Labing siyam

10.2K 765 236
                                    

Kahit naninigas at nanghihina ang katawan ko sa gulat dahil sa pagkakahalik sa akin ni Mayari ay nagawa ko siyang hilahin paalabas ng hospital. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras dahil kitang-kita ko ang itsura ni Luna ang galit sakaniyang mukha dahil sa nakita niya.

Nang makarating sa tapat ng motor ko ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at sinuot agad sa Dyosa ang helmet, sa taranta ko na rin ay hindi ko na natanggal ang white coat ko at agad na sinuot ang helmet ko. Walang salita rin ang gustong lumabas sa bibig ko kaya minabuti kong umuwi na lamang at baka ako ay na nanaginip lang sa nangyari.

Habang nagmamaneho ay hindi pa rin tumitigil ang isip ko at patuloy na pinapaulit-ulit ang naganap sa isip ko. Binitiwan ko ang menor at saglit na hinawakan ang labi ko

Hinalikan ako ni Mayari...

Hinalikan ako ng isang Dyosa...

Hinalikan ako ng anak ni Bathala...

Na palunok ako sa huli kong na isip, napakarami ko nang kasalanan at hindi ko alam kung matutuwa si Bathala na makita ako kung sakaling mamamatay ako. Baka ako ay sipain niya pababa. Dyusko, ayokong mangyari iyon!

"Mortal," narinig kong tawag niya sa akin pero hindi ako nagsalita at pinamukhang wala akong narinig. Muli kong binalik ang kanang kamay sa menor at humarurot na pauwi. Umaga pa lang ngunit napakaraming nangyari.

Pinarada ko agad ang motor ko sa garahe, na nanatiling tahimik ang paligid. Pagkababa ay agad kong inalis ang helmet ko. Nakita ko si Mayari na nakatayo lang at walang ginagawa kaya inabot ko ang strap ng helmet niya at tinanggal ito para sakaniya ngunit sa pag-alis ko ay matamang nagkatitig sa akin ang kaniyang mga mata. Napalunok naman ako at buong lakas na iniwas ang paningin ko sa dalaga.

"M-Magpahinga ka na, Mayari." Ang tangi kong sinabi matapos kong alisin sa susi sa motor at tahimik na pumasok sa loob ng bahay.

Hindi ko na siya hinintay dahil pakiramdam ko ay lalabas ang puso ko sa tadyang ko. Hindi ko alam kung bakit dahil hindi naman ito ang unang pagkakataon na may humalik sa akin pero bakit pagdating kay Mayari ay para akong bibitayin?

Pagpasok ko sa kwarto, ay sinarado ko kaagad ang pintuan at sumandal dito. Tumingala ako habang hawak-hawak ng dalawang kamay ko ang tapat ng puso ko.

"Hindi pwede, Selene. Hindi ito pwede at imposible." bulong ko sa sarili ko, "hindi maaari dahil tao ka at siya ay Dyosa. Baka nga isa lamang siyang ilusyon o panaginip ko." Dagdag ko pa sa pangungumbinsi ko sa sarili dahil hindi pwedeng magustuhan ko siya kahit inaamin ko na.

Inalis ko ang white coat ko at hinayaan itong malaglag sa lapag. Dumiretso ako ng banyo upang mahilamusan ang mukha ko ngunit pasalok palang ako ng tubig ay natigilan ko.

Baka mabura ang halik niya.

"Aysh! Bahala na nga!" tinuloy ko ang paghihilamos ko ngunit pilit kong iniwasan na madaanan ng tubig ang labi ko. Sabihin niyo nang ako ay nababaliw ngunit kung sainyo ito mangyari ay tiyak ko na ganito rin ang gagawin niyo. Maging sa pagpunas ng mukha ay iniwasan ko ang labi ko na madampian.

"Nababaliw na talaga ako," bulong ko sa sarili.

Na patingin ako sa sinag ng araw na nagmumula sa balkonahe kaya lumabas ako at namataan ang dalagang binukot na nakaupo sa gilid ng pond habang hawak-hawak ang isang piraso ng dahon galing sa puno ng mabolo sa hardin.

"Bakit mo ako hinalikan, Mayari?" bulong ko sa hangin habang nakatitig sa Dyosa. Isang malalim na hangin ang kumawala sa bibig ko, nagpasya na akong pumasok sa loob at mahiga sa kama. Wala pang limang minuto ang lumipas ay unti-unti na akong nilamon ng antok.

Napamulat ako sa sunod-sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko, kinusot ko pa ang mga mata ko dahil malabo ang paligid. Unti-unting luminaw ang lahat kaya pumaling ako sa kanan at nabigla ako sa pagkakalapit ng mukha ni Mayari sa akin habang tulog na tulog ito. Na pa atras ako't nalaglag sa kama dahil sa gulat.

MayariWhere stories live. Discover now