Chapter 46

2.4K 121 19
                                    

Chapter 46
The Monsters


What Drake said last night has been bothering me all morning. Hindi ako mapalagay dahil sa sinabi niya, lalo na at malinaw sa mukha niya na hindi siya nagsisinungaling. Ang mas nakababahala pa ay ang tingin niya na para bang sinasabihan ako na mag-ingat.

Just what exactly did he hear? And where?

I'm going to die?

I mean, all people will at some point. But why does it feel different this time?

Ilang beses na nalagay sa panganib ang buhay ko. Hindi na bago sa akin ang malagay sa kapahamakan. Pero bakit hindi pa rin ako mapanatag? 

Dahil sa sinabi ni Drake ay bumalik ang matinding kaba sa dibdib ko. Halos hindi na naman ako makatulog at kaninang madaling-araw pa ako wala sa sarili. Maaga kaming nag-asikaso para bumalik sa Immortal City. Hindi ko nalang ipinahalata sa kanila na masama na naman ang pakiramdam ko dahil ayoko nang mag-alala pa sila. I've already delayed them enough. Kahapon pa dapat kami nakaalis ng Academy pero dahil sa nangyari sa'kin ay hindi kami nakauwi agad.

It's 5 a.m. now.

Magkasama kami ni Luna sa iisang sasakyan hatid ng kung sinong tauhan ng Administration. Ang matalik kong kaibigan ay mahimbing na ipinagpatuloy ang naudlot niyang tulog patong ang ulo sa hita ko. Marahan kong sinuklay ang buhok niya at pinagmasdan ang nakapikit niyang mga mata.

She looks so peaceful, so calm. Yet everything feels so eerie to me.

I can't shake off this feeling that I'm in danger.

Hindi nakatulong ang malamig na panahon at maulap na paligid sa nararamdaman ko. Tila nagbabadya ng pag-ulan ang kalangitan.

I wonder what Daimon is doing right now? Is he taking care of Zairus for me like he said he would? Hindi man lang ako nakapagpaalam ni isa sa kanila dahil hindi nagpakita sa akin si Daimon bago kami umalis.

I only hope for Zairus to wake up soon. Maybe by then, the weight I carry will finally begin to lighten.

No matter how hard I try no to ignore it, I can't deny that I am aware.

That I can no longer endure this heaviness for long.

Pagkarating sa school ay agad din kaming bumaba ng sasakyan ni Luna matapos ko siyang gisingin. Gaya ng dati ay diretso na kami ng uwi. Ang kaibahan lang ngayon ay hindi namin kasama si Zairus.

"Iba rin pala talaga kapag tayo lang dalawa, ano?" mahinang sambit ni Luna.

Tulala lang ako sa inaapakan ko at halos wala pa rin sa sarili. "Mmm."

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa hanggang sa makarating kami sa bus stop. Kahit hanggang sa pagdating ng bus at sa pagsakay namin ay hindi pa rin mapanatag ang loob ko. Wala sa sarili akong umupo sa tabi ni Luna. At parang unti-unting kumakalat ang pag-iisip ko.

What the hell is happening to me?

"Celestine?" bulong ng best friend ko.

Tinignan ko siya na halos hindi kumukurap. "Mmm."

"A-Ayos ka lang ba?" nag-aalala na niyang tanong.

Ibinaling ko ang aking mga mata sa bintana, sa mabilis na pagdaan ng mga gusali, sa makulimlim na kapaligiran. "Hindi ko na rin alam."

Sandaling tumahimik si Luna. Sa muli kong pagtingin sa kanya ay hindi na maipaliwanag ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nanginginig ang labi, may pangamba sa mga mata, at tila nakikipaglaban sa sarili niya sa kanyang isipan. Kahit nakabuhos na sa kanya ang buong atensyon ko ay nagulat pa rin ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit.

Immortal CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon