Lima

12.3K 736 207
                                    

Mga hikbi at pagsinghot ng sipon lang ang maririnig sa buong oras na nanunuod kami ng pelikula. Nabasa na nga ni Sam ang laylayan ng t-shirt ko kakapunas ng mga luha niya habang nakaunan sa mga hita ko.

"Kahit ilang beses ko talaga panoorin yan palagi pa rin akong naiiyak," si Sam habang pinupunasan ang luha sa mata niya.

Inikot ko ang paningin ko dumako ito sa isang dalaga na wala manlang reaksyon ang mukha habang nakatingin lang sa telebisyon. Ngayon lang ako nakakita ng hindi umiyak sa palabas na ito, maliban sa akin ngayon na naging manhid na sa ganyang tema ng palabas.

Natapos ang palabas na namamaga ang mga mata ni Sam, Gin at Teri pare-parehas silang nag punta sa banyo para maghilamos.

"Grabe ka Selene! Wala manlang tumulong luha sa mga mata mo! Isama mo pa yang chikas mo na si Mayari na walang reaksyon ang mukha!" si Gin habang pinupunasan ang mukha gamit ang towel.

"Kung sabagay bakit ka nga naman maiiyak sa palabas na ganyan, eh mas grabe pa yung nangya--- aray! Masakit Sam!" nakita kong pinandilatan niya si Gin ngumiti na lang ako kay Sam sabay tango.

"Biro lang naman kase yon ang seryoso niyo," singhal ulit ni Gin.

Maingay talaga yan kahit nung elementary pa kami palagi siyang na papalabas ng classroom ng mga Madre dahil sa ingay niya, pero siya lang ang nakita kong na palabas na tuwang-tuwa pa. Madalas ay pagod na yung naglilista ng maingay sa pisara dahil palagi siyang unang-una.

"Ala-siete na wala ba kayong balak magsi-uwi? May duty pa ako bukas," tanong ko habang prente na naka upo sa sofa.

"Wala, dito kami matutulog 'di ba, Sam?" natampal ko na lang ang mukha ko sa pagkadismaya.

"Sino may sabing gusto ko kayong matulog dito? Isa pa, ang kalat niyo maawa kayo kay Teri," singhal ko kay Gin.

Ayaw ko silang matulog dito dahil alam ko na ang mangyayari mamaya.

"Edi palitan mo si Teri, ikaw maglinis ng kalat tapos mag-iinuman kami! Wooooo!" sabay taas niya ng bote ng el hombre. Kumunot na lang ang noo ko, sinasabi ko na nga ba ito ang mangyayari sa magdamag na ito.

"Mayari, sama ka samin, ah!" kinalabit niya ang magandang babae pero tinignan lang siya nito.

"Sungit mo talaga," pinanglakihan ko na ng mata si Gin dahil ang kulit niya!

"Oops! Hands off galit na ang jowa,"

"Gin! Ano ba ang kulit mo!"

Nagulat ako sa sigaw ni Sam kaya agad akong napatingin sakaniya namumula siya.

"Oops! Galit na ang selosa!"

"Gin!!"

At ayun na nga, naghabulan na sila sa salas habang ako ay na pahiga na lang sa sofa at sandaling tinitigan ang misteryosang babae na nasa tapat ko katabi si Teri.

Ano kayang tinatakpan niya sa kaliwang mata at palagi tong may takip na tela? Sukat na sukat rin ang damit na pinahiram ko sakaniya. Hindi ko maikakaila na isa siya sa mga babaeng lubos ang ganda, may taglay siyang ning-ning sa pagkatao niya na hindi mo makikita sa iba.

"Matunaw yan, Selene Eclipse!"

Napa pikit-pikit ako at ibinaling ang mata ko sa telebisyon na ngayon ay puro credits na lang ng pelikula ang lumalabas. Hindi talaga ako titigilan ng siraulong 'to.

"Huli ka balbon!"

Hindi ko na siya pinansin, tumayo na ako at umakyat papunta sa kwarto ko. Binuksan ko ang ilaw dahil nababalot ng dilim ang silid gawa ng napakalakas pa rin na ulan na pumapatak sa labas.

MayariWhere stories live. Discover now