Prologue

15.6K 455 64
                                    

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Tatawagin ako ni Celestine.

"Kuya!" sabi niya mula sa kabilang dulo ng pintuan.

Sasabihin niyang gumising na ako dahil mahuhuli na kami sa meeting.

"Gising na kuya! Hindi dahil club activites lang ngayon sa school ay pwede na tayong ma-late! Bumangon ka na."

Kanina pa naman ako gising, ayoko lang bumangon. Para saan pa? Mauulit lang rin naman ang lahat.

Napahawak nalang ako sa noo ko habang pinagmamasdan ang kisame ng kwarto ko.

Ilang beses ko na ba 'to tinitigan sa parehong oras, parehong araw, at parehong sitwasyon? Sa sobrang dami ay hindi ko na binibilang. Dati ay tinatandaan ko pa kung gaano karami pero ngayon ay pagod na ako. Pero kahit naman hindi ko na bilangin, at kahit ayoko na, naaalala ko pa rin lahat.

Kaya ngayon ay hinayaan ko nalang ang sarili ko na bumaba ng hagdan hila-hila ng kapatid ko.

Heh. Kapatid?

I don't know if she's clueless about our situation or she's just pretending not to know. We are not siblings. And we will never be because I love her. Matagal ko na siyang mahal.

Sobrang tagal na.

Agad kaming pumwesto sa hapagkainan para mag-almusal ng lutong umagahan ni Mama—ang Mama ni Celestine. Tuwing araw na 'to ay nawawalan ako ng gana kumain. I can't eat knowing that after this day, I'm going to suffer again.

Maya maya lang ay tatanungin ako ni Celestine kung anong petsa na.

"Kuya, anong date na ngayon?"

"June five. June five, two thousand sixteen," sabi ko.

"Grabe. Ang bilis ng panahon, ano?"

Mabilis? Hindi, Celestine. Mali ka. Hindi mabilis ang panahon. Mabagal at paulit-ulit lang.

Tumayo na si Mama para magligpit ng kinainan.

Mabibitawan niya 'yung plato.

"Ma! Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Celestine.

'Wala ito. Mabuti pa mag-asikaso na kayo ni Zairus sa pag-pasok,' sasabihin ni Mama.

"Wala ito. Mabuti pa mag-asikaso na kayo ni Zairus sa pag-pasok."

Mabagal ang takbo ng oras. Ang masama pa niyan... uulit na naman.


Hinatid ko na si Celestine sa room niya nang makarating kami sa school. Pareho lang kaming third-year high school. Hindi naman nagkakalayo ang edad namin pero "kuya" pa rin ang tawag niya sa'kin.

Ngayon ay papunta na ako sa sarili kong classroom pero may mababangga at mababangga akong babaeng estudyante ano man ang gawin ko.

'Sorry po! Hindi ko sinasadyang mabangga kayo,' sasabihin niya.

"Sorry po! Hindi ko sinasadyang mabangga kayo."

Pinulot ko ang nahulog niyang libro at ibinigay sa kanya. "It's fine. I was expecting this anyway."

Maguguluhan siya sa sinabi ko at magtatanong pero hindi niya itutuloy.

"H-Huh? Anong ibig niyong—ah wala. Sige po. Sorry ulit!"

Immortal CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon