Labing pito

9.4K 745 195
                                    

Ang pagdapo ng kaniyang malambot na palad sa aking mukha at ang pagpungay ng kaniyang mala-pusang mga mata habang nakatitig sa akin, ang nagpanipis ng hangin sa paligid ko. Wala akong naririnig kung hindi ang tibok ng puso ko, nagsusumigaw nang paulit-ulit at pilit na pinapasok sa kalooban ko ang kakaibang nararamdaman ko para sa dalagang binukot.

Hindi ko alam ngunit tila may isip ang sarili kong kamay nang dahan-dahan nitong hawakan ang kamay ng dyosa na nakadapo saaking pisngi. Unti-unting lumiliit ang agwat namin dalawa nang ilapit ko ang sarili sa dalaga, na pa lunok ako nang maamoy ko ang halimuyak niya na tila isang bugkos ng bulaklak ang aking nasa harapan, isang ubod ng ganda na bulaklak na gusto kong alagaan.

"M-Mayari gusto—"

Na pa hinto ako nang tumunog ang cell phone ko, na pa pikit ako at na pa tungo. Bakit ngayon pa? bulong ko sa sarili.

Para naman kaming napaso sa isa't isa at kumalas siya sa pagkakahawak sa pisngi ko. Wala akong nagawa kung hindi kunin ang pisting yawa na cell phone na ito sa bulsa ko. Pagtingin ko ay unknown number pero minabuti ko parin na sagutin ito.

"Hello?" medyo maingay ang paligid sa kabilang linya.

"Hello, Doctor Quinn? Si nurse Tin po ito. Sorry to disturb you Doc, pero we need you here sa hospital. ASAP." na pa ayos ako ng tayo at agad na tinignan ang orasan.

"I'm on my way." Pinatay ko kaagad ang tawag at sinulyapan saglit ang dyosa na ngayon ay nakatingin sa madilim na kalangitan.

"Mayari, pasensya kana pero kailangan kong umalis dahil kailangan ako sa hospital. Ayos lang ba kung iiwan kita mag-isa ngayon dito? Baka bukas na ako makabalik. Hintayin mo na lang ako." Mula sa pagkakatingala ay tumingin siya ng diretso sa akin habang tinatali niya ang eye patch sa kaliwang mata.

"Nais ko na ikaw ay samahan," bahagya akong na pa ngiti ngunit agad ko itong pinigilan. Minabuti ko na wag nang magprotesta. Agad kong hinawakan ang pulsuhan niya at hinila pababa. Kinuha ko ang leather jacket ko at susi ng motor ko.

Mabilis pa sa kidlat ang ginawa kong pagmamaneho upang makarating agad sa hospital. Pagpark ko ng motor ay hinila ko si Mayari papasok sa loob ng building at nagtungo sa quarters namin. Pinaupo ko si Mayari sa bench sa hallway dahil bawal siyang pumasok sa loob ng silid.

"Mayari, dito ka lang at huwag kang aalis. Hintayin mo ako at babalik rin agad ako kapag natapos ang lahat." Bilin ko habang sinusuot ang white coat ko. Tinabi ko rin sakaniya ang tumbler ko at ilang tinapay na kinuha ko sa loob ng quarters.

"Ito jacket ko para kung lamigin ka ay isuot mo." Nakatingin lang siya sa akin habang nilalapag ko ang damit sa gilid niya kaya nailang ako bahagya.

"Magmadali ka, Mortal. Ako ay maghihintay." Ngumiti ako sakaniya at tumabkbo na papuntang Emergency room. Pagpasok ko ay isang humihiyaw na dalaga ang nadatnan ko habang hawak hawak ang kanang bahagi ng ibabang tiyan. Agad ko siyang tinignan kung kamusta ang lagay ng dalaga.

"Nurse Tin yung chart?" agad na inabot ng nurse ang hinihingi ko. Base sa history isang week na siyang constipated at pababa ng pababa ang sakit ng tiyan. Walang lagnat, malinis ang ihi at maayos pa ang dugo ngunit nagsusuka.

"Salamat," sabay balik ng chart dahil mukhang alam ko na ang nangyayari.

"Camille? Higa ka ng pataligid sa kaliwa, may gagawin lang ako at medyo masakit ito kaya sabihin mo sa akin kung hindi mo na kaya ang sakit." Kinuha ko ang kanang binti ng dalaga at diniretso ito patalikod at muling binalik paharap, muling napahiyaw ang dalaga.

"Konting tiis Camille, ngayon humiga ka pa harap." Kinuha ko muli ang kanang binti at sinubukan itupi ito hanggang sa maabot ng tuhod niya ang tiyan ngunit sa kalagitnaan palang ay huminto na ako dahil tinapik ako ng dalaga sa sakit.

MayariWhere stories live. Discover now