Tatlumpu't isa

9.4K 751 137
                                    

Nagkibit balikat na lamang ako dahil kahit anong isip ko sa sinabi niya ay hindi ko ito maintindihan. Pagtapos niya maghugas ng kamay, ay lumabas ulit siya at nagtungong hardin. Kinuha ko nalang ang pinagkainan namin sa lamesa at hinugasan na lamang ito. Habang sinasabon ang mga plato ay na pa isip akong muli...

Sino nga ulit ang Dyosa ng Pilak?

Sa pagkakatanda ko ay nabanggit na niya ito sa akin ngunit hindi ko maalala.

"Ah! Aray!" bahagya akong na pa kapit sa gilid ng lababo ang basa kong mga kamay dahil biglang kumirot ang tahi ko sa ulo.

"Selene,"

"Ay hindot ka Mayari! Ano ba?! Bakit ba bigla kang sumusulpot!" na pa igtad ako sa bigla niyang pagtawag kaya na pa lingon ako sa likod. Tumaas ang kilay niya sa pagtama ng aming mga mata... patay ako nito.

"Aking iisipin na magandang salita ang tinuran mo tungkol sa akin sapagkat kung hindi ito na aayon sa akin ay isang mabalasik na sabukay ang iyong matatamasa." Na pa lunok ako dahil masama ang tingin niya sa akin.

"P-Pasensya na at nagulat lang kasi ako sa bigla mong pagdating."

"Ano ang dahilan ng iyong paghiyaw?" humalukipkip siya sa harapan ko at seryosong nakatingin sa akin.

"S-Sumakit lang bigla yung sugat ko sa ulo pero i-inuman ko na lang ng gamot mamaya..." Dahan-dahan akong tumalikod at pinagpatuloy ang ginagawa kong pagbabanlaw ng plato nang bigla kong na isip ang isang ideya.

"Mayari? Pwede ba tayong humingi ng tulong doon sa... Sa manggagamot dati na kausap mo?"

"Ang aking ginawa noon ay labag sa kautusan ni Bathala."

Na pa tigil ako sa ginagawa ko at muling na pa harap sa dyosa.

"Isang paglabag sa aking kaparusahan ang humingi ng tulong mula sa kaluwalhatian." Lumukot ang mukha ko sa sinasabi niya.

"Ngunit kung ito ay isang paglabag ay bakit mo---"

"Sapagkat nais kong tulungan ang isang mortal na handa akong ipagtanggol sa kasamaan kahit ang kapalit nito ay ang kaniyang buhay."

Ramdam ko ang mabibigat na pagkabog ng puso ko dahil sa sinabi niya. Nang unti-unti siyang lumapit sa akin ay na pa lunok ako.

"Aking titiyakin na ang isang tulad mo ay hindi ko pababayaan." Sumikdo bigla ang puso ko sa sinabi niya...

Tumigil siya sa tapat ko at matamang naka titig sa mga labi ko. Na pal unok akong muli nang bigla siyang umabante pa kaya naamoy ko lalo ang mala rosas niyang halimuyak.

"Ang pagdaloy ng tubig saiyong likuran..." Nawala sa isip ko ang gripo kaya na pa talikod ako at madaling pinatay ito ngunit pagharap ko ay wala na ang dyosa.

Na pa iling na lang ako dito at bahagyang na tawa sa sarili ko. Hindi ko talaga kinakaya ang presensya niya kahit kailan... Nandoon yung kaba bawat magtatama ang aming mga mata, ang halimuyak niyang naka huhumaling, at pagkamangha sa taglay niyang ganda. Higit sa lahat, ang isipin na may pag-aalala rin siya sa akin ay malaking bagay na para maging masaya ang puso ko.

Matapos maghugas ay nagtungo na ako sa salas upang manuod sana kahit pa paano at makapaglibang. Kusang kumurba ang labi ko sa babaeng nakaupo ngayon sa sofa ko at tahimik na naka pikit.

"Mayari? Nais mo bang manuod? Tulad nung ginawa natin nila Teri kasama sila Sam at Gin?" Ngunit wala siyang imik at ni hindi rin minulat ang kaniyang mga mata kaya naman nagpatuloy na lang ako sa pagsalang ng palabas.

"Aking nais ang ating nasaksihan noon." Na pa lingon ako ngunit naka pikit pa rin siya. Hmm? Nais niya iyong The Notebook? Tumango tango na lang ako at sinalang ang nais niyang panuorin.

Umupo ako sa tabi niya ngunit nanatiling may pagitan kaming dalawa. Nasa dulong parte ako ng sofa kaya naman malaki ang pagitan namin kahit pa paano. Dyosa pa rin siya at nais kong manatili ang paggalang sakaniya.

"At nais kong iyong sambitin sa akin ang ibig ng kanilang mga sinasabi." Na pa lingon ako at na pa ngiti ngunit diretso pa rin ang tingin niya sa telebisyon.

Nagsimula na ang palabas at pinaliliwanag ko sakaniya ang kwento ni Noah at Allie. Si Allie na galing sa mayamang pamilya at si Noah na isang mahirap na manggagawa... Bawat detalye sa palabas ay sinusubukan kong ipaliwanag sakaniya at matamang nakikinig naman siya kahit hindi niya ako balingan ng paningin.

"Ang matandang babae ay may sakit at asawa niya ang lalaking nagkukwento."

"Ano ang kaniyang karamdaman?"

"Isang uri ng sakit na makakalimutan mo ang lahat-lahat kahit pa ang taong pinakamamahal mo," sa pagkakataon na iyon ay na pa lingon na siya sa akin.

"Ang matandang lalaki ay si Noah at ang matandang babae ay si Allie... Araw-araw ay binabasa ni Noah ang kwento ng pag-iibigan nila upang isang araw ay matandaan siya nito kahit saglit manlang." Na pa hinga ako nang malalim dahil nadadala na ata ako sa palabas kahit napanuod ko na ito ng ilang beses.

"At sa araw-araw ay umaasa si Noah na maalala ni Allie ang pag-ibig nito sakaniya kahit may malaking pagkakataon na hindi na ito mangyayari ay patuloy kang aasa... Na kahit saglit lang ay maramdaman mong bumalik ang taong pinakamamahal mo saiyo."

Na pa iba ako bigla ng tingin at napadpad ito sa telebisyon dahil nakakaramdam ako ng pagbabara bigla sa lalamunan ko na hindi ko maipaliwanag at ang mabibigat na kabog ng dibdib ko. Ang biglang takot na pumasok sa puso ko...

"Kung ang isang tao ma'y mawala ay hindi ito nangangahulugang matatapos ang pag-ibig niya para saiyo." Na pa lingon ako sakaniya at ito na naman ang mga mata niyang nagpapakita ng emosyon kaya lalong bumigat ang dibdib ko.

"Ang alaala ma'y lumilisan ngunit ang pag-ibig sa puso ay mananatili."

Dahan-dahan na lang akong na pa tango sa sinabi niya dahil tama naman ito... Ngunit sa likod ng aking kaisipan ang isang katotohanan na hindi ko kayang iwasan. Alam ko sa kailaliman ng puso ko ay may isang nagtatagong takot na isang araw ay magigising na lang ako na baka wala na siya sa piling ko. Isang katotohanan na mahirap ibahin at baguhin.

"Pumanaw silang dalawa ng magkahawak ang mga kamay ngunit bago nila lisanin ang mundo ay muling naalala ni Allie ang lahat tungkol sakaniyang kabiyak na si Noah at ang pag-ibig niya dito," pagpapatuloy ko sa katapusan ng kwento kung nasaan na ang pinanunuod namin ngunit hindi na ako nakatingin sakaniya.

Natapos ang palabas ngunit ni isa ay wala ng umimik sa amin. Inalis ko na ang dvd sa pagkakasalang, habang ginagawa ito ay nakaramdam ako ng isang paggalaw sa likuran ko. Bahagya akong na pa tingin sa gilid ng aking mga mata at nakita ko ang dyosa ng buwan ay nakatayo sa tapat ng screen door papuntang hardin. Na pa tigil ako at matamang tinignan siya habang na nanatiling nakatalikod sa akin.

"M-Mayari?" lumingon siya kaunti kaya natanaw ko ang puti niyang kaliwang mata.

"Ang taong nilaan saiyo ng Dyosa ng pag-ibig ay mananatili, at ang pag-ibig nito ay kayang pabagsakin ang mga bituin mula sa kalawakan at pahalikin ang buwan sa kalupaan."

"A-Anong ibig mong---" lumukot ang mukha ko dahil malalim na naman ang sinasabi niya..

































"Matagal nang humalik ang buwan sa lupa, Selene."

MayariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon