Tatlumpu't lima

8.1K 617 41
                                    

"Apolaki,"

Ang pagbanggit niya sa pangalan ng misteryosong lalaki ay nagbigay ng nakakakilabot na pakiramdam sa akin. Nagsimulang kumabog ang puso ko sa hindi malamang dahilan. Hindi ko alam kung dahil sa isang diyos pa mula sa kaluwalhatian ang bumaba sa kalupaan o dahil...

"Mahal na kulalaying, ako ay napadpad dito upang ilahad saiyo ang salita ng iyong Ama, si Bathala."

Hindi ko magawang tumingin nang diretso sa mata ng matipunong lalaki na ito sapagkat ang presensya niya ay kakaiba. Tila siya ay hindi matitibag ng kahit sino at sakaniyang tindig ay mararamdaman mo ang awtoridad na kaniyang pinanghahawakan.

Ibinaling ko ang paningin ko kay Mayari at ang kaninang gulat niyang mukha ay napalitan ng seryosong presensya na lalong nagdala ng kilabot sa akin.

"Nais ni Bathala, na sa nalalapit na muling paglamon ng Bakunawa sa iyong kinalulugdan ay ang hudyat ng muli mong pag-upo dito."

Sandaling tumigil ang paligid at lumakas ang ihip ng hangin na nagpagalaw sa mga damo at dahon na nakapaligid. Ang lamig na hatid nito ay tila gumapang mula sa aking ulo pababa sa aking mga paa. Na pa lunok na lamang ako sa hatid nitong pakiramdam sa aking katawan.

Nakatitig lamang ako sa mukha ng dyosa na hindi manlang kumukurap at patuloy ang pakikipag titigan kay Apolaki. Nakita ko ang matagal na pagpikit ni Mayari at sakaniyang pagmulat ay mas tumindi ang presensya niyang nakakatakot.

"Ako ay tatalima sa nais ni Bathala,"

Lumukot ang noo ko sa sinagot ni Mayari dahil wala manlang akong naintindihan sakanilang pinag-uusapan. Sino si Bakunawa? Ano ang sinasabi ni Apolaki na paglamon? Hindi ko alam ang ibigsabihin ng mga ito at ang nangyayari, iyon ang pinaka kinatatakot ko.

Muli akong tumingin sa kinatatayuan ni Apolaki ngunit sa pagbalik ng aking paningin ay wala na siya.

"S-Saan siya nagpunta?" bulalas ko dahil bigla na lang siya nawala na tila multo.

"Humayo at muling bumalik sa kaluwalhatian." Napatingin ako kay Mayari na halos hindi makapaniwala.

"Ganoon lang iyon? Makakabalik na siya muli doon? Wala manlang kidlat o kulog na nangyari sa kalangitan?" tumingin siya na tila nangingiti pa.

Ano ba talaga nangyayari? Kanina ay hindi mawari ang pagkakaseryoso ng kaniyang magandang mukha pero ngayon ay...

"Ito ba ang tingin niyong mga mortal sa aming mga diyos? Na kumukulog at kumikidlat ang kaluwalhatian sa tuwing kami ay naparirito sa inyong mundo?"

"H-Hindi naman sa ganoon pero iyon kasi ang nakalagay sa mga libro na nababasa ko kaya naman akala ko ay--"

"Ako ay nasa iyong harapan at dinadama ang init ng aking palad, sa iyong palagay, kami pa rin ba ay nabubuhay lamang sa mga kwento?"

Napakapit tuloy ako nang matindi sa kamay niya dahil sa tanong niyang iniwan.

"Hindi.."

Sumilay ang munting ngiti niya kaya bahagyang nawala ang pangamba ko sa aking puso.

"Bakit hindi natin namnamin ang malamig na simoy ng hangin sa ating balat habang pinapainit ang ating mga puso?"

At ako naman ang napangiti sakaniyang sinambit, "Kanina pa mainit ang puso ko gawa ng mainit mong palad sa aking kamay."

Hindi kami umalis sa aming pwesto dahil nais ko rin na konti lamang ang taong nakapaligid sa amin. Palagi ko siyang ninanakawan ng tingin at palagi rin akong nabibigo dahil nagtatama ang aming mga mata sa tuwing ginagawa ko ito. 

Sa isang maingay na lugar, makulay na paligid at madilim na kalangitan na tanging ilaw ay ang  buwan. Isang mahiwaga ang aking natagpuan na hindi ko kailanman kayang pakawalan.

MayariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon