Special Chapter: Tale of Hers

2.9K 116 57
                                    

For ofnorthandsouth


Isang tunog ang unti-unting lumalakas sa pandinig ko, pinipilit na imulat ang antok kong mga mata pero ayoko pa.

"Stop the alarm, Rina," utos ko sa aking ID gamit ang isipan ko.

Pero patuloy parin ang tunog na parang nanggagaling sa isang hayop. Pusa? Aso? Parang hindi naman at hindi ko alam kung anong klase ba. Isa pa hindi naman ganito ang tunog ng alarm ko.

"Rina, I swear. . ."

Hindi parin tumitigil ang nakaka-iritang tunog. Hindi rin ako sinasagot ni Rina—teka.

Ha?!

Paanong hindi ako sinasagot ni Rina? Never in my days of being a Nameless Organization member did this happen. Laging nagre-respond sa akin ang ID ko no matter what.

Muli ay inistorbo na naman ako ng kanina pang ingay kaya napilitan na akong bumangon sa—

"WHAT THE HELL?!" sigaw ko.

Pagmulat ko ay saka ko lang nakita na hindi na kutson ang hinihigaan ko kundi damuhan. Walang unan o kumot, damo lang.

Agad akong napa-upo, sinampal-sampal ang sarili, at kinisot ng maigi ang aking mga mata para malaman kung gising na ba talaga ako.

Pero gano'n parin. Damo parin ang kinauupuan ko ngayon.

What the hell happened? Was I kidnapped? Oh my god, please don't tell me this is another one of Daimon Clyde's kidnapping?! Utang na loob, kahit pa medyo nasanay na ako sa kanya ay hindi ibig sabihin na gusto ko na lagi nalang ako napupunta sa kung saan.

Pinagmasdan ko ang nasa paligid pero wala akong ibang makita kundi ang iilang matatayog na puno at ang kalakihan ng bughaw na langit. Pagtingin ko sa sarili ko ay kapansin-pansin ang brown na palda na hindi ko naman sinuot bago ako matulog kagabi. Teka, hindi lang palda. Buong suot ko ang napalitan!

Nakadamit ako ngayon ng parang suot ni Cinderella noong inaalipusta pa siya ng stepfamily niya.

Nabigla ako nang may tumalong maliit na hayop sa palda ko at agad akong napasigaw. May ilang ibon mula sa mga puno ang lumipad paalis dahil ata sa pagsigaw ko. So ito pala 'yung kanina pa maingay.

Sa 'di kalayuan ay may narinig akong boses ng lalake na tumatawa.

I swear to god, if this is Daimon Clyde I'll shave his head.

"Wag kang mag-alala. Hindi siya nangangagat," masiglang sabi nung boses.

Pero hindi naman madalas mag-Filipino si Daimon at hindi rin siya masayahin magsalita kaya sino 'to?

Tumingala ako para hanapin ang lalakeng nagsalita at nakita siya na naka-upo sa sanga ng isang puno. Hindi ko masyadong makita ang itsura niya dahil sa nakakasilaw na sikat ng araw.

Muling umatungal 'yung hayop na nasa palda ko. When I look at it closely, it's actually cute.

It looks like a really small fox, but with blue fur. Mas malaki at pointed ang tainga, ang buntot naman ay mahaba at manipis pero malago ang balahibo sa dulo. May ganito ba talagang hayop? O baka robot 'to? Either way, it's really cute.

Inilahad ko ang dalawa kong palad at bigla itong tumalon sa kamay ko.

"Mukhang gusto ka niya," sabi nung lalake sa puno.

That's good and all but I still don't know where I am and how I got here.

"Alam mo ba kung bakit ako nandito?" tanong ko sa kanya.

Immortal CityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon