Chapter 18

7.9K 272 91
                                    

Chapter 18
Clues


Wala akong makita.

Patay na ba ako? Napaka dilim ng paligid at wala akong maramdaman. Para bang namanhid na ang katawan ko. Baka nga patay na ako.

Haha.

Siguro nga patay na ako.

Hindi ko inakalang sa ganitong paraan matatapos ang buhay ko. Hindi ko inakalang ganito kabilis matatapos ang buhay ko. Sa isang iglap lang, binawian na ako ng buhay. Kung nakinig lang sana ako kay Kuya. Kung hindi na lang sana ako pumunta sa Central Building, hindi siguro ganito ang kinahinatnan ko.

Kung hindi lang sana ako nadamay sa kaguluhang 'to.

Bigla akong nakaramdam ng lamig. Para bang may umihip na hangin patungo sa direksyon ko. Isang lalakeng nakatungo ang nakita ko nang lumingon ako sa pinanggalingan ng hangin kani-kanina lang.

"I thought you were going to die," sabi niya. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil nakatungo siya pero bakas sa tono ng pananalita niya ang lungkot at pangamba.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kinatatayuan ko. Nakatulala lang ako sa kanya, natatakot na baka hindi totoo ang nakikita ko. Ayokong pumikit. Ayokong ialis ang tingin ko sa kanya dahil baka bigla nalang siyang mawala.

Baka bigla nalang niya akong iwan.

"I thought I was going to lose you again, Celestine."

At nakita ko ang kanyang mukha nang tignan niya ako sa'king mga mata. Punong puno ng takot at lungkot ang mga mata niya. Pero hindi 'yon ang pinaka pumukaw sa atensyon ko kundi ang mga luha niya na nagbabadyang pumatak mula sa kanyang mga mata.

"I can't lose you again. Not today, not tomorrow, not ever."

Hindi ko alam kung anong dapat gawin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ayoko siyang makitang ganito. Ayoko siyang makitang nasasaktan. Pero bakit? Bakit gusto ko siyang protektahan? Bakit gusto kong alisin lahat ng bagay na nagpapahirap sa kanya?

Hindi ko naman siya kilala.

Hindi ko siya kilala pero bakit naglalakad ako ngayon papunta sa kanya? Bakit ko hinahaplos ang pisngi niya gaya ng ginagawa ko ngayon? Bakit pilit kong pinupunasan ang mga luha niyang hindi naman pumapatak? Bakit ko pinagmamasdan ang kamay niya na ngayon ay nakahawak sa'king kamay na nasa kanyang pisngi? Bakit bumilis ang tibok ng puso ko ng halikan niya ang aking palad?

"Sino ka ba talaga?" tanong ko sa kanya. "Daimon Clyde."

Hindi ko namalayan ang luha sa pisngi ko. At nang mapansin ko na iyon ay bigla ko nalang naramdaman lahat ng dapat kanina ko pa naramdaman. Takot, pangamba, lungkot. Lahat nang 'yan ang bumalot sa isipan ko.

Buhay ako.

Buhay ako dahil kay Daimon.

Nanginig ang mga binti ko at bigla nalang bumigay ang katawan ko. Dapat ay natumba na ako, pero sinalo niya ako.

"Celestine," sabi niya. "Are you okay? Are you hurt anywhere?" tanong niya sa'kin na puno ng pag-aalala. "Tell me, love. You're not badly hurt, are you? You're not going to die, right? You won't leave me, right? Please, say something."

"B-Bakit?" tanong ko sa kanya. "Bakit mo ko niligtas? Bakit hindi mo nalang ako pinabayaan? Bakit?"

Wala akong ibang magawa kundi umiyak sa braso niya. Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang takot sa kamatayan. Hindi ko lubos maisip na mabubuhay pa ako. Buong akala ko ay katapusan ko na. Takot na takot ako.

Immortal CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon