Dalawampu't dalawa

10.1K 860 391
                                    

Naka tulala lang ako sa babaeng tahimik lang na naka tingin sa malayo. Makita ko lang siya ay nawawala ang kaninang pagod ko sa emergency room. Na pa tigil ako sa pagtitig ko sakaniya nang marinig ko ang pagtawag ng pangalan ko kasabay ng pag vibrate ng pager ko dito sa hospital. Muli kong binalik ang paningin kay Mayari na nananatiling nanunuod sa telebisyon.

"Mayari?" yung dahan-dahan niyang pagtingin sa akin ang naging dahilan kaya sumikdo talaga yung puso ko at tila nalulon ko ang sarili kong dila.

"Selene," ako naman ngayon ang nakatingin sa malayo dahil sa init ng pagtitig niya sa akin.

"A-Ano—aalis na muna ako ulit at may operasyon akong gagawin. Babalik ako agad sa oras na matapos. Hintayin—"

"Oo, ikaw ay aking hihintayin." Kinagat ko na lang ang labi ko para pigilan ang ngiti ko. Dali-dali akong umalis sa kantina at tumakbo papuntang scrub room ng O.R. Pagdating ko ay nakita kong nagkapag palit na si Raven at nagsisimula ng maglinis ng kamay hanggang braso.

"Anong case doc?" tanong ko habang nagtatali ng head cap kong bulaklakin.

"Atherosclerosis" tipid niyang sagot, "my wife supposed to do this but she had an important operation than this so we're doing it." Tumango tango lang ako. Kaya pala saglit lang kami nagkausap kanina ay umalis narin agad siya.

First time kong mag assist sa isang bypass surgery, palagi lang kasi akong na nunuod noon pero hindi ang actual na senaryo ang mismong kinalalagyan ko kaya medyo kabado ako ngayon.

"Don't be nervous, you're a skilled one, Selene. Trust yourself." Silang dalawang mag-asawa talaga ay tila nakakabasa ng iniisip. Alam nila kung ano sasabihin sa ibang tao at palaging sumasakto sa sitwasyon.

Inaral ko muna ang chart ng pasyente bago kami magpatuloy sa operasyon. Pagpasok sa loob ay nandito si Luna sa loob na kinataas ko ng kilay ko pero agad kong inalis ang atensyon sakaniya. Tumingin ako sa taas kung nasaan ang glass room para sa gustong makapanuod ng on going procedure. Isang matalas na paningin ang dumapo sa akin kaya hindi ako nagpaawat ng tingin sakaniya. May araw ka rin Sales, bulong ko sa isipan ko. Nakita kong sa hindi kalayuan si Mercauto habang may hawak-hawak na kape at kumakaway pa. Na pa kamot na lang ako sa ulo at muling bumalik ang atensyon sa pasyenteng nakahiga sa harapan namin ni Raven.

Maingay na makina ang maririnig sa paligid, ang boses ng nurse na nag u-update ng vitals at ang mahinang boses ni Luna na nagpapaalala ng itatagal ng anaesthesia.

"Each human body will tell you how to make it work and how to finish it." si Raven, pinanunuod niya ako habang tinatahi ko ang hiniwa namin na dibdib kanina hudyat na tapos na ang operasyon.

"Good job everyone and team, let's meet in my office." Tumango lang ako kay Raven. Hanga talaga ako sakaniya at sa kakayahan niya.

Halos limang oras rin ang tinagal namin sa bypass at naging matagumpay naman ito. Tinanggal ko ang head cap ko pagkalabas ko sa operating room kaya medyo nagulo ang buhok ko. Nagulat naman ko nang biglang may humawi ng buhok ko sa mukha.

"Wala ka pa rin pinagbago, maganda at matalino." Tinabing ko ang kamay niya at lumayo bahagya.

"Ano bang gusto mong mangyari sa ginagawa mo, Luna? Hindi mo ba nakikita na ayaw kitang nasa paligid ko?" iritable kong sagot habang binabasa ang kamay ko hanggang braso ng malamig na tubig.

"Masama na bang purihin ka ngayon? Bakit? Ang gusto mo bang pumupuri sayo ay yung kasama mong bulag?" kinagat ko ang bagang ko para pigilan ang inis ko sa sinasabi niya tungkol kay Mayari.

"Mas masarap ba siyang humalik kaysa sa akin, Selene?" kinalampag ko ang stainless na sink sa bwisit ko at hinarap siya. Nag-aapoy ang mata ko sa galit.

MayariWhere stories live. Discover now