Tatlumpu't tatlo

8.5K 712 138
                                    

Tila hinihele ang puso ko sa mga sinabi niyang salita sa akin, isang pakiramdam na palagi kong na naisin na maramdaman hanggang sa paglubog ng araw.. Ang pagsakop niya sa kamay kong malamig ay napawi nang mainit niyang palad.

Nakatitig lamang kami sa isa't isa at kinakabisado ang bawat detalye ng pagkakataong ito, na kung sakaling pipikit ang isa sa amin ay mawawala ang mahika sa paligid... Nasa harapan ko na ang matagal nang hinahangad ng puso ko.

Naramdaman ko na ang unti-unting pagkawala ng init na nararamdaman ng mga kamay ko sakaniyang pagbitiw. Saglit na humabol ang mga kamay ko sakaniyang palad ngunit pinigilan ko ang sarili at dahan-dahan kong inilayo ito. Na pa lunok na lamang ako, at mula sa pagkakatagilid ay tumihaya ako at matamang tumitig sa puting kisame ng silid.

"S-Sino na ang mga sumunod na diyos o dyosa kay Apolaki?" pagtatanong ko habang patuloy ang pagtitig sa kisame.

Lumipas pa ang ilang minuto bago siya muling nagsalita "Si Tala, ang dyosa ng nga bituin at si Hanan, ang dyosa ng umaga at liwanag, ang aking dalawang kapatid."

"Nasisigurado ko na kasing ganda mo rin sila." Na pa ngiti ako sa sinabi ko.

"Ikaw? Hindi mo ba ipapakilala ang iyong sarili?" binigyan ko siya ng saglit na tingin at nakita ko siyang nakangisi sa akin kaya na pa lunok ako.

"B-Bakit?"

"Kung ito ang iyong nais ay muli kong ipapaalam saiyo kung sino ang iyong nasa tabi, Mortal." Naramdaman ko agad ang pagkabog ng puso ko.

"Ang iyong nasa tabi ang may taglay nang pinakahihigit na kagandahan sa kaluwalhatian ni Bathala. Ang nag-iisang dalagang binukot, ang natatanging kulalaying, ang dyosa ng pilak at ang dalagang naka upo sa buwan.."

Saglit niyang hinawi ang buhok na tumatabing sakaniyang kaliwang mata. Sumilay ang mata niyang kulay puti na patuloy kong ikinamamangha.

"Ako si Mayari, ang dyosa ng buwan."

Kahit ilang beses niyang ulitin ang napakahabang intro niya ay hinding-hindi ako mapapagod pakinggan ito. Napaka lakas ng dating niya at hindi ko kayang iwaksi ang nararamdaman kong pagkamangha sa dyosa ng buwan.

"Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na nasa tabi kita at nakakausap. Isa ka lang alamat at karakter sa mga kinalakihan kong kwento ngunit ngayon ikaw ay nasa aking harapan at buhay na buhay. Hindi maitatago o maikukubli ng mundo ang isang hiwaga na tulad mo."

Muli akong tumingin sa kisame at inisip ang susunod kong sasabihin. Ngunit sa naisip ko ay tila ba mahihirapan akong matanggap ang isang sagot.

"S-Sa mundong ito ba ay maaari ka--kayong manatili?" Na pa lunok ako dahil muntik na akong madulas sa tanong ko.

"Nilikha ni Abba ang lahat kabilang ang mga anito. Sila ang iniwan ng aking Ama sa mundong ito upang maging katuwang ng mga mortal sa araw-araw nilang pamumuhay. Ang nga anito ay nagsisilbing gabay, kaligtasan at tumutulong sakanilang mga buhay.. maliban sa aming mga diyos at dyosa sa kaluwalhatian."

Tumango-tango na lamang ako sapagkat hindi naman niya nasagot ang nais ko talagang malaman. Ano ba kasi itong iniisip ko? Malabo naman talagang manatili siya dahil hindi siya isang anito upang manatili sa mundo kung nasaan ako. Napailing na lamang ako habang nararamdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko.

"Tulad ng mga anito, ay mayroong mga mortal na handang tumulong at maging katuwang ng iba sa mundong ito... tulad mo."

Napahinga ako nang malalim dahil lalong lumilinaw ang bawat pagitan namin sa mga sinasabi niya sa akin.

"Sa tuwing nasisilayan ko ang bawat pagtulong mo sa ibang mortal, ako ay iyong napapahanga, Selene."

Bigla akong napatingin sakaniya at siya naman ang titig niya sa aking mga mata na nagdala nang matinding sensasyon sa akin.

"Ikaw ay napupuno nang kabutihan sa iyong puso. Ikaw ay handang tumulong sa iba sa abot ng iyong kakayahan at iyong gagawin ang lahat upang maibigay ang pangangailangan ng iba."

Dahan-dahan akong umupo at isinandal ang sarili sa headboard. Tinupi ko ang aking mga tuhod at niyakap ito ng aking mga braso habang nakatingala sa kawalan.

"Alam mo Mayari, kahit binibigay ko ang lahat nang makakaya ko sa iba, ang tulong na ginagawa ko para sa iba, at ang maibigay ang pangangailangan sa iba... ay may pagkakataon na sa aking pag-uwi sa bahay na ito ay nais ko rin ang maramdaman ang mga iyon."

Saglit akong tumigil upang maisip ko ang bawat salita na nais kong mailahad sa dalagang binukot.

"Minsan nakakapagod din maging ako. Ang tao kapag kailangan ka ay hahanap-hanapin ka, ngunit sa oras na maibigay mo na ang pangangailangan nila, ay matatapos na naman ang araw na mag-iisa ako."

Napangisi na lang ako sa katotohanan ng buhay ko at ng nararamdaman ko.

"M-Minsan nais ko naman na hanapin at kailanganin ako ng iba, hindi dahil sa kaya kong ibigay.. kundi dahil nais nilang matagpuan ako."

"Nais kong matagpuan ako.."

Tumingin ako sa dalaga na ngayon ay nakaupo na at nakatitig sa akin. Pansin ko ang paglamlam ng kaniyang mga mata.

"Kung iyong masasaksihan sa aking balintataw ang iyong sarili, ay natitiyak kong kahit ang kaibuturan ng kagubatan ay susuungin matagpuan ka lamang."

Napatigil lang ako at napatitig sa maganda niyang mukha sapagkat nakita ko ang munting ngiti na sumilay sa kaniyang mga labi.

"At natagpuan na kita, Selene."

MayariWhere stories live. Discover now