36th Plan

36.8K 608 59
                                    

Ayoko mang tignan ang mapapangasawa ni Jaeina, gustuhin ko mang pulutin na lang yung nabasag na frame... pero wala akong magawa... iniangat ko ang ulo ko at tinignan sila... siya.

Napahawak ako sa dibdib ko at tinalikuran silang dalawa, tumingin ako sa labas... nagsisimula ng umulan. Sabi ko diba wag... ayoko... ayokong umuulan. Ayoko..

Lumuhod ako sa sahig para pulutin yung nabasag na salamin nung frame.

"Friend ipagawa mo na lang sa iba yan." Bakas sa boses ni Jaeina ang pag aalala. Alam niya kasi na ayokong umuulan.

"Miss Zeria, eto na po yung snacks and juice." Sabi ni Jane nung makapasok siya ng office.

"Jane, pakipalinis mo tong basag na frame."

"Okay Ma'am."

Lumapit si Jaeina sakin at hinawakan ako sa braso para patayuin.

"K-kaya ko na to... maupo na lang kayo ni Br--F-felix. Mag snacks kayo."

Pinapakiramdaman ko yung bawat galaw niya... hindi ko man siya nakikita alam ko na umaapoy na yung mga mata niya galit niya sakin.

Ibinaba ni Jaeina yung blinds ng buong glass panel.

"Zeria... sige na. Makinig ka na muna sakin. Fix yourself first. Wala na, okay? Next time ikuwento mo na sakin kung bakit--"

Tumayo ako at tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa wrist ko.

"Okay lang ako Jae... you don't have to worry. Excuse me. I'll just go to the powder room. Make yourself comfortable."

Nanginginig ang mga tuhod ko, parang ito na ata ang pinakamahirap kong hakbang sa buong buhay ko.

Nang maisara ko ang pinto, dun na bumuhos lahat ng luhang pinipigil ko. Napahawak ako sa lavatory dahil pakiramdam ko bibigay ang mga tuhod ko anumang oras.

Unti unting nag fa-flashback lahat ng mga nangyari noon, lahat ng mga bagay na pilit kong iniiwasan at kinakalimutan.

Bakit ngayon pa? Bakit kailangan pang bumalik lahat ng kasinungalingan, kasamaan, at sakit.

Nanginginig ang kamay ko nang kumuha ako ng antidepressant sa med box. Nang mainom ko yun, bumilang ako ng up to 50 at huminga ng malalim.

Nang medyo nahimasmasan na ko, naghilamos ako at nagpunas ng mukha. Kitang kita ko lahat ng pait at sakit sa sarili kong mga mata sa salamin.

Pagkatapos kong malagyan ng band-aid yung sugat sa daliri ko, hinawakan ko na yung doorknob at huminga ako ng malalim bago ko binuksan yun.

Si Jaeina agad ang una kong nakita, kita sa mga mata niya ang pag aalala at pagtatanong. Si Bryle naman, prenteng nakaupo lang sa couch.

Parang wala lang nangyari at wala akong nakikitang emosyon sa mga mata niya.

Sinong mag aakala na yung Bryle na minahal ko ng sobra, ayan... nasa harap ko na at magpapakasal sa iba.

Sobrang laki na ng pinagbago niya... halatang mamahalin lahat ng suot niya. Kung noon gwapong gwapo na ko sa kanya... mas lalo ngayon... eto ba lahat ng kapalit nung mga ginawa ko noon? Sana hindi lang... sana hindi nangyari ang lahat.

Hanggang kailan ko ba kayang magpigil ng nararamdaman ko sa harap ng iba ng tao?

"Friend... okay ka na ba?" Bago pa ko malapitan ni Jaeina nagpunta na ko ng table para kumuha ng ballpen at yung list for the wedding details.

"So... let's start." Huminga ako ng malalim at naglakad papuntang couch. "Hindi na ko magpapaka formal. By the way, ano yung gusto mong theme ng wedding niyo? Teka kailan n-niyo pala balak... ikasal?"

Sinusubukan ko na tignan din si Bryle sa mga mata niya... pero hindi ko pa kaya...

"Gusto sana namin this coming December na."

"I'm afraid we can't accommodate you, Jae. Full ang schedule namin sa December."

"Oh, I see. Dalawa naman ang pinagpipilian naming date, December and February. Siguro February na lang. Since busy din naman ako this December."

"Good. Para mas mahaba ang preparation."

"Zeria... natatandaan mo pa ba yung promise mo sakin?"

"A-anong promise?"

"Yung pag kinasal ako..."

"Ah! Oo naman. Tandang tanda ko pa yun. Hindi ko kakalimutan yun."

"Talaga? Akala ko nakalimutan mo na! Sweetie... alam mo ba tong si Zeria, nung opening mismo nitong business niya, ang sabi niya sakin, pag kinasal ako, siya na daw ang magiging wedding planner ko. At... hindi pa yun. Bibigyan niya ko ng 50% discount. Diba ang saya!! Makakati--"

"I object sweetie." Napatingin ako kay Bryle. Wrong move, kasi nakatingin din siya sakin.

"Felix... si Zeria na mismo ang nagsabi nun."

"I can give you the best wedding, I can pay for it. Hindi natin kailangan ng discount. So what if it cost millions? I don't mind paying millions for our wedd--"

"I-I insist... i-it's a gift, it's my gift..."

"After all... business is business, right? Money matters..." Yung mga ngiti niya... hindi ako familiar. Bryle...

My heart was shattered into pieces... again. I've been stupid and weak and I regret everything I've done.

"Ahm... friend--"

"It's okay Jae. I understand. Sa ibang way na lang siguro."

"Well, I want a Rustic wedding. Para maiba naman. If it's okay with you Felix."

"Anything you want sweetheart, you're the boss."

Hindi na maipinta ang mukha ko sa nasasaksihan ko... hindi ko alam kung ano ba ang dapat i-react. Magpapanggap ba kong masaya? Isa pa, bakit ba ko ganito? Matagal ng wala Zeria. Ikaw pa nga ang tumapos. Ano pang ina-arte arte mo diyan?

"Awww. That's so--" napahinto si Jaeina nung mag ring ang cellphone niya. Pinatay naman niya ulit pero tumatawag pa rin. "Excuse me... i have to take this call."

Napalunok ako nung tumayo si Jaeina at lumabas siya ng office ko. Nung narealize ko na matagal ng nakasarado yung pinto, nanginginig akong tumayo.

Lumapit ako sa glass panel at ini-open yung blinds. Buti na lang hindi na umuulan.

"Tinupad mo pala yung pangarap mo? Sinong mag aakala na sa ganito pala tayong magkikita?"

Hindi ko alam kung galit ba siya or wala lang. Siguro wala lang... hello! Ikakasal na siya.

"O-oo. Hindi ako makapaniwala."

"Makapaniwala na ano? Na kaya ko na pala ngayong magbayad ng service mo?"

Napangisi na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko siya masisisi.

"Yeah. Hindi nga ako makapaniwala... akalain mo yun."

"Na yung nag aalaga lang ng baboy at nagpapatuka ng manok eh nasa harapan mo ngayon, walang pakialam kung gagastos ng milyon milyon para lang sa kasal."

Taas kilay ko siyang hinarap dahil nagpantig ang tenga ko sa narinig ko.

"Lang? Nila-lang mo ang kasal?"

"Let's just say na madali na lang sakin ang magpakasal... lalo na kung kay Jaeina, kahit pakasalan ko siya araw araw, kayang kaya ko. Hindi na ko katulad nung Bryle na mahirap, nagwawalis ng tae ng baboy. Kasi mayaman na ko ngayon Zeria... at hindi na ko pwedeng tapak tapakan ng kung sino lang.."

(c) Eilramisu

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon