Apatnapu

8.5K 625 66
                                    

Nagtaka ako sa tanong ni Sam dahil imposibleng hindi niya kilala si Mayari dahil nakasama niya ito kahapon lang.

"Si Mayari? Yung babaeng pinatuloy ko dito sa bahay nang ilang buwan?"

Nakatingin ako sa mga mukha nila ngunit maging sila ay takang-taka sa sinasabi ko.

"Siguro ay malalim ang naging tulog mo kaya naiisip mo ang panaginip mo--"

"Hindi siya panaginip!" putol ko sa sinasabi ni Sam. 

Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Bakit hindi nila maalala ang dyosa? Anong nangyayari?

"S-Siguro ay kumain ka na lang muna at pagkatapos ay subukan mo magpahinga muli,"

Ginawa ko na lang ang sinabi ni Sam pero hindi ko nais na magpahinga muli. Pagkatapos kong kumain ay naligo ako at naghanda para pumasok sa hospital.  Kinuha ko ang susi ng motor ko at dumiretso sa garahe.

"Sigurado kang ayos ka lang?" sabay tapik sa akin ni Gin sa balikat. Tumango lang ako sabay suot ng helmet. Hindi na ako nagtanong kung bakit hindi nila kilala si Mayari dahil hindi na kaya ng isipan ko ang isipin pa kung anong nangyayari. Masyadong okupado nang pagkawala ng dyosa ang aking puso at isipan. Kahit maging sa pagmamaneho ng motor ay may alaala niya. Ang mahigpit niyang pagkapit sa bewang ko na hanggang ngayo'y hinihiling ko na mangyari muli... isang imposible.

Ginarahe ko ang motor ko sa gilid ng hospital. Sukbit ang white coat ko at bag, dumiretso ako sa loob ng hospital papunta sa quarters namin.

"Good morning, Selene." Isang pamilyar na boses ang nagmula sa aking likuran. Paglingon ko ay isang pares ng kulay asul na mga mata ng isang magandang dalaga ang ngayo'y nakatingin sa akin.

"Good morning, Sunny."

"Nagkalat talaga ang magaganda sa hospital na ito at isa akong malaking kalat," biglang sulpot ni Doctor Kim sa likuran ni Sunny.  Bahagya naman akong natawa sa sinabi ni Kim.

"Umagang-umaga sinisira mo ang araw, Kim." Irap ni Sunny kaya napailing na lang ako.

"Mauuna na muna ako para maghanda sa duty," ngumiti ako at nagpatuloy na papuntang quarters namin.

Pagpasok ay mga munting alaala na naman ang sumulpot sa isipan ko. Kahit saan ako magpunta ay ikaw ang naaalala ko, Mayari. Hanggang kailan ako magiging ganito?

"Tulala ka diyan?" napalingon ako sa nagsalita at kitang-kita ang lukot-lukot niyang damit.

"Hahabulin ka ng plantsa. Gusto mo plantsahin kita?" natatawa kong pang-aasar.

"Gusto mong gawin kitang kabayo?" binigyan ko siya ng isang mahinang suntok sa sikmura bilang ganti.

"Wag mong! Kakatapos ko lang kumain ng pusa!" napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"K-Kumakain ka ng pusa?" seryoso kong tanong at siya naman ay tila natatawang ewan dahil sa tanong ko.

"Oo, katatapos ko lang kumain kaya nga lukot ang damit ko,"  napasapo na lang ako sa ulo ko dahil mukhang alam ko na ang tinutukoy niya.

"Umagang-umaga itago mo iyang kahalayan mo, Mercauto!" at doon na siya tumawa nang malakas.

"Akala ko hindi mo pa makukuha, eh." Kinuha ko ang pager ko at tinoktok sa ulo niya.

"Aray! Ang tigas niyan ah!" ako naman ang napatawa nang malakas.

"Ngayon ay nagrereklamo ka na sa matigas?" hinampas niya ako sa braso at hinila palabas ng quarters.

"Tara sa cafeteria at ililibre kitang kape," wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sakaniya.  Ngunit napatigil ako saglit sa tapat ng mga upuan sa labas ng quarters. Dito ko palaging pinaghihintay ang dyosa sa tuwing sinasama ko siya dito.

MayariWhere stories live. Discover now