Chapter 14

8.1K 275 32
                                    

Chapter 14
Different Kind of Cheating


Pagabi na nang makarating kami sa school. Si Sir Takano, Teacher Sparks, at kaming twelve students nalang ang nasa school. Labindalawa nalang kami dahil nauna na si Lucienne dahil nga sa shooting niya. Kasalukuyan kaming nasa Illusion Room, ang base namin, at masasabi kong napaka-awkward ng sitwasyon. Kaming mga estudyante lang ang nandito pati si TS dahil may aasikasuhin pa raw si Sir Takano. Sampung minutong katahimikan na ang nakalipas nang magsalita si Kaoru.

"You're not telling us everything." At base sa tono ng boses niya, at dahil obvious na rin, alam kong si Teacher Sparks ang tinutukoy niya kahit hindi nakatingin si Kaoru sa kanya.

"You don't need to know everything. Just trust me that I'm doing all of this for everyone's sake," sabi ni TS.

"You're talking nonsense! Ilang beses na namin 'yan narinig. Ang gusto ko lang naman, sabihin mo sa amin ang mga dapat namin malaman para hindi kami mukhang gago na hindi maintindihan ang sinasabi ng Dylan Wright na 'yon."

He's pissed. I've never seen Kaoru like this.

Walang naglakas-loob na makisingit sa usapan ni Teacher Sparks at Kaoru. Siguro ay dahil na rin sa pagod. Pero alam kong gusto rin nilang malaman lahat gaya ni Kaoru. Gaya ko. Gusto ko rin malaman kung bakit hindi kasama si Luna kanina sa Opening Ceremony at kung bakit mukhang burden ni TS na manalo kami.

"Kung hindi ka magsasabi ng totoo sa amin, pwedeng-pwede ko naman paki-usapan si Drake na basahin 'yang isipan mo," seryosong sabi ni Kaoru na agad kong hindi sinang-ayunan.

"Pero hindi mo pwedeng gawin 'yon, Kaoru. Hindi ba bawal gamitin ni Drake ang eye ability niya ng walang permission?" sabi ko pero hindi man lang ako nilingon ni Kaoru kahit alam kong narinig naman niya.

"Is that a threat, Number Nine?" tanong ni TS na parang nang-hahamon.

"It's a chance. I'm giving you a chance to explain everything. Para hindi masayang ang trust na gustong-gusto mong magkaroon kami."

"Can't you trust me?!" nagulat ako dahil nagtaas na ng boses si TS. Ngayon ko palang siya nakitang galit.

"'Ayon na nga! If you want us to trust you then trust us first! Sabihin mo sa amin 'yang mga bagay na ayaw mo ipaalam!" Mas ikinagulat kong makita ang galit na galit na si Kaoru.

Remind me not to make him mad.

"Can you please cut it out? Both of you." Sa pagitan ng sigawan ay sinabi 'yan ni Kaven, of course, with his undying coldness. "And Zairus, kanina mo pa nahulaan kung anong mga nangyayari pero bakit nananahimik ka lang diyan? I'm not one to talk but please cut the shit. It's annoying."

Hindi ko naintindihan ang sinabi ni Kaven. Ano na naman bang kalokohan 'to?

"You also figured it out," sabi ni Kuya na nakatingin sa lapag. "I was right to think that behind that uninterested look of yours, you're smart. Anyway, tama si Kaven. Pakitigil na 'yang acting niyong dalawa, Sparks at Kaoru."

Nanlaki ang mga mata namin maliban kay Kuya at Kaven. Tumatawa naman ng bahagya si Ione at Drake. Si Luna lang ang tanging nakapikit at nakahalumbaba. Sa tingin ko natutulog na siya. Typical Luna.

"Ang daya," Kaoru says with a pout. "Bakit nalaman niyo agad? Nag-prepare pa naman ako ng mga heart-breaking lines na sasabihin ko kay TS."

"I'm not surprised Zairus figured it out," sabi ni TS. "Tama si Kaven at Zairus. What Kaoru and I were saying was scripted. We're just acting it all out."

Immortal CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon