Chapter 02

13.8K 370 61
                                    

Chapter 02
Class III-D


"Kuya, hindi ka ba kakain?" tanong ko kay Kuya Zairus dahil kakaiba ang ikinikilos niya ngayon.

Maaga siyang gumising hindi gaya ng dati. Isa pa, napakatahimik niya ngayon at mukhang may bumabagabag sa isipan niya.

"Ikaw nalang, wala akong gana," sabi niya.

Pareho kaming hindi nakatulog ni Kuya Zairus. Nang makauwi kami kanina 12:47 a.m. na, at 6:39 a.m. na ngayon. Lunes ngayong araw at required pa rin pumasok ang mga napuyat kagabi dahil sa extracurricular activities. Kauumpisa palang ng school year pero ang dami na kaagad ginagawa.

Kadalasan hindi na pumapasok si Kuya Zairus ng ganitong araw kapag sobra siyang napagod. Pero ngayon bigla nalang siyang nagbago.

"Kuya, anong date ngayon?" tanong ko.

Nakasanayan ko na araw-araw kong itinatanong kay Kuya Zairus ang petsa dahil lagi kong nakakalimutan sa school. Ni-minsan kasi ay hindi pa nagkamali si Kuya ng sagot tuwing tinatanong ko siya kaya naman ngayon ay sa kanya na ako nakadepende.

"H-Huh?" ganyan siya kanina pa. Nauutal at hindi makapag salita ng maayos. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya.

"'Yung date ngayon, tinatanong ko."

"A-Ahh, June s-six. June six, two thousand sixteen." Bigla nalang akong kinilabutan nang banggitin niya ang date ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko biglang lumakas ang hangin at nanlamig ang katawan ko.

Strange.

'Di rin naman nagtagal ay umalis na kami ng bahay at sumakay sa bus papuntang school. Kakaiba talaga ngayon ang ikinikilos ni Kuya Zairus. Hawak niya ang kamay ko simula pa nang lumabas kami ng bahay. Hindi naman niya ako hinahawakan sa kamay dati kahit pa lagi kaming sabay pumasok at umuwi.

"Kuya, bakit ayaw mong bitawan ang kamay ko?"

"H-Ha?" Ayan na naman siya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang hindi siya mapakali at wala sa sarili.

"Sabi ko 'yung kamay ko, ayaw mong bitawan. Bakit?" tanong ko ulit sa kanya. "May problema ba?"

"Mabuti na 'yung sigurado." Hindi ko na sana siya tatanungin pa pero may idinagdag pa siya sa sinabi niya. "Hindi ko na alam ang mangyayari, Celestine, kaya gusto kitang protektahan."

"Anong ibig mong sabihin? Hindi mo na alam ang mangyayari? Bakit? Dati alam mo ba?" sunod-sunod kong tanong na hindi naman niya sinagot kahit isa. "Huy! Kuya! Ano nga kasi 'yon?"

"Wala. Tumahimik ka nalang."

Wala naman akong magagawa kapag ayaw niya talaga kaya sinunod ko nalang ang sinabi niya at nanahimik ako hanggang makarating kami sa school. Kahit sa loob ng school, ayaw pa rin bitawan ni Kuya ang kamay ko. Medyo naiilang na ako dahil pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nakakakita. Marami-rami rin kasi ang nakakakilala kay Kuya dahil siya ang top one sa Immortal City.

Lagi ko naman siyang nakakasama at hindi ko siya nakita kailanman na nag-aral kaya hindi ko maintindihan kung paano siya nagiging top one. Oo aminado akong matalino si Kuya pero hindi kasi talaga siya nag-aaral sa bahay. Tinignan ko rin ang bag niya pero kahit isang notebook wala siyang dala. Isang ballpen at longpad lang ang nasa loob ng bag niya at wala pang notes na nakasulat doon. Hindi naman pwedeng saulo niya lahat ng idini-discuss ng teacher. Imposible naman yata 'yon.

"Anong iniisip mo?" nagulat ako nang biglang magsalita si Kuya Zairus.

"W-Wala naman."

Immortal CityWhere stories live. Discover now