Chapter 38

3.2K 148 113
                                    

Chapter 38
Suppressed Emotions


"Anong nangyari sa inyo at basang-basa kayo?!" puno ng pag-aalalang tanong ni Mama at walang atubiling kumuha ng tuwalya dahil sa nadatnan niya. Nakatayo lang kami ni Zairus malapit sa may pintuan, hindi pa rin tumitila ang malakas na ulan sa labas. Agad na inabot sa amin ni Mama ang tuwalyang kinuha niya. "Ang laki-laki niyo na nagpapaulan pa kayo. Magpatuyo muna kayo diyan ng kaunti bago pumasok, mag-iinit lang ako ng tubig."

Tahimik sa loob ng bahay at tanging tunog lang ng ulan sa labas at ng pagkilos ni Mama ang aming naririnig. Tahimik lang din kaming nagpunas ng sarili namin, hindi pa rin maipalagay kung ano na ang kahihinatnan naming dalawa.

Malamig.

Ang panahon sa labas, ang basa kong damit, pati na rin ang pagtitig namin sa isa't isa... lahat ay malamig. Tila mabilis na ninakaw ng panahon ang kahapon kung saan puno pa kami ng pag-asa.

Huminga siya ng malalim bago ako matamlay na nginitian.

When I look into his eyes, I see that he's already made up his mind. Whatever happened between us, or even what he feels for me, he's decided to bury it. This is the path he chose to take in order to protect me.

To protect me from himself.

"We should get changed," sabi niya at naglakad na siya papunta sa hagdanan pataas ng kwarto. Hindi na ako nilingon pa.

Pinagmasdan ko ang bakas ng tubig sa sahig kung saan siya dumaan, tulala, wala sa sarili, hanggang sa hindi ko na namalayan kung gaano na ako katagal napirmi sa kinatatayuan ko.

Walang sigla akong naglakad paakyat sa sarili kong kwarto. Pagkapasok ko ay agad kong sinara ang pintuan. Kagaya kanina ay napirmi lang akong muli sa aking pwesto. Nilibot ng mga mata ko ang kabuuan ng kwarto ko na para bang naghahanap ng pagkakaabalahan—ng magbibigay saysay sa walang kwenta kong estado.

I glance at the door to my balcony, rain splattering all over the glass pane. It's already dark outside and I walk toward the threshold to close the curtains. Hindi ako sigurado kung dahil ba sa panahon, sa basang damit ko, o sa nararamdaman ko kaya malamig din sa loob ng kwarto ko.

Either way, I go inside my bathroom to fix myself.

Hinubad ko ang basang cardigan na suot ko at mariin itong pinigaan sa lababo. Ilang beses ko rin itong pinagpag bago isinampay sa isang tabi. The tank top I'm wearing isn't as soaked as I thought it would be. But it's still wet like the shorts I have on.

I look at my reflection in the mirror. Still the same red eyes stare back at me. My gaze shifts to my lips and I think about how Zairus kissed me.

Napahawak ako sa labi ko, inaalala ang sandali nang halikan niya ako kanina.

My lips are as cold as the rest of my skin, very different from what it felt like earlier. Wala na ang init sa mga labi ko at tanging malamig na katotohanan nalang ang natira na hindi na kami pwede magsama.

It was a sad kiss. A sad reminder that we can't be together.

I can handle that.

As long as he doesn't lose himself, I can handle anything.

Kaya kong lumayo sa kanya para sa ikabubuti niya kung 'yon ang kailangan. I still haven't given up and I can't lose hope now. Kung mawawalan ako ng pag-asa ay hindi ko na alam kung paano pa ako makakalaban. Kailangan ko maniwala na makakahanap ng paraan sila Sir Takano bago pa tuluyang lumala ang kondisyon ni Zairus. Ang tanging magagawa ko nalang para sa kanya ay ang umiwas. Umiwas at umasa na malalagpasan namin 'to.

Immortal CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon