Chapter 16

8.3K 287 50
                                    

Chapter 16
First


Isa,

dalawa,

tatlong oras na akong nakahiga sa kama ko. Kanina ko pa paulit-ulit na iniisip ang mga nangyari kanina simula nang makauwi ako galing school at ngayon ay 9:30 p.m. na. I'm so confused that I haven't even got the chance to change into regular clothes. I'm still wearing my uniform.

Hindi mawala sa isipan ko ang pag-uusap ni Sir Takano at Teacher Sparks. Bigla nalang nawala lahat ng tiwala ko sa kanilang dalawa. Kung ano man ang tinatago nila, gusto ko 'yon malaman. Gusto kong mabigyan ng linaw ang lahat ng tanong sa isipan ko. Isa pa, higit sa lahat, gusto kong malaman kung ligtas nga ba kami sa kanila.

Matapos kong marinig ang usapan nila, kung ano-ano nang bagay ang pumasok sa isipan ko. Paano kung kasinungalingan lang lahat ng sinabi nila? Paano kung wala talagang balak si Teacher Sparks na tulungan kami? It would make more sense why she's not telling us everything in the first place. I thought having knowledge about eye abilities was enough. Now I'm proven wrong. Because right from the start, I know nothing.

Within three hours of lying on my bed, I've realized a lot of things that I should have known from the start.

Everything I believed in this world is just a lie.

Hindi ko na alam kung anong dapat paniwalaan. Masyado nang maraming kakaibang nangyari na ikinagulat ko dahil ngayon ko lang napansin. Sa lahat ng nasaksihan ko, wala nang imposibleng mangyari.

Pero bakit? Anong tunay na dahilan? Bakit kami isinali sa Division's Competition? Bakit kami ang napili bilang miyembro ng Nameless Organization? Bakit kailangan naming manalo? Bakit nila itinago si Lucienne? Bakit sila nagsinungaling sa amin?

Masyado na akong naguguluhan. Napagdesisyunan kong magpahinga nalang at 'wag na muna mag-isip ng kung ano-ano.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Bakit nga ba kulay pula ang mga mata ko? Posible kayang may eye ability rin ako? Pero mukhang malabo ang iniisip ko dahil simula bata palang ay wala ng kakaibang nangyari sa'kin.

Saka ko lang naalala ang isang bagay na nakalimutan ko. Isang bagay na dapat ay kanina ko pa pinag-tuunan ng pansin.

I search my pocket for the thing I picked up earlier. It's a spherical piece of what I think is metal and its size is about as big as my palm. It's black, with red details. I feel goosebumps as I scrutinize its appearance.

There are three circles forming a triangle surrounding a big one. Each of those round shapes has a roman numeral VI inside it. You can find triangles of different angles inside the biggest circle. What lies in the center is a small letter h. And base on the thing itself, it stands for hunter.

Hunter.

Hunter.

Hunter.

What could possibly be odd with the word hunter? I shouldn't be too bothered about it and yet I am. I'm bothered because I found it right where the darkest place in my school lies.

"Rina, scan this thing and look for any data about it," I say aloud even if it isn't necessary. This ID of mine can already read questions inside my mind.

"Scan complete. No data available." What?

"Bakit wala ka na namang mahagilap tungkol sa bagay na 'to? Noong tinanong kita kung ano ang eye ability, wala ka ring naisagot. I thought you are one of the Administration's finest invention but why can't you answer my qeustions?"

Immortal CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon