Araw-Araw

9.2K 677 148
                                    

Ang tumatamang sikat ng araw sa aking mukha ang nagpamulat sa aking mga mata. Ang pamilyar na kisame, pamilyar na lambot ng kama at ang pamilyar na halimuyak na palagi kong nanaisin ang bumungad sa aking umaga. Pagtingin ko sa aking tabi ay wala ang misteryosang dalaga kaya na pabangon ako at dali-daling bumaba papunta kung saan ko matatagpuan ang piraso ng langit na bumaba sa kalupaan.

Sa aking pagsilip pa lamang sa screen door ay namataan ko agad ang pigura niyang na kakalagot  ng hininga.. Ang dulo ng puting bestida na kanyang suot ay sumasabay sa paggalaw ng mga dahon sa paligid dahil sa ihip ng hangin. Nakatingala siya at tila pinagmamasdan ang paggalaw ng mga dahon ng mabolo kaya nagpasya akong lumapit sakaniya.

Hinapit ko ang kaniyang bewang mula sa likod at ipinatong ang ulo sakaniyang balikat. Napaka bango...

"Kung ito ang makikita ko sa araw-araw ay ayoko nang ipikit ang mga matang ito," sambit ko habang niyayapos siya sa bewang.

Naramdaman ko ang mainit niyang kamay na sumakop sa akin at dinampian ito ng halik. Kumakabog ang puso ko sa ginagawa niya.

"At kung ito ang yakap na mararamdaman ko sa araw-araw ay ayoko nang matapos ito."

Nalulunod ang puso ko sa pag ibig ko saiyo, Mayari...

Humarap siya sa akin at hindi ko magawang tumingin sa iba bagay dahil sa kaniyang mala pusang mga mata pa lamang ay hindi ko na ipagpapalit sa iba. Unti-unti niyang nilapit ang mukha sa akin at dinampian ako ng halik sa aking mga labi. Ang libong paru-paro na kumakawala saaking bibig ay hindi nababawasan sa pagdaan ng panahon na kapiling ko siya at araw-araw pang nadadagdagan. Naghiwalay ang aming mga labi sabay haplos niya sa aking kaliwang pisngi. Hindi niya pinuputol ang pagtitig sa akin kaya naman lalong lumala ang tibok ng aking puso.

"Magandang umaga sa iyo, aking mahal."

Hindi ko na napigilan ang pagkurba ng labi ko sa naramdaman kong kasiyahan sa aking puso dahil sakaniyang sinabi. Ang init na tila yumayakap sa aking puso ay siya ang dulot.

Hinawakan ko ang palad niyang hinahaplos ang aking pisngi at hinalikan ito.

"Magandang umaga, mahal ko."

Nang makita ko ang pagsilay ng ngiti sakaniyang mga labi ay hindi ko na napigilan ang halikan siya pabalik.

Maliwanag, mainit at kailangan sa araw-araw. Kung iisipin mo ang ibig ko dito ay ang haring araw, ang sinag na nagmumula dito, ang init na binibigay nito at pangangailangan sa araw-araw ngunit sasabihin ko saiyo na ikaw ay nagkakamali.

Ikaw.

Ikaw ang liwanag na nagbibigay sa kalangitan kong madilim. Ang pag-ibig mong nagbibigay init sa puso ko at ang kailangan ko sa bawat araw.

Ikaw ang nais ko sa araw-araw, Mayari.

MayariWhere stories live. Discover now