Apat

13.4K 792 394
                                    

"Dyosa ng Pag-ibig." Sambit niya bago alisin ang tingin sa akin.

Gusto kong matawa dahil kung ano-ano talaga pinagsasabi niya, dyosa ng pag-ibig? Sino naman ang baliw na maniniwala sa pinagsasasabi ng magandang babaeng ito?

"A-Alam mo, Mayari? Hindi kasi kita naiintindihan. Kung sabihin mo na lang sa akin saan ka nakatira, anong buong pangalan mo at kung may kamag-anak ka ba dito o kapatid, mga ganung bagay," saglit akong tumingin sakaniya at bumalik ulit sa pagmamaneho.

"Marahil tunay nga na ang mga mortal na tulad mo ay hindi maiintindihan ang mga bagay na hindi niyo nakikita."  Muli akong tumingin sakaniya kaso diretso lang ang paningin niya sa kalsada.

"Hindi ako marapat na manatili sa mundong ito kung ang isang tulad mong Mortal na hindi makaintindi ng aking mga wari ay ang aking nasa tabi."

Kahit isa sa mga sinabi niya hindi ko maintindihan nang maayos, sobrang hirap intindihin ng babaeng ito. Tawagan ko kaya ang kaibigan kong psychiatrist? Baka naman talagang nasisiraan na ng bait ito? Pero hindi eh, mukha siyang nasa tino-- aysh! Ewan!

"Mukhang wala kang mapupuntahan dito maliban sa akin na nakakita sayo sa kalsada. Okay lang na sa akin ka muna tumira. I don't mind."

Really, Selene? You don't mind?

Kung sa akin siya titira, tiyak na kailangan niya ng masusuot na bago. Kinabig ko pakaliwa ang manibela at nag pasyang dadaan muna sa mall para makabili ako ng damit niya dahil baka 'di ko na magawa ito sa mga susunod na araw.

"May pupuntahan tayo," tinignan ko siya pero na nanatiling tahimik ang magandang babae.

Nag-park agad ako sa isang mall dito sa Manila. Pinili kong sa hindi matao na mall dahil hindi ko alam baka magwala ang isang ito at magbasag ng kung ano-ano tulad ng ginawa niya sa bahay ko. Tila nanakit ang ulo ko pag naaalala kong mga collection ko ang pinagbabasag niya.

Tinignan ko siya bago patayin ang makina ng kotse ko, patuloy pa rin akong namamangha sakaniya pero isa lang ang problema dahil hindi ko pa rin alam bakit niya tinatakpan ng tela ang kaliwang mata niya.

"Ang lugar na ito ay hindi ang iyong balay."

Huminga ako nang malalim bago magsalita, "Nasa mall tayo bibilhan kita ng mga damit na masusuot mo." Tumingin siya ng matalim sa akin. Teka, bakit? Ano ginawa kong mali?

"Kinuha mo ba ang aking pahintulot na ito'y gawin, Mortal?"

"What? Are you serious? Bakit ko hihingin ang pahintulot mo na gawin ito? Eh, ako ang kumukupkop sayo ngayon?" kumunot ang noo niya, siya pa may ganang mainis dito?

"Lingid sa iyong kaalaman ang nasasaksihan mo, Mortal. Ang isang tulad ko ay hindi lang isang marikit na dalaga tulad ng ibang mortal. Ako ay higit pa! Iyan ang dahilan para hingin mo ang aking pahintulot!" bahagyang tumataas ang boses niya at halos duguin ako sa salitang marikit. Anong ibig sabihin ng hinayupak na salitang marikit? At Ibang klase ang taong ito tutulungan mo na sisigawan ka pa?!

"Alam mo Mayari? Matuto kang magpasalamat! Dahil sa lahat ng mortal na sinasabi mo sa mundong ito, ako ang nakakita saiyo sa malamig na kalsada na iyon! Dahil kung ibang tao ay malamang sa malamang nanganganib na ang buhay mo! Ngayon, kung ayaw mo? Edi huwag mo! Sana nga ay hindi na ako ang nakapulot sayo para hindi nagulo ngayon ang buhay ko!" nanginginig ako sa bwisit sa babaeng ito kaya minabuti kong umalis na lang sa parking ng mall at bumalik na lang ng bahay.

Tinutulungan mo na ganyan pa makitungo sayo? Eh, kung itapon ko ulit siya sa kalsada?! Bwisit! Nasira ang interview ko dahil sakaniya! Tapos isang pasalamat sa pag tulong ko wala? Bwisit! Bwisit!

MayariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon