Dalawampu

9.7K 724 211
                                    

Patuloy lang kami sa pagtitig sa isa't-isa at hindi ko alam kung mali ba ang mga sinambit ko. Wala siyang reaksyon ngayon kung hindi ang kaunting uwang sa bibig niya at ang pagtitig ng malapusa niyang mga mata.

Naputol lang ang pagtitig ko sakaniya nang may sunod-sunod na bumagsak sa bubong, ang malalaking patak ng ulan. Muli kong binalik ang paningin sakaniya at nakita ko ang munting ngiti sa labi niya. Tumayo siya at hinila ang dalawang kamay ko. Naguguluhan akong tumayo at nagulat nalang nang bigla siyang tumakbo palabas ng kubo hila hila ang mga kamay ko. Naramdaman ko ang malalaking patak ng ulan sa katawan ko at unti unting binabasa ang aming mga damit.

Tumigil siya sa gitna ng hardin at tumingala, tinititigan ko lang ang mukha niyang unti-unting nababasa at ang mahaba niyang buhok na itim. Napakaganda ng nilalang na ito at wala akong maisip na kahit sino ang kayang pantayan ito. Ang namumukod tanging hiwaga ng mundo na nais kong ipagdamot sa iba.

"Ang tubig mula sa kalangitan ay isang biyaya mula sa mga diyos sa kaluwalhatian at marapat na ito ay ipagbunyi." Saad niya mula sa pagkakatingala ay tumingin siya sa akin at unti-unting lumapit kaya ako ay na pa lunok.

Tumapat siya sa akin at hinawakan ang pisngi ko na kinabilis ng tibok ng puso ko, na pansin ko na lang ang pagngiti niya habang pinipigil ang paglabas ng tawa. Nagtataka akong hinawakan ang mukha ko at napansin ko ang putik mula sa kamay niya ay nilagay niya sa pisngi ko. Na pa ngisi nalang ako at na pa iling.

"Ako ba ay sinusubukan mo dyosa ng buwan?" naka taas ang kilay ko hudyat ng pagtakbo niya palayo sa akin.

"Huwag mo akong takbuhan!" natatawa kong sabi dahil para kaming mga batang nagtatakbuhan sa hardin habang basang basa ang aming katawan dahil sa malakas na ulan.

Pagtakbo ko ay 'di ko inaasahang madudulas ako at na pahiga sa basang damuhan. Maya-maya ay nakarinig ako ng isang tawa na ngayon ko lamang narinig mula nang matagpuan ko siya. Napakasarap sa tenga ng tawa ng isang dyosa kaya ako rin ay na pa tawa. Nakatitig ako sa kalangitan habang patuloy ang pagbagsak ng ulan sa lupa. Isang magandang mukha ang tumakip dito at matama akong tinititigan

"Alam mo ayoko sa ulan dahil may hindi magandang ala-ala ito sa akin. Isang ala-ala na hindi ko na nais pang balikan. Panahon na iniwan ako ng taong pinakamamahal ko." Hindi ko napigilan ang kamay kong haplusin ang pisngi ng dyosa, saglit siyang pumikit at muling tumingin sa akin. Sumikdo ang puso ko sa ginawa niyang pagtitig. Na pa labas ang mabigat na hangin mula sa bibig ko.

"Ngunit ngayon ay may isang dahilan na upang mahalin ko ang ulan," patuloy ang paghaplos ko sa pisngi niya. Na nanatili lang siyang tahimik at naka titig sa akin.

"Kaya naman pala hindi ako marinig kahit lumabas na lalamunan ko kakatawag sa may gate niyo! May moments of love palang nangyayari dito ngayon!"

Na pa upo ako sa narinig kong boses, pagtingin ko sa screen door ay nandoon si Gin habang naka pameywang.

"G-Gin! Kanina ka pa ba nandiyan?!" tumayo ako at iniabot ang kamay ko sa dyosa na nakaupo rin sa basang damuhan, at lumapit kay Gin sa pintuan.

"Kanina pa ako nandito! Halos ma-iluwa ko na yung kaluluwa ko kasisigaw ng pangalan mo sa may gate niyo! Eh kaya naman pala hindi ako marinig eh nagpapabasa kayo diyan sa hardin. Bakit hindi kayo sa kwarto niyo magbasa? At least malambot ang kama-" tinakpan ko ang bibig ni Gin na puro kabastusan ang alam. Pero kinagat niya ang daliri ko kaya na paalis ang kamay ko sa bibig niya at galit siyang tinignan.

"Ano bang sadya mo dito?" tanong ko habang hinuhubad ang suot kong pang itaas para pigain.

"Wow sa harap ko pa talaga pinakita ang maganda niyang katawan. Mayari, na aakit ka ba kay Selene?" isang mapang asar na mukha ang ginawad ni Gin sa akin.

MayariWhere stories live. Discover now