13 - Luna White

12.3K 437 65
                                    

13 — Luna White
Female


Siguro naguguluhan na kayo kung bakit nakikipaglaban ang Nameless Organization at kung sino ang kalaban namin. More importantly, ano ang Nameless Organization at bakit may eye ability ang ilan sa amin. Susubukan kong sagutin ang mga katanungan niyo gamit ang panibagong katanungan.

Natanong niyo na ba ang sarili niyo kung paano nagiging tanyag ang isang paaralan? Kung paano at anong basehan ng ranking ng isang school? Paano nga ba? Sa dami ng karangalan? Sa taas ng grades ng mga estudyante? Sa dami ng sinalihang competition? Kung 'yan ang sagot niyo... MALI kayo.

Ang lahat ng 'yon ay palabas lang dahil ang totoong basehan ng ranking ay nakasalalay sa labindalawang estudyante mula sa kanya-kanyang paaralan. Pero syempre, hindi niyo alam 'yon dahil isa itong secret. Bakit isinikreto? Simple lang.

Dahil illegal.

Kada paaralan ay pumipili ng labindalawang mag-aaral na ipanglalaban nila. Nahahati ang laban sa tatlong level. Walang nakakaalam kung anong mangyayari sa bawat level na 'yon. Saka mo lang malalaman kapag nasa level ka na mismo.

Kasalukuyang nasa unang level ang lahat ng participants. Pero hindi lang doon nagtatapos ang obligasyon ng mga napiling labindalawang estudyante dahil sa loob ng taon na nakaatas sa kanila ay kailangan nilang protektahan ang kanilang school. Bakit? Dahil sa bawat laban, may dayaan. At hindi exempted ang laban na ito roon. May kanya-kanyang pandarayang nagaganap tulad nalang ng pagbomba sa school, minsan ipinapasunog, at meron ding food poisoning. Kung walang nangyayaring kakaiba sa school niyo, isa lang ang dahilan niyan! Hindi mataas ang rank ng school mo kaya walang nandadaya sa inyo.

Nakasalalay sa labindalawang estudyante ang kapayapaan ng paaralan nila. Oo! Hindi ka nagkamali nang basa kanina pa! Labindalawa lang. Pero bakit nandito ako? Bakit may pang labintatlo? Wala, eh. Nalaman ko ang tungkol dito na dapat nga ay sikreto lang. Alam ko din ang tungkol sa eye abilities nila kaya talagang wala akong takas. Oo! Hindi ka ulit nagkamali ng basa! NILA! Eye ability nila dahil ako po ay isang BULAG. Paano naman ako magkaka-eye ability?

At sa kasamaang palad, ako ang naging pang-labintatlong miyembro.

Kami ang Nameless Organization. Ang napiling labintatlong mag-aaral ng Immortal City.

Ako si Number Thirteen — Luna White.
Eye Ability? Bulag po ako.

Immortal CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon