Chapter 08

8.7K 290 16
                                    

Chapter 08
Meeting


"Celestine! Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Kuya Zairus. Nakapasok na pala siya sa kwarto ko.

Hindi ako makapagsalita. Patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha ko kahit na anong pag-pigil ko. Kahit na hindi ko kilala ang lalakeng 'yon, kahit na hindi ko alam ang itsura niya, nagawa niya akong paiyakin ng ganito. Nagawa niya akong pakabahin gamit ang malumanay niyang boses.

"Ano ba talagang nangyayari Celestine? Bakit ka umiiyak? Please, tell me."

Lumuhod si Kuya para magtapat ang mga mukha namin. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi habang pinupunasan ang mga luha ko.

Nang magtapat ang mga mata namin, napansin kong naging pula ang mga mata niya. Kung tama ang natatandaan ko, sinabi ni Teacher Sparks na nagiging pula ang mga mata nila kapag ginagamit ang kanilang eye ability. Kung gano'n, anong inaalala ni Kuya ngayon at naging pula ang mga mata niya?

"You were six years old back then when our father died. You never cried in front of us," malungkot na ngumiti si Kuya Zairus bago umupo sa tabi ko. "Nag-alala ako ng sobra kaya lagi kitang sinusundan ng pasikreto. Lagi kang nagkukulong sa kwarto mo at doon umiiyak. I was always there, hearing your sobs from the other side of the door, but you never let me in."

Tinignan niya ako sa mga mata ko at bumalik na sa dating kulay ang mga pulang mata niya.

"I don't want you to hide your feelings from me, Celestine. Ayokong sinosolo mo ang mga nararamdaman mo. Lagi mong tandaan na nandito lang ako. I—I love you."

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga huling sinabi ni Kuya. Lagi nalang ganito. Alam kong hindi pwede pero hindi ko mapigilan.

"I love you too, Kuya. Sorry dahil napaka iyakin ng kapatid mo."

This is what I always do. Every time I feel strange when I'm with him, I always remind myself that we are siblings. We can never be anything more than that.

Ngumiti lang si Kuya Zairus at umiwas ng tingin.

Sinigurado niyang ayos na ako bago siya umalis ng kwarto ko. Sinabi ko na rin sa kanya na hindi muna ako kakain ng hapunan.

Buong gabi kong inisip ang mga nangyari kaninang 6:06 p.m. 'Yung oras na kinausap ulit ako ng lalakeng 'yon.

"Daimon Clyde, your—"

Muli kong naalala ang mga sinabi niya.

My what? Ano ko ba siya? Sino ba siya sa buhay ko? Bakit ba ginagambala niya ako?

Hindi na normal ang mga nangyayari.

Noong una ay dinala niya ako sa isang lugar na parang wala na kami sa mundo. Kani-kanina lang ay lumakas ang ihip ng hangin sa loob ng kwarto ko kahit na nakasara naman ang mga bintana at maaliwalas sa labas.

Nagsimulang gumulo ang lahat nang kunin niya ako.

Kung tutuusin, mahirap paniwalaan ang mga nagaganap ngayon. Pero dahil sa nakita ko, dahil sa Nameless Organization na may kakaibang kakayahan, parang hindi na ako magugulat sa susunod na mangyayari. Isa lang ang gumugulo sa isipan ko ngayon.

Sino si Daimon Clyde?

Hindi ako nakatulog sa kakaisip ng posibleng nakaraan na hindi ko maalala. Mga posibleng dahilan kung bakit niya sinasabi ang mga 'yon. Dahilan kung bakit parang kilalang kilala niya ako.

Pagdating ng umaga, naghanda na ako para pumasok sa school. Sinuot ko rin ang hoodie na bigay ni TS gaya ng sabi niya. Bagong araw na naman ang sumalubong sa'kin at paniguradong hindi na naman ito normal.

Immortal CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon