Tatlumpu't anim

8.4K 658 242
                                    

Ramdam ng katawan ko ang malamig na hangin na humahaplos sa aking balat ngunit ang mainit niyang palad ang nagbibigay ng init sa aking nilalamig na katawan. Patuloy ang malakas na ingay na bumabalot sa paligid ngunit hindi nito kayang higitan ang ingay ng pusong pumipintig at sa kaniyang mga titig ay patuloy na napapa-ibig..

"Matunaw naman si Mayari." Napadpad ang paningin ko sa lumalamon na itsura ni Gin. Na pa dako naman ang tingin ko kay Sam na masamang nakatingin sa akin. Sinundan ko ang tingin niya at aking napagtanto na siya ay nakatingin sa magkahawak na kamay namin ni Mayari. Napalunok ako bigla dahil mukhang hindi maganda ang ibigsabihin ng tingin ni Sam.

"Hoy! Napaka pulubi mo!" kinuha ko na lang ang paper cup na hawak-hawak ni Gin at agad na uminom dito kahit hindi ako sigurado sa laman nito. Hinayaan ko siyang ngumawa sa ginawa kong pag-agaw sa iniinom niya. Napagtanto kong coke pala ito.

"Akin na ito, ah?" sabay lagok pa sa iniinom.

"Sige basta sa akin si Mayari." Nag-amba siyang hahawakan sa braso si Mayari kaya binalik ko agad ang paper cup sakaniya.

"Oh! Sayo na itong coke mo! Hindi naman kasi masarap," inirapan ko siya sabay abot niya sa baso.

"Hiyang-hiya sayo yung hindi masarap, ano? Eh mas marami pa yung laway ko sa itinira mong coke eh!" nagkibit balikat na lamang ako sakaniya.

"Tapos na kayo umikot?" tanong ko kay Sam na tahimik pa rin at masama ang tingin.

"Tapos na, kayo? Hindi ba kayo maglalakad-lakad? Buong oras lang kayong nakatayo dito at magkahawak kamay," halata sa boses ni Sam ang pagkainis.

Hindi ko na itatanong pa dahil mukhang alam ko na kung bakit. Hindi naman ako ganoon ka manhid para hindi ito maramdaman.. may gusto sa akin si Sam.

"Oh, chill lang kayo dito at baka magkaroon pa ng riot. Ang mabuti pa ay umikot ulit para matikman pa yung ibang pagkain."

Wala akong nagawa kung hindi sundin ang sinabin ni Gin para na rin mabawasan ang nakakailang na presensya na namumutawi sa paligid.

Una kaming nagpunta sa bilihan ng corn dog dahil wala akong makita na pagkain na hotdog para kay Mayari. Agad kong hinila ang dyosa sa maliit na bilihan at pinansin naman ako ng tindera.

"Hi! can I have two corn dogs, please?" tumango lang ang maliit na tindera at hinanda ang binibili ko. Inabot ko ang bayad at kinuha ang pagkain. Nilingon ko agad si Mayari na tila nagtataka sa hawak hawak ko at nakataas pa ang kilay. Napalunok tuloy ako..

"Ano ang bagay na iyan? Tila isang matigas na bagay na maaaring ihampas sa mabangis na hayop."

Hindi ko napigilan ang pagtawa nang malakas sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na ganito ang sasabihin niya sa masarap na pagkain na ito.

"Ang mukhang panghampas na bagay na ito ay tinatawag na corn dog. Masarap ito higit na sasarap kung ito ay isasawsaw mo dito," sabay nguso sa ketchup sa gilid ng lalagyan ng pagkain na hawak ko. Pagbalik ng paningin ko sakaniya ay matamang nakatitig siya sa akin habang nakangisi. Nandoon na naman ang pakiramdam ng tuhod kong nanglalambot sa ganitong pinakikita niya.

Kinuha niya ang isa kong hawak na corn dog sa kamay at mas lalong lumawak ang pangisi niya.

"Isawsaw sa iyong labi?"

Napalunok na lamang ako sa nakaka akit na boses niya. Ang maingay na paligid ay tila tumahimik saaking pandinig at ang tanging ingay ay ang kabog ng dibdib.

"Ikaw ay hindi mabubusog sa iyong pagtitig lamang sa akin, Selene." Sabay talikod sa akin kaya naman doon ako nagising mula sa hipnotismo niyang dala.

Bago pa siya makalayo ay hinawakan ko ang isang kamay niya at muling bumalik kung nasaan sila Gin. Nakita ko sila sa hindi kalayuan  na nakaupo sa damuhan habang kumakain ng malaking nacho chips.

MayariWhere stories live. Discover now