02 - Kaven Slade

25K 645 36
                                    

02 Kaven Slade
Male

"'Wag kang mag-alala, Kaven!"

Shit.

She found me.

"Kayang-kaya mo 'yan! Sigurado akong talo 'yang kalaban mo! Ikaw pa! Ang astig-astig mo kaya!"

"Leave me alone," I scoff. "You're an eyesore, Number Ten."

She gasps. Maybe I went too far, saying she's an eyesore. She looks at me with raised eyebrows, "Bakit Number Ten?!"

What? That's the issue?

"Hindi pa ba tayo mabuting magkaibigan para tawagin mo nalang ako sa pangalan kong Ione?"

And this is why I hate company.

"Akala ko pa naman mayroon nang nabuong friendship sa ating dalawa. Pero hindi, Number Ten lang ang tingin mo sa'kin. Hanggang ngayon ang sungit-sungit mo paring lalake ka! Mag-kaibigan nga talaga kayo ni Xaniel. Pareho kayong masungit."

"Pareho ka diyan?!" biglang sigaw ni Xaniel galing sa isang sulok. Medyo malabo ang sinasabi niya dahil sa lollipop na nasa bibig niya. "Hindi ako pasikretong nagpapa-cute sa isang babaeng hindi naman ako nakikita."

Well, damn.

Hindi ko nalang sila pinansin.

Tinignan ko ang mga kasama ko. Kung ano-ano ang itsura nila. Mayroong nakangiti, mayroong kinakabahan, mayroong nagpapaganda, at mayroon din na hindi ko makita dahil sa eye ability niya. Ano pa bang in-expect ko? Labing dalawa kaming hindi normal at kailangan kong manalo para sa kanila.

Tinignan ko si Luna, Number Thirteen. Kitang kita ko ang mukha niya. Detalyado ang itsura niya kahit malayo siya sa'kin, malinaw kahit na ilang metro ang agwat namin.

"From Immortal City, Number Two."

I'm Number Two — Kaven Slade.
Eye Ability: Focusing eyes.

"I can see anything clearly even from afar."

Immortal CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon