Chapter 20

9.5K 286 67
                                    

Chapter 20
Circles


"Pwede mo naman sabihin sa'kin ang problema mo, Celestine."

Maaga kaming pumasok sa room. Sa sobrang aga ay halos madilim pa ang kalangitan at kami palang ni Luna ang estudyante. Kailangan. Dahil ayokong makasabay siya sa pagpasok.

Matamlay kong hinarap si Luna na nasa kaliwa ng desk ko. Nakita ko na naman ang repleksyon ko sa bintana na malapit kay Luna.

Kaya ba hindi kami magkamukha?

Kaya ba lahat sa amin ay magkaiba? Sa aming dalawa siya ang mas nakakalamang. Ako 'yung laging nasa tabi niya—lagi niyang pinoprotektahan. Akala ko normal lang ang mga ginagawa niya. Akala ko walang mali sa sinasabi niya.

Kaya ba matagal nang iba ang pakiramdam ko 'pag kasama ko si Kuya Zairus?

Hindi.

Hindi ko nga pala siya tunay na kuya.

Nilinaw niya sa akin ang lahat kagabi. Nagulat si Mama nang malaman niyang sinabi na sa akin ni Kuya Zairus ang totoo. Pero mas nagulat ako.

Sinabi sa akin ni Mama na iniwan si Kuya ng tunay niyang mga magulang noong bata pa siya. Ang sabi ay babalikan nila ang anak nila. Pero lumaki na ako at lahat, hindi pa sila bumabalik para sa kanya.

Kung sabagay, dapat matagal ko na itong alam. Matagal ko na dapat pinaniwalaan ang kutob kong may mali sa pamilya namin. Pero pinaniwala ko ang sarili ko sa mali.

Nagpatuloy pa rin ako sa pagtawag sa kanyang kuya kahit alam kong isang taon lang naman ang tanda niya sa akin. Ginawa ko 'yon dahil alam kong ang salitang kuya ang maghaharang sa aming dalawa. Iyon ang maghaharang sa relasyon namin na hindi ko alam kung ano ba talaga.

Si Kuya na laging nandyan para sa akin. Si Kuya na lagi akong pinoprotektahan. Si Kuya na mahal ako—ay hindi ko pala kapatid.

"Hindi mo ba talaga sa akin sasabihin?" tanong ni Luna na hindi nakatingin sa akin.

Alam kong nag-aalala na siya. Pero hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila. Hindi ko alam kung gusto kong sabihin sa kanila.

"Sobra na akong naguguluhan," sabi ko sa kanya.

Biglang ngumiti si Luna. Sa ngiting 'yon alam kong hindi siya masaya. Alam kong may itinatago siya. Alam kong may problema. Dahil ganoon din ang ngiting ginagawa ko kapag may itinatago ako.

"Kung ayaw mong sabihin sa akin ang problema mo," umpisa niya, "pwede bang 'yung akin nalang ang sabihin ko?"

Bigla akong naguluhan sa sinabi niya.

May problema si Luna?

May problema ang best friend ko at hindi ko man lang alam! Masyado akong naging makasarili at mga problema ko lang ang iniisip ko. Samantalang siya palaging nasa tabi ko.

Nagulat ako nang biglang humarap sa akin si Luna. Basa ang mga mata niya at nanginginig ang mga kamay.

"L-Luna—"

"Papatayin nila ako, Celestine."

Halos mabingi ako sa narinig ko.

"Dahil hindi ko dapat nalaman ang tungkol sa inyo. Hindi dapat ako napabilang sa inyo. They will kill me, Celestine."

Gusto kong tumawa at tanungin si Luna kung tapos na ba ang joke niya. Gusto kong malaman kung paano niya naisip ang ganitong klaseng prank. Pero hindi ko magawa. Dahil alam kong walang bahid ng panloloko ang sinasabi ni Luna. Alam ko sa sarili ko na totoo ang takot na nararamdaman niya. Dahil nararamdaman ko rin ito.

Immortal CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon