CHAPTER 27: Finally, I Made It

5.1K 111 14
                                    

"Nagmamadali lang? May lakad ka? Take it slowly, mamaya lasing ka na naman agad." Inagaw ni Drew ang shot glass kay Kara.

Naka-limang bote na sila ng soju. Halos makahalatian na din ng dalaga ang apat na kilong adidas. Mas gusto talaga niya ang mga luto ni Drew kesa sa mga pagkain sa labas. Nakasanayan na niya ang timpla nito kaya para sa kanya, lahat ng lutuin ng binata, paborito niya.

"Useless ang pag-inom kapag hindi ka malalasing." Sa bote na ito uminom dahil ayaw ibigay ni Drew ang shot glass sa kanya.

Hinayaan na lang niya si Kara. Sanay na ito na kapag nalalasing siya ay kung anu-ano ang pinagagawa at pinagsasabi ng dalaga. Including her endless love confession. Ang maganda lang dito, sa tuwing lasing siya ay total blackout ito. Wala itong naaalala sa mga pinagagawa at pinagsasabi niya. Hindi na lang din iyon binabanggit ni Drew sa kanya dahil hindi niya gustong magkaroon ng tensyon sa pagitan nila. Matagal naman na niyang alam ang nararamdaman ng dalaga para sa kanya.

"Drew..." Nakapikit na siya pero pinipilit pa din niyang magmulat sabay inom ng soju at kain ng adidas.

Alam mo ba na gusto kita? Alam mo ba na mahal kita? Alam mo ba na ang hirap maging best friend mo lang?

Those same familiar lines were on Drew's mind. Alam na niya ang kasunod ng sasabihin nito. Walang pagkakataon na nalasing ang dalaga na hindi iyon ang sinabi niya.

"Alam mo ba na gusto kita?" Sabi nito pagkatapos inumin ng diresto ang kalahating bote ng soju na hawak niya. Nakinig lang si Drew at hinayaan lang niya ito habang nakatingin sa dalaga.

"Alam mo ba na mahal kita?" Nakangiti nitong sabi sabay baba ng bote at pahid sa luha niya. Napapikit ang binata at napabuntong hininga. Kahit pa ilang beses na niyang narinig iyon, nasasaktan pa rin siya. Lalo na at nagsisimula ng umiyak si Kara.

"Alam mo ba na ang hirap maging best friend mo lang?" Sa pagkakataong iyon, hindi na paunti-unti ang luha niya. Tuloy-tuloy na iyong pumapatak sa mga mata niya.

Tulad ng inaasahan niya, iyon nga ang panimula ni Kara. Kaya hanggat maaari ay hindi niya gustong umiinom ito. He hates himself everytime she is crying. Whenever he thought he was the reason why Kara is crying, he couldn't help but get mad why he couldn't give the same love she had for him.

Wala din siyang masabi kaya nakikinig lang siya sa tuwing ginagawa iyon ng dalaga. Hinahayaan lang niyang sabihin nito lahat ng mga gusto nitong sabihin. Naghihintay lang siya lagi na ito ang kusang tumigil kapag lasing na lasing na ito, hanggang sa makatulugan na niya ang pag-iyak niya.

The very first time she confessed to him, she got drunk after their senior high graduation party. Gulat na gulat noon si Drew dahil sa harapan pa mismo ni Ace at Missy niya ginawa iyon. Mabuti na lang ay tahimik lang ang magkapatid. Hindi naman sila nagulat dahil alam naman na nila iyon. Hindi man sabihin ni Kara, bilang malalapit na kaibigan ng dalaga, wala itong maitago sa kanila. Kaya kahit pa may mga panahon na gusto ng magtapat ni Drew kay Missy, hindi niya magawa. He knew that she will instantly reject him. She may not be as expressive as Drew, but she loves Kara so much. Hindi ito gagawa ng bagay na ikakasakit ng loob ng kaibigan.

"Pangit ba ako Drew?"

"Sinong nagsabi at makakatikim ng suntok ko." Pinapahid niya ang luha ng dalaga dahil panay pa din ang pag-iyak nito.

"Eh bakit hindi mo ako gusto? Bakit hanggang best friend lang ako lagi? Hindi ba pwedeng...ako na lang? Magpapakabait na ako, promise!" Sabay taas nito ng kanang kamay niya.

"Magpa-practice na akong magluto. Hindi na din ako magiging burara. Lagi na akong maglilinis. Hindi na din ako mag-iinarte."

Napalunok na lang si Drew at napapikit. Kinuha niya ang isang bote ng soju at ininom ng diretso. Hindi niya matagalan ang ganitong senaryo kung saan umiiyak si Kara. He wanted to be drunk as well. Gusto na lang din niyang malasing at makatulog.

MY WHITE COAT DIARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon