Labing lima

10.5K 798 429
                                    

Napahawak ako sa pader dahil ramdam ko ang pang hihina ng mga tuhod ko sa kinikilos ni Mayari sa akin.

Unti-unti niyang pinadausdos paalis ang braso niya sa balikat ko kaya tumindig ang balahibo ko sa ginawa niya, dyusko po! Bakit ba ganito ang babaeng ito? Bakit para siyang isang bato-balani na nanghihigop ng enerhiya ng isang hamak na tulad ko?

"Walang diyos sa kaluwalhatian o anito sa kalupaan ang mapangahas na nagbalak na ako ay pa ibigin. Kung ito ay iyong nais na gawin, tinitiyak ko na ikaw ang mauunang mahuhulog sa dalagang binukot." Na nanatiling naka ngisi ang babae sa akin, iniwas ko na lang ang tingin ko dahil matatalo ako.

"S-Sumakay kana! Kaysa pinagbabantaan mo ako dyan!" Nilikop ko lahat lakas ko para lang makapag salita laban sa babaeng binukot.

Pinihit ko ang susi-an sabay sipa patalikod ng side stand ng motor ko. Pinipisil ko ang selinyador nang maramdaman ko ang pagbigat ng likod ko.

"K-Kumapit ka Mayari," bilin ko habang hinihintay ko ang pag kapit niya sa katawan ko ngunit wala pa rin akong nararamdaman na bisig sa bewang ko.

"M-Mayari ang kamay----aysh!" napasinghal ako nang mapansin kong bumigat ang helmet ko. Kinapa ko ito at nakahawak siya dito. Siraulo talaga ang magandang ito.

"Hindi diyan kumakapit! D-Dito kase...." Kinuha ko ang malambot niyang galamay at pinaikot ito sa baywang ko. Napasinghap ako sa ginawa ko, kinagat ko ang labi ko sabay hinga ng malalim. Kailangan ko mag maneho ng maayos dahil isang Dyosa ang naka angkas sa akin.

Habang binabaybay ang kahabaan ng highway, na nanatili lang na tahimik si Mayari na naka kapit sa bewang ko. Himala at hindi niya nagawang mag protesta sa ginawa kong paghawak sakaniya, siguro ay nasasanay na siya.

Pinili kong puntahan ang mall na hindi marami ang tao, kung may ta-tao man ay tiyak na may kaya at mga artista. Ayoko kasing mag amok ang isang ito bigla at baka hindi ko siya magawang pigilan dahil yung tatlong lalaki nga lang na umabang samin ay naitumba niya, ako pa kaya?

Tinigil ko sa parking ng mga motor ang diavel ducati ko. Pagkahubad ko ng helmet ay pansin kong nakatingin ang ilang tao sa amin marahil ay magara ang itsura ng motor ko, idagdag pa na isa akong babae.

"Mayari, bumaba ka na." Sambit ko sakaniya, tsaka siya bumitiw sa pagkakakapit ng bisig niya sa bewang ko na dahilan ng bigla kong pagngiti.

"Huwag mo akong utusan, aking gagawin ang ano mang nais ko at hindi mo ito kailangan sambitin pa" mataray niyang sagot. Nagkibit balikat na lamang ako at bumaba na rin sa motor ng mapansin kong nakasuot pa rin siya ng helmet.

"Akin na at aalisin ko," inalis ko ang helmet sakaniyang ulo pero tila bumagal ang oras sa pag-ikot ng ayusin at suklayin ng kamay niya ang buhok niyang mahaba. Napalunok naman ako, bakit kailangan maging ganito siya kaganda? Hindi naman ata patas ang mundo?

"Ikaw ba ay naliligayahan sa iyong nasasaksihan, Mortal?" ngumisi siya sa akin dahilan ng paglalaway ko sa taglay niyang ganda. Iniwas ko na lang ang paningin ko at inayos ang pagkakasabit ng helmet namin sa motor.

"H-Huwag mo na ulit gagawin iyon, Mayari." Sambit ko habang hinuhubad ang suot kong leather jacket at tinupi ito para mailagay sa compartment ng motor ko.

"Ano ang iyong ibig, Mortal?" Binagsak ko ang upuan para maglock ito.

"Ang pagiging maganda mo, huwag mo na ulitin." Lalong lumaki ang ngisi niya. Sinusubukan talaga niya ang paninindigan ko.

"Ang taglay ko ba na karikitan ay hindi mo nais masaksihan, Selene?" sa pagsambit niya ng pangalan ko ay muling tumayo ang balahibo ko. Sinasadya niya talagang maging mapang-akit ang boses niya.

MayariWhere stories live. Discover now