Salamat

11.8K 737 262
                                    

Nais kong magpasalamat sa lahat ng nagbabasa at nagbasa ng aking mga sinulat na kwento. Binibilang ng taon bago matapos ang isang akda ngunit nandiyan parin kayo at masugid na naghihintay.

Ang kwento ng Mayari ay isang mahirap na gawain sapagkat kailangan kong magbasa ng mga libro at unawain ang bawat dyos at dyosa ng kaluwalhatian. Isa rin pribelehiyo na magamit ko ang isa sa karakter ng ating kasaysayan.

Nais ko rin na mag-iwan ng aral ang kwento ni Mayari at Selene na ating magagamit. Ang pagkakaroon ng mabuting puso at ang palaging pagpili sa kabutihan ay ang nararapat gawin bilang tao. Tulad ng sinabi ni Mayari, palagi niyong aalalahanin kung gaano kabuti ang iyong puso.

Ang kwento na ito ay ginawa ko upang magbigay ng aral at pag-ibig.

Nawa'y matagpuan niyo at maramdaman rin ang pakiramdam na MARAHUYO.

Maraming Salamat!

MayariWhere stories live. Discover now