod dahil mauuna mong madaanan ang hektaryang pananim ng pamilyang ito at ang sa likod naman ay ang mga alagang hayop. Habang papalapit sa malaking puting mansion ay nagsisimula narin ang kabang nararamdaman ko. Huminto kami sa paradahan ng hindi mabilang na sasakyan at pinwesto ang motor ko. Nagkalat ang mga gwardiya sa buong mansion miski sa taniman ay nakita ko ang iilan.

MayariOn viuen les histories. Descobreix ara