Dalawampu't pito

9.3K 733 100
                                    

Nanginginig ang kalamnan ko sa galit, sa pagkamuhi at sa sakit na nararamdaman ko. Sa loob ng maliit kong puso ay halo-halong pakiramdam ang kaya nitong maranasan. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong isipin dahil ang katawan ng tao, kapag nasasaktan ay hindi na nakakapag-isip pa nang maayos kung hindi ang sakit lang ang tanging alam.

Habang papalapit sa bahay ay mas tumitindi ang nararamdaman kong galit, gusto kong manakit, gusto kong magwala, gusto kong magsalita nang masama. Gusto kong sabihin kung gaano ko siya kinamumuhian! Kung gaano ko kinamumuhian ang taong dati ay naging mundo ko.

Huminto ako sa tapat ng gate ng bahay ko, agad na hinubad ang helmet at bumaba sa motor ko, pa baragbag akong pumasok sa loob. Wala na akong pakielam pa kung marinig ito ng mga katabing bahay! Wala na akong pakielam basta mailabas ko lang ang tila bulkan kong galit na sasabog na. Malakas kong tinulak ang pintuan ng bahay, gumawa ito ng isang malakas na alingaw-ngaw sa pagtama nito sa pader ng bahay ko.

"Luna!!" sigaw ko mula sa pintuan dahil walang tao sa salas

"Tangina! Luna!!" sigaw ko pa dahilan ang pabagsak at sunod-sunod na tunog ng yabag ang naririnig ko. Mula sa ikalawang palapag ay nakita kong nanglalaki ang mga mata niya. Nang magtama ang mata naming dalawa ay hindi ko na napigilang ibato sa ibaba ng hagdanan ang helmet ko nabasag ang bahagi nito at kumalat sa sahig.

"S-Selene—" nanginginig ang boses niyang tumawag sa pangalan ko.

"Gaano ako kahalaga saiyo, Luna?" nagngingit-ngit ang panga ko at kulang na lang ay lumabas ang puso ko sa aking dibdib dala ng galit na naghihintay na sumabog.

"A-Anong klaseng tanong iyan? S-Syempre mahalaga ka sa akin! Sobrang maha—" napangisi na lang ako sa sinagot niya.

"Mahalaga? Tatlong pung milyon, iyon ang halaga ko sayo! Tangina! Tatlong pung milyon ang halaga ko sa taong naging mundo ko! Tatlong pung milyon ang halaga ng pagkatao ko sa taong isunuko ko ang lahat! Tatlong pung milyon ang halaga ko sa taong minahal ko nang sobra! Tatlong pung—" sigaw ko habang dinuduro ko ang dibdib ko. Hindi ko alam... namalayan ko na lang ang pagtulo ng luha ko sa aking mga mata. Luha ng sakit at galit na hindi kayang tumabasan ng kahit na anong salita.

"S-Selene, magpapaliwanag ako! H-Hindi ko gustong tanggapin—" kinagat ko ang labi ko kaya naglasang dugo ito.

"Hindi ginusto?! Hindi mo ginustong kunin pero iniwan mo akong mag-isa?! Alam mo ba ang pakiramdam na araw-araw iniisip ko kung ano bang mali ko?! Kung ano bang nagawa ko para iwan mo ako?! Araw-araw na kalbaryo na gigising akong mag-isa dahil wala ka na?!" sunod- sunod kong sigaw ang tanging maririnig sa buong bahay at sigaw ng puso ko ang tanging maririnig sa buo kong pagkatao.

"K-Kailangan ko yung pera upang masagip ko ang kumpaniya ni Papa! Hindi ko ginusto pero wala akong pagpipilian kung hindi ang iwanan ka kapalit ng pera! Nasaktan rin ako Selene! Kaya nandito ako ngayon sa harapan mo pinipiling bumalik saiyo!"

Tumindi ang galit ko sa paliwanag niya at hindi ko na napigilan ang sarili kong humakbang...gusto ko siyang sampalin! Gusto ko siyang saktan! Gusto kong iparamdam sakaniya kung gaano kasakit! Kung gaano kalaki ang lamat na iniwan niya sa puso ko! Kung gaano ko pinagdudahan ang sarili ko kung kamahal-mahal ba ang isang tulad ko! Kung gaano ginustong mamatay kasabay ng puso ko!

"Selene,"

Isang malambot at mainit na kamay ang naramdaman kong nakalapat sa tapat ng puso ko mula saaking likuran, ay pinulupot niya ang braso sa aking bewang.

"Alalahanin mo kung gaano kabuti ang iyong puso."

Doon ko naramdaman ang panglalambot ng aking mga tuhod at tuluyan nang na paluhod sa sahig, kasabay pagbagsak ng matinding luha at maingay na hikbi.

MayariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon