Chapter 15

8.8K 280 33
                                    

Chapter 15
Hidden


"Good morning, princess!" bati sa'kin ni Kaoru. He's still calling me princess even after I told him to stop. He's too stubborn for his own good.

Papunta na ako sa desk ko nang marinig ko ang usapan ng iba kong mga kaklase.

"Nakita niyo ba?"

"Alin? 'Yung trending ngayon?"

"Oo. 'Yung fan-taken photos ng shooting kahapon ni Lucienne at Dylan!"

"Nakita ko nga! Galit na galit nga kami ng cousin ko dahil hindi sila bagay ni Dylan! Masyadong siyang gwapo at isa pa, sa Easton siya nag-aaral. Unlike Lucienne, sikat lang siya dahil sa dami ng haters niya."

"So true! Rumors say she's a slut. Inaakit lang daw niya ang mga nagpro-produce ng series niya."

Bigla akong nainis sa kanila.

Hindi nila kilala si Lucienne para husgahan ng gano'n! Just because they're infatuated with Dylan Wright doesn't mean they have to hate on Lucienne for being with him. I've only been with her for a couple of days but I'm sure she's not the kind of person they're accusing her to be.

"HOY!" biglang sigaw ni Ione at pati ako ay nagulat. "KUNG MAKAPAGSALITA KAYO PARANG KAYO ANG NANAY NUNG TAO, AH? BAKIT? KAYO BA NAGPAPALAMON KAY LUCIENNE? NAGAGALIT KAYO DOON SA TAO DAHIL LANG NAKAHALIKAN NIYA 'YUNG DYLAN NA 'YON SA PALABAS? BAKIT? TINGIN NIYO MAS MAGANDA KAYO KAY LUCIENNE? NEK-NEK NIYO! KUNG MASYADO NIYONG HINAHANGAAN 'YUNG DYLAN NA 'YON, EDI SA EASTON KAYO MAG-ARAL KAHIT ALL BOYS SCHOOL 'YON AT 'WAG DITO! PARA SABIHIN KO SA INYO, KAMI ANG NAGHIHIRAP NA PROTEKTAHAN KAYO! ALAM NIYO BA KUNG SAAN KAMI GALING KAHAPO—"

Shit, Ione!

Nag-panic ako dahil sa muntikang masabi ni Ione. Mabuti nalang at natakpan agad ni Kaoru ang bibig niya. Kaya lang naaawa ako ngayon kay Ione. Isinubo ba naman kasi sa kanya ni Kaoru ang pencil case niya.

"Hehe. Pagpasensyahan niyo na 'tong si Ione," sabi ni Kaoru ng nakangiti na parang ewan habang inaalalayan ang pencil case na 'wag mawala sa bibig ni Ione. "Nasaktan lang 'yan kasi pinagsasalitaan niyo ng masama 'yung idol niya. Adik na adik 'to kay Lucienne kaya gano'n nalang kung masaktan 'tong kaibigan ko. Puno ng poster ni Lucienne ang kwarto niyan. Pati kumot niya may mukha ni—"

At si Kaoru na ngayon ang may pencil case sa bibig. Kung ano-ano na kasing sinasabi niyang hindi importante kaya siguro sinaksakan ni Ione ng pencil case ang bibig niya.

'Yung totoo? Saan nanggaling 'yung mga pencil case nila?

Hawak ba nila 'yon kanina pa? Well, they seem to be close to each other. Hindi sila nagkakapikunan. I'm suddenly curious about their friendship.

"What's going on?" sabi ng isang pamilyar na boses. Si Miss Yajima, our twenty-six year old homeroom teacher since first-year high school. "Go back to your proper seats."

We call her Miss Y.

"Pero Miss Y, 6:37 palang po. 7:00 pa ang start ng klase," reklamo ng isa kong kaklase.

"I don't care. Ang Class III-A kanina pa nagsisimula sa pag-aaral nila, samantalang kayo kung ano-ano pang inaatupag. Kahit na III-D kayo, hindi dapat kayo nagpapatalo sa III-A!"

Marami pang sinabi si Miss Yajima at halatang wala nang nakikinig sa kanya. Simula pa first year namin ng high school, napaka-competitive ni Miss Y. Ang sabi raw kasi, si Miss talaga ang nagha-handle ng III-A dati pero bigla nalang siyang napalipat sa III-D.

Immortal CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon