Walo

11K 731 127
                                    

Bumangon na ako at iwinaksi  na lang ang na iisip kong katanungan sa isipan ko, imposible naman kasi at tsaka baka na nanaginip lang ako... pero bakit ko naman mapapaginipan si Mayari na hinalikan ako? Isa pa, naaalala kong binabangungot ako kagabi at ginising lang naman ako ni Mayari pero bago ako pumikit may mga sinabi siyang salita na hindi ko na maintindihan dahil biglang bumigat ang mga mata ko.

"Aysh! Ano ba itong iniisip ko?" binasa ko ng malamig na tubig ang mukha ko para mahimasmasan ako sa mga pinag-iisip ko.

Bumaba ako agad matapos kong maghilamos, agad na bumungad ang mabangong amoy ng nilulutong agahan.

"Teri ang... uh, Sam? What are you doing here?" napatigil ako sa pagbaba sa hagdan nang makita ko si Sam na naka suot ng apron habang nakapusod ang buhok.

"Hi! good morning, Selene! kain na, pinagluto kita."

Kagabi lang ay tila pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha niya pero ngayon ay iba na ang awra niya, ano naman kayang nakain niya? Pero masaya ako kung okay na siya sa kung ano man ang nangyaring hindi maganda kagabi.

"Kanina ka pa ba nandito?" tanong ko nang makalapit sakaniya. Inayos ko ang mga hibla ng buhok niya na nakaharang sa kaniyang  mukha.

"A-Ano... oo medyo kanina pa," bigla siyang umiwas nang tingin sa akin. Hmm? na iilang ba siya? Eh, dati ko pa naman ginagawa ang ayusin ang buhok niya.

"Upo ka na at ipaghahain na kita."  Paupo na ako nang hindi ko makita sa paligid si Mayari na kinatigil ko.

"Nasaan si Mayari?" sumilip si Teri mula sa kitchen at ngumuso sa akin sa direksyon kung nasaan ang garden sa likod Bahay. Agad akong nagtungo kung nasaan siya. Marahan kong tinulak ang screen door at natagpuan ng mga mata ko ang magandang imahe ng isang babae habang nakaupo sa gilid ng maliit kong pond kung saan nakatira ang nag-iisa kong pagong, si Pongie.

Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan habang nilulubog  niya ang mga dulo ng daliri  niya sa malinaw na tubig, para siyang isang dyosa na napadpad sa magulong buhay ng siyudad. Ang sinag ng araw na nagmumula sa langit, kasabay nang maliliit na ngiti na sumisilay sa bibig niya ay hindi ko matatawaran. Isa itong magandang tanawin para sa akin at wala akong maihahambing sa ganda niya, na kahit anong maranyang bagay sa mundo ay hindi kayang tumbasan.

"Mortal, kung ang iyong mga tingin ay isang naglalagablab na apoy, natitiyak ko na ako'y hindi kayang sagipin nang kahit anong elemento."

Natuyo ang lalamunan ko sa pagkakatitig niya sa akin, para akong nahihipnotismo sa tingin niyang ganito.

"A-Ano... kakain na." Pinilit kong tumalikod dahil baka hindi ko na maalis ang paningin ko sa babaeng ito.

Nagmamadali akong bumalik sa kainan at umupo sa gitnang dulo ng lamesa. Nakahain na lahat ng pagkain, maya-maya pa ay tumabi na sa kanan ko si Sam na hanggang ngayon pinagtataka ko kung bakit siya nandito.

"Sam? Wala ka bang shooting ngayon?" tanong ko habang hinahalo ko ang mainit na kape sa tasa.

"Actually, mayroon but it's late in the afternoon pa naman so... pumunta muna ako dito para ipagluto ka." Tumaas ng bahagya ang kilay ko sa sinasabi niya.

Ilang minuto pa at nakita ko na papasok na si Mayari papalapit sa kabilang dulo ng lamesa, agad siyang hinainan ni Teri. 

"Teri, sumabay ka na sa amin." Pag-aaya ko sa kasama ko sa bahay at agad naman siyang sumunod. Bago tumabi malapit kay Mayari ay inabot niya sa akin ang dyaryo.

"Lakapati pakanin mo yaring alipin mo, huwag mong gutumin."

Pinagmasdan ko ang babae na katapat ko sa kabilang dulo habang nagdadasal. Kakaiba siya magdasal dahil parang sinaunang tao at may mga binabanggit siyang salita na hindi maintindihan.

MayariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon