Chapter 01

14.2K 438 58
                                    

Chapter 01
June 6, 2016


"Celes—"

Hindi ko na narinig pa ang boses ni Kuya. Hindi ko na nalaman ang sasabihin niya dahil bigla nalang nawala sa mga kamay ko ang cellphone ko at nakarinig ako ng isang pagkabasag. Kung hindi ako nagkakamali, tinapakan niya ang cellphone ko.

"You're too stubborn this time, love," malumanay na sabi ng taong dumukot sa akin. "I told you I wouldn't hurt you, didn't I? Why did you call for help? You're making me look like a criminal."

Ngayon ko lang narinig ang boses niya. Base sa narinig ko, mukhang ka-edad ko lang ang lalakeng nagsalita. Ramdam ko ang paghinga niya malapit sa tainga ko. Nanginginig ako ngayon sa takot. Wala akong maaninag na liwanag dahil sa piring na nilagay niya sa'kin. Hindi rin ako makagalaw dahil nakatali ang mga kamay ko sa likod ng upuang kinauupuan ko.

"P-Please... pakawalan mo na ko," sabi ko ng napakahina. Hindi ko alam kung narinig niya ba dahil sa sobrang pangangatal ng boses ko.

"No, no, please don't, love. Don't say that. I'm not here to hurt you. I promise you, you're going to be alright. Can you still not recognize me?"

I can hear it in his voice.

Desperation.

Alam kong nasa harapan ko siya ngayon. I know because I feel his hand on my left cheek. I feel his fingertips brushing my tears away.

"Shhh... don't cry," mahinahon niyang sabi. Mas lalo lang akong napaiyak sa sobrang takot. Takot na baka kung anong gawin niya.

"P-Pakawalan m-mo na k-ko. P-Please, p-pakawalan mo na ko."

"Why are you like this?" Lumakas ang boses niya pero hindi pa rin sapat para masabi kong sinisigawan niya ako. "I've been searching for so long! I waited patiently for you. Every time. You leave me every time, love."

I feel his face dangerously close to mine.

"Don't leave me again," he whispers. "Please don't die this time. Don't die again, I don't want to be alone."

Nakaluhod siya at naramdaman ko ang init ng mukha niya sa pisngi ko. Hindi ko alam kung paano pero bigla nalang nawala lahat ng takot na nararamdaman ko. May parte sa'kin na nagsasabing kilala ko ang lalakeng nasa harapan ko ngayon. Pero kahit anong gawin kong pag-alala ay wala pa rin akong matandaan. Hindi ko makilala ang boses niya.

Pero bakit parang matagal na kaming magkakilala? Bakit pamilyar sa'kin ang kilos niya?

"Why can't you just stay with me? I need you more than anything."

Hindi ko siya maintindihan. Wala akong naiintindihan sa nangyayari. Kung bakit ako nandito at kung paano ako napunta sa lugar na 'to na parang walang nangyari, hindi ko alam kung paano.

Nananaginip lang ako. Ito ang gusto kong paniwalaan dahil wala nang iba pang eksplenasyon sa nangyayari ngayon.

"Parang awa mo na, pakawalan mo na ko," huling pakiusap ko.

Biglang tumahimik ang paligid. Hindi ko na alam kung nasaan siya. Hindi ko ko maramdaman ang presensya niya.

"Do you really wish to leave me again?" tanong niya na siyang nagpagulo sa aking isipan.

Leave him? Kung sabihin niya ang salitang 'yon, para kaming may malalim na pagsasama.

"I'm no match for you, Celestine," sabi niya bago ko naramdaman ang pagtayo niya. "You know I'll do anything you want, give whatever you desire. I am desperately, hopelessly in love with you. I'll let you be for now. But I swear I'll come back, and I won't let you leave my side ever again."

Sa isang iglap lang, nakatayo na ako sa tapat ng gate ng school namin kung saan ako naroon bago ako kunin ng lalakeng ilang segundo lang ay kasama ko.

Anong nangyayari?

Paano nangyaring bigla nalang bumalik sa dati ang lahat? Walang pinagbago ang mga nasa paligid ko na para bang hindi ako nawala dito ng ilang oras.

Gulong-gulo na ako. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako o ano. Bigla nalang ako napunta sa isang lugar na hindi ko alam kung saang parte ng mundo. May lalakeng nagsasabing huwag ko siyang iwan at kahit man lang pangalan niya hindi ko nalaman. Nababaliw na siguro ako.

Baliw na siguro ako.

"Hindi ka pa ba maglalakad?" halos mapatalon ako sa gulat nang biglang magsalita ang best friend kong si Luna. "Gabi na, kailangan na natin umuwi."

"Luna, gaano katagal akong nawala?" tanong ko sa kanya dahil magkasama kami nang bigla nalang akong kunin ng lalakeng 'yon.

"Ano bang sinasabi mo, Celestine? Inaasar mo ba ko? Alam mo namang bulag ako, 'di ba?"

"Hindi kita inaasar, Luna! Seryoso ako, please, sagutin mo nalang."

"Hindi ko alam kung anong trip mo pero sige, sasagutin kita. Miss Celestine Demafelix, hindi ka po umalis. Kanina pa tayo magkasama naglalakad palabas ng school. Oh, ano? Masaya ka na?"

Imposible.

Hindi ako nawala? Pero papaanong—sigurado akong hindi ako nananaginip!

"Celestine! Ano ba? Kung ano-ano na namang iniisip mo."

"P-Paano mo nalaman?"

Hindi pa rin ako nabibigong pahangain ni Luna. Bulag siya pero alam na alam niya ang ikinikilos ko. Sa katunayan mas malakas pa nga ang pakiramdam niya sa'kin.

"Kailangan ko pa ba talagang sagutin kung paano ko nalaman? Hindi ko rin kasi alam. Basta 'yon lang ang tingin kong nangyayari sa'yo. Isa pa, kanina pa may nakatingin sa direksyon natin."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Luna. May nakatingin? Hindi kaya 'yung lalakeng kumuha sa'kin?

"Actually, kanina ko pa sa room napapansin na parang may nakatingin sa direksyon mo. Hindi ko lang alam kung sino pero mukhang sa likuran ng room nanggagaling."

"Sa room natin?"

"Oo. Baka kaklase natin."

"Ahh..." Imposibleng siya 'yon.

"Oo nga pala, tinawagan mo na ba si Zairus? Alam na ba niyang gagabihin tayo ng uwi? Teka, 12:00 a.m. na yata. Ibig sabihin inumaga na tayo."

"Si Kuya! Nakalimutan ko, kailangan kong matawagan si Kuya!"

Pero paano ko siya tatawagan? Wala na 'yung cellpho—b-bakit nasa bulsa ko? Bakit nasa bulsa ko ang cellphone ko?

"Hindi mo na kailangan tawagan si Zairus, tingin ko parating na siya."

Tama nga si Luna.

Nakikita ko na si Kuya na tumatakbo papunta sa amin.

"Celestine!" tawag niya.

Mukhang nagmadali siyang bumalik sa school nang tawagan ko siya kanina.

"Anong nangyari sa'yo, Celestine?! Ayos ka lang ba?!"

"Grabe, Zairus, ha?" sabi ni Luna. "Mukha bang papatayin ko si Celestine?"

Bigla akong napangiti ng bahagya sa sinabi niya. Nakita kong nakahinga na rin ng maluwag si Kuya Zairus.

"Akala ko napaano ka na," alalang sabi sa'kin ni Kuya na ngayon ay nakahawak sa pisngi ko. "Hindi ko alam ang gagawin ko 'pag nawala ka."

Napangiti ulit ako pero ngayon ay dahil naman kay Kuya.

Niyakap niya ako ng mahigpit. Yakap na parang muntikan na akong mawala sa kanya. Bumibilis na naman ang takbo ng puso ko. Bakit ba nangyayari 'to sa'kin tuwing sobrang lapit sa'kin ni Kuya? Hindi 'to pwede. Magkapatid kami ni Kuya Zairus.

"Umalis na siya," bigla nalang nagsalita si Luna.

"Huh? Sino ang umalis?" tanong ko sa kanya.

"'Yung nakatingin sa'yo kanina pa."

Immortal CityWo Geschichten leben. Entdecke jetzt