Special Chapter: The Moon and the Fireworks

3.7K 127 51
                                    

For imkristinecharmaine


"Kaven did what?!" gulat na tanong Ione at hindi na nagawang isubo ang spaghetti sa tinidor niya.

"Like I said, he invited Luna to the moon festival this Saturday," sagot naman ni Celestine sa kabila ng ingay sa cafeteria. "Pati ako nagulat. Hindi ko inakalang may pa-surprise attack pala si Kaven."

Tila naghugis puso ang mga mata ni Ione sa narinig at hinawakan ang braso ng kanyang kaibigan. "Our Kaven is all grown up now," mangiyak-ngiyak niyang sabi.

"But wouldn't that be insensitive to Luna?" tanong ni Kaoru habang seryosong tinatanggalan ng gulay ang pancit na kinakain niya.

"Wag ka ngang panira!" pagsuway ni Ione at muling hinalo sa pancit ni Kaoru ang lahok na gulay na ihiniwalay niya. "Bakit naman magiging insensitive 'yon? Sweet nga 'yon e, sweet!"

Napatigil sa pagkilos at nagkunwaring naiiyak ang binata, hinihigit ang sleeves ni Celestine. "C, binu-bully ako ni Ione. Tignan mo 'yung ginawa niya sa pancit ko. Nagsasabi lang naman ako ng opinyon ko."

Bahagyang umirap si Celestine, pagod na sa kadramahan ni Kaoru. "Bakit mo ba kasi sinabi 'yon? What makes you think it's insensitive to Luna?"

"Hindi pa ba obvious?" tanong ni Kaoru at nagnakaw ng isang strawberry sa tray ni Celestine. "Ang ipinupunta lang naman ng mga tao sa moon festival ay 'yung fireworks display ng 10 p.m. and with Luna's case..."

"Hindi niya makikita," bulong ni Ione. "That's unfortunate."

"I don't think Luna knows about the fireworks display," sabi naman ni Celestine.

"Then we have to make sure they go home before it's 10:00!" masiglang mungkahi ni Ione.

"But I think Luna will be fine," tugon ni Celestine.

"We still have to make sure," pilit ni Ione.

"You say that but I know you," sabi naman ni Kaoru, "gusto mo lang rin pumunta sa moon festival at panoorin 'yung dalawa.  Hindi mo ko maloloko— Ahh!!! Wag mo kasing ihalo 'yung gulay! Ayoko nga niyan, 'di ba! Celestine, oh, tignan mo!"

Celestine had enough of these two. Pero hindi niya maitanggi na mas masaya ang recess kapag kasama niya ang dalawa.

Ngayon palang ay nag-iisip na siya kung anong babagay na suot ni Luna. Mukhang kailangan niyang gabayan ang matalik niyang kaibigan dahil baka kung ano na naman ang suotin no'n. Iniisip palang ni Celestine ang kalalabasan kapag hinayaan niyang si Luna ang pumili ng isusuot ay napapailing na siya.

"Moon festival, huh?" isip ni Celestine. "Why of all things did Kaven choose that?"


"E hindi ba bulag si Luna?" tanong ni Xaniel, puno ng macaron ang bibig. "Bakit kayo manonood ng fireworks display?"

Nanlaki ang mga mata ni Kaven sa sinabi ni Xaniel. Mula sa pagkaka-upo ay agad niyang nilibot ang tingin sa loob ng classroom ng III-F at baka sakaling may ibang nakarinig. Pero mukhang wala naman at itong matakaw na bangaw lang ang nakakaalam.

"How did you know about that?"

"Nahulog mo 'to kahapon," paliwanag ni Xaniel habang nakatayo malapit sa pwesto ni Kaven. May dinukot siyang maliit na notebook sa kanyang bulsa at ipinatong ito sa lamesa ng kaklase. "I was about to throw it away but I thought you'd want it back. Mukhang importante."

Immortal CityWhere stories live. Discover now