Pito

11.6K 715 235
                                    

"Luna---"

Halos lumabas ang puso ko sa kaba nang magtama ang mga mata namin sa isa't isa. Parang bumalik lahat ng mga sariwang sugat na matagal ko nang binaon sa kailaliman ng puso ko. Akala ko pagdumating ang araw na ito ay wala na akong mararamdamang kahit ano, pero binigo ako ng puso ko... masakit pa rin pala.

"Oh, that's great! You know each other, right Doc. Selene?"

Napapikit ako at huminga nang malalim bago muling tumingin kay Doc. Raven. Binigyan ko na lang siya nang maikling ngiti. Parang hindi kaya ng boses ko ang hindi pumiyok kapag pinilit kong magsalita ngayon.

Naramdaman ko ang biglang paghaplos ni Doc. Sunny sa likod ko na aking kinagulat kaya napatingin ako sakaniya at siya naman ngiti niya sa akin. Muli ko na lang binalik ang paningin ko sakaniyang asawa na ngayon ay patuloy na nagsasalita habang ako ay patuloy na nilalamon nang kung ano-anong senaryo ang pwedeng mangyari sa araw na ito.

"May bumabagabag ba sayo, Doc. Selene?" pabulong na tanong lang niya sa akin. Hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot ng katotohanan o hindi.

"Alam mo mas magandang pag-usapan ang mga bagay na hindi kayang ipaliwanag." Tumingala na lang ako upang mapigilan bumagsak ang  mga munting luha na namumuo sa mga mata ko. Pakiramdam ko hindi ako makahinga, yung puso ko sobra ang kabog na halos lumabas na sa tadyang ko.

"All right, you may go now to your duty. Porfavore, let me know if there's a problem." 

Binilisan ko ang lakad ko palabas ng office pagtapos kaming i-dismiss ni Doc. Raven. Ayokong maabutan niya ako, wag sana niya akong tawagin, ayoko... ayaw ko siyang kausapin, hindi ko kakayanin.

"Selene!"

"Shit!" lalo kong binilisan ang lakad ko papuntang E.R. dahil kung maabutan niya ako baka bumagsak ang mga luha na kanina ko pang pinipigilan.

"Selene! Wait up!" hindi pa rin ako lumilingon hanggang sa lakad-patakbo na ang ginagawa ko. Shit kasi! Bakit ba ang layo ng E.R. dito?!

Napahinto ako nang harangin niya ang dinadaanan ko, pinilit kong wag siyang tignan sa mga mata pero patuloy pa rin ang pagharang niya sa akin.

"Just please talk to me! Selene!" tumingin ako sa kanan patuloy na iniiwasan ang mga mata niya.

"I have to go," hahakbang na sana ako pakaliwa kaso humarang na naman siya. Nanginginig ang buong kalamnan ko, pinipilit ko lang maging matikas pero... hindi... konti na lang ay bibigay na ako.

"Let's talk, Selene! Marami akong gustong sabihin." 

Sa pagkakataon na iyon ay hindi ko na napigil ang damdamin kong ibuhos ang galit at kalungkutan na matagal ko nang binaon sa kailaliman ng puso ko at ngayon ay pilit na umaahon at nagbabadyang sumabog.

"Talk? Naririnig mo ba ang sarili mo, Luna? After one year? Magpapakita ka dito tapos gusto mo mag-usap tayo? Anong pag-uusapan natin?! Yung araw na iniwan mo ako?! Yun ba ang gusto mong pag-usapan?" 

Hindi ko na napigilan ang boses kong pumiyok dahil sa panginginig, hindi ko na rin namalayan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko ngunit agad ko itong pinunasan.

"Selene, please? I'm so sorry I have no choice--"napangisi na lang ako, tila isang kidlat na tumama sa puso ko ang salitang sinabi niya.

"You have no choice? That's it?! Pinili kita sa lahat nang bagay, Luna! Kahit--kahit na nawala ang lahat sa akin pinili kita! I moved mountains for you, but you didn't move even a single rock for me, how dare you to hurt me and break me like this?"

Pinilit kong hinakbang ang mga paa kong nanglalambot sa sagutan nangyayari sa amin, habang tinatahak ko ang mahabang pasilyo ng hospital naka kita ako ng comfort room, hindi na ako nagsayang pa ng panahong pasukin at agad itong isara. Hindi ko na napigil ang pagbagsak ng mga luhang matagal nang nanahan sa puso ko. 

MayariWhere stories live. Discover now