Dalawampu't lima

9.6K 776 407
                                    

Patuloy lang sa pagkabog ang damdamin ko sa pala isipang sinabi ni Mayari, sa lalim ay hindi ko ito makuha pero alam ko ang tono ng pagsasalita niya na isa itong pagbabanta.

Pinanuod ko lang siya sa pag-akyat patungong kwarto hanggang sa maisara niya ang pintuan ay nakatitig lang ako sa kawalan. Isang tapik sa braso ang nagpagising sa natutulog kong diwa. Paglingon ko ay tsaka ko na alalang kasama ko pala si Luna.

"M-Magkasama pala kayo sa bahay?" hindi ko pinansin ang tanong niya at agad na nilipat sakaniya ang nakapulupot na twalya sa katawan ko.

"Magpunas kana at baka lamigin ka," bilin ko bago magtungong banyo dito sa baba. Pagpasok ay agad kong hinubad ang t-shirt kong basang basa. Maya-maya pa ay nakita ko si Luna na nakatayo sa gilid ko.

"Girlfriend mo ba siya?" huminga ako nang malalim bago siya bigyan ng tingin.

"Luna, malalim na ang gabi at kailangan na natin magpahinga. Ang kwarto mo ay nasa dulo ng pasilyo sa itaas, doon kana muna sa guest room may mga bagong damit sa aparador at kumpleto iyon. Kung nagugutom ka may pagkain diyan sa ref kumuha ka na lang pero wag lang yung hotdog." Tsaka ako lumabas ng banyo at patakbong umakyat patungong kwarto ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan, hindi ko alam bakit ba ako kinakabahan ng ganito. Mula sa pagbabanta niyang hindi ko gaanong naintindihan, isabay mo pa ang awra niyang tila may hindi magandang mangyayari sa akin dahil sa ginawa kong pagdala dito kay Luna.

Pagsilip ko ay payapang nakahiga na ang dalagang binukot, naka hinga naman ako nang maluwag dahil mukhang nakatulog na siya. Dali-dali akong nagtungong banyo upang makaligo ng maligamgam na tubig upang hindi ako magkasakit dahil sa ulan.

Pagbukas ko ng pinto ay hindi ko sadyang mahulog ang nakatapis na twalya sa ulo kaya naman pinulot ko ito.

"Nasaan ang iyong kaulayaw?"

"Ay Hesus! Dyusko! Mayari!" na pa kapit ako sa dibdib ko sa gulat nang bigla siyang nagsalita. Maaga talaga akong mamamatay sa babaeng ito!

Tinignan ko siya na ngayo'y naka upo sa gilid ng kama habang nakatitig sa akin.

"Aking bang muling sasambitin ang aking katanungan, Mortal?" na pa kunot ang noo ko, bakit ang sungit niya? Ano bang problema niya?

"Nasaan ang iyong kaulayaw?" Titig na titig siya sa akin na tila nang sisindak...natatakot ako sakaniya.

"N-Nasa kabilang k-kwarto.." umiwas ako ng tingin dahil para niya akong lalamunin.

Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin kaya ako naman ay na pa atras sa loob ng banyo. Titig na titig lang siya habang natatanaw ko ang napakaganda niyang pigura na tila isang perpektong paso na naihulma ng diyos. Na pa lunok ako sa pagtaas ng kilay niya marahil ay nababasa niya ang na iisip ko ngayon kaya naman parang tambol ang dibdib ko sa kinikilos niya.

Natigilan ako nang tumigil din siya sa harapan ko, na pa pikit ako nang itaas niya ang kamay niya. Inaasahan kong isang kaparusahan ang ibibigay niya sa akin ngunit isang malambot na kamay ang dumapo at kinuha ang twalya na nasa ulo ko. Mula sa basa kong buhok, ay pinunasan niya ito nang marahan, tahimik lang siya habang ginagawa ito at ako naman ay natutulala dahil sa dalagang binukot na nasa harapan ko. Ang pagpunas niya mula sa buhok ko ay nadapo sa mukha ko, noo hanggang pababa sa leeg ko ay pinunasan niya nang dahan-dahan.

Nagulat ako nang ipulupot niya sa leeg ko ang twalya at hinigit akong papalapit sakaniyang magandang mukha. Na pa singhap ako ng hangin sa ginawa niya at yung kabog ng dibdib ko ay tila maririnig mo sa gitna ng malakas na ulan.

"Ikaw ay hindi mahihimbing saaking tabi, Mortal. Iyon ang iyong kaparusahan."

Pabulong niyang sinabi ngunit para akong nalalasing sakaniyang halimuyak at tila nakalimutan ko na kung ano ang ibigsabihin ng kaniyang mga sinambit.

MayariWhere stories live. Discover now