Wakas

12.3K 868 763
                                    

"Hindi ka pa pala umuuwi."

Pagtingin ko sa kanan ay nandoon si Sunny papalapit sa akin. Umisod ako upang makaupo siya sa tabi ko dito sa bench.

"Apektado ka pa rin ba sa pasyente niyo kanina? Nabanggit sa akin ni Doc Mercauto na relative mo ang matandang lalaki," napakamot na lang ako sa ulo dahil ang daldal talaga ng isang iyon.

"Nag-aalala ako ngunit hindi naman iyon ang dahil kung bakit nandito ako," sinipat-sipat ko ang babaeng katabi ko at napansin na may nagbago sakaniya.

"Itim ang mga mata mo ngayon," narinig ko ang bahagya niyang pagtawa.

"Hindi ka ba natatakot na baka hindi ako tao? Madilim dito, dalawa lang tayo." Nagkibit-balikat lamang ako at tumingala sa buwan.

"Ikaw na rin naman ang nagsabi na maraming hiwaga ang mundo."

Umihip ang malamig na hangin ngunit hindi ko naman ito gaanong ininda dahil sa white coat kong suot. Huminga ako nang malalim kasabay ang ihip ng hangin bago bigyan siya ng tingin

"Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin ko saiyo na may nakasama akong babae pero ang lahat ng tao sa paligid ko ay hindi siya naaalala? Maging ikaw siguro ay hindi mo siya maalala."

"Hindi ba at kasasabi mo lamang na maraming hiwaga ang mundo, Selene? Alam mo, kumikilos ito nang naaayon para sa buhay mo. Hindi mo lang makita kung bakit nangyayari ang lahat sa ngayon pero sa huli, ay maiintindihan mo kung para saan ang lahat ng nangyari." Napatango- tango na lamang ako sa sinabi ni Sunny. At muling tumingala sa langit. Siguro nga ay may plano ang tadhana kung bakit nangyayari ang lahat nang ito.

"Marahil inihahanda ka nito sa mga susunod pang mangyayari," lumingon ako sa kanan at napansin kong wala na ang dalaga. Hindi na ako natakot dahil alam ko naman ang kakaiba niyang kakayahan pero hindi lang maalis sa isipan ko kung ano kayang klase siyang nilalang?

Tumayo ako at pumasok sa hospital. Umakyat ako sa palapag kung nasaan ang mga nasa private ICU kung nasaan si Don Miguel.

"Señorita Selene," nakatayo ang dalawang body guard niya sa labas ng pintuan. Hinayaan naman nila ako makapasok dahil kilala ako bilang anak nito. Pagpasok ay tahimik ang paligid at tanging tunog ng makina ang namumutawi sa paligid.

Lumapit ako sa natutulog niyang katawan at hinawakan ang kanang kamay nito.

"Hindi ba ang palaging bilin saiyo ni Mama ay magsuot ka ng vest? Ang tigas ng ulo mo kaya ngayon ay nakaratay ka dito. Sinabi rin niya na iwan mo na ang pulitika pero hindi ka pa rin nakinig. Hanggang kailan ka magiging bingi sa paligid mo, Don Miguel?"

"Kahit gaano pa kabigat ang mga kasalanan mo sa akin, hindi ko pa rin maitatago na mahal kita bilang ama ko. Kaya naman sana sa paggising mo ay matuto ka nang makinig sa paligid mo," nilapit ko ang mukha ko sa matanda at hinalikan ito sa ulo.

Pinisil ko ang kamay niya at siyang pisil niya pabalik dito. Tinapik ko ang kamay niya bago umalis nang tuluyan sa silid.

"Anong balita sa may gawa nito?" tanong ko sa mga body guard ni Don Miguel.

"Inaalam pa nila pero naka alerto naman po ang mga tauhan sa Rancho at mansion, Señorita."

"Siguraduhin niyo ang kaligtasan ng Papang at ang iba pang tauhan," utos ko dahil nag-aalala rin ako sa lagay nila doon lalo na at hindi pa kilala ang may gawa nito.

"Masusunod po, Señorita."

Tinapik ko sa balikat ang dalawang gwardiya at nagpatuloy na para makauwi na rin ako at lumalalim na ang gabi.

Nagpalit lang ako ng damit sa quarters at dumiretso na rin sa paradahan kung nasaan ang motor ko. Sinuot ko ang leather jacket ko at helmet bago magpatuloy sa byahe.

MayariWhere stories live. Discover now