CHAPTER 24: Superb Healthcare

3.2K 96 3
                                    

A lot of people asked Kara why she took nursing as premed instead of going to medical school directly. Drew had influenced her, but remembering those time on what's it like to be a student nurse, she will always consider it as a privilege and an honour. It is exhausting and stressful but she never regret taking it. She knew that those experiences and hardships would make her a better doctor someday.

"Good morning Ma'am." Bati ni Kara sa staff nurse na may hawak sa kanya kahapon. Hanggang tenga ang ngiti niya dahil maganda ang gising nito. Bukod sa masarap ang ulam na niluto ng binata para sa breakfast nila, nanaginip din ito ng maganda.

Confidence is build through a long process, but because of Drew, she gained it overnight. Kung kahapon ay para siyang nanlalata at walang gana, ngayon ay masigla siya at punong-puno ng enerhiya.

Tinungo nilang dalawa ang nurse's lounge para antayin ang clinical instructor nila at ang iba pa nilang kaklase.

"Sorry..." Umangkla siya kay Drew habang naglalagay ito ng wax sa buhok niya sa harap ng salamin.

"Ano na naman?"

"Ang dami mong pasa eh..." Turo niya sa braso at kamay ni Drew.

"Wala yan, magja-jacket ako mamaya. Sa payward naman ako ngayon naka-assign. Malamig doon, may aircon. Wait nga lang, nag-aayos ako ng buhok eh..."

Pero hindi tinanggal ni Kara ang pagkaka-angkla niya sa braso ng binata. Weird, pero kahit ang amoy ng hair wax ni Drew, gustong-gusto niya.

"Basta huwag ka magpapasindak sa staff nurse na yun ha. Kapag pinahiya ka niya uli, sabihan mo ako."

"Ano namang gagawin mo?"

"Basta, she is not entitled to make fun of you. Akala mo kung sino siyang magaling. Huwag ka papa-bully don ah. Ilabas mo yung-"

"Yung pagiging warfreak ko? Nagbago na ako noh." Natatawa nitong tanong kay Drew.

"No, just kill her with your damn skills. Sweet revenge, yung magugulat na lang siya."

Sabi ni Drew sabay hugas sa kamay niya. Tapos na niyang ayusin ang buhok niya but he has the habbit to fix Kara's hair.

Nasa may tapat sila ng salamin habang sinusuklay ni Drew ang buhok niya. Hindi niya alam kung kelan ba siya natutong magpusod ng buhok, namalayan na lang niya isang araw na siya na ang gumagawa nun madalas.

"Alam mo, magpagupit ka na bukas. Ang haba na ng buhok mo. Hindi na halos magkasya sa hair net."

Pagkatapos niya iyong ipinusod, ibinalot naman niya iyon sa hair net.

"Naku, andito na naman ang showbiz na magjowa." Sabi ng isang baklang kaklase nila.

Iyon ang tawag niya kila Drew at Kara dahil palagi nilang sinasabi na magkaibigan lang sila. Na mag best friend lang sila, pero wala ni isa sa mga kaklase nila ang pinaniniwalaan ang paliwanag na iyon.

"Aga-aga, nilalanggam na naman ang nurse's lounge. Tabi nga at mag-aayos din ako." Pabirong tulak nito sa dalawa.

Nang dumating ang clinical instructor nila at nakumpleto na ang buong grupo, lumabas na sila dahil malapit ng mag-ala syete. Iyon ang oras ng endorsement.

"Yung sabi ko sayo ah..." Bilin ni Drew sa kanya bago tinungo ang staff nurse na may hawak sa kanya.

Si Drew ay na-assigned sa payward samantalang si Kara naman ay sa charity ward.

"Let's start the endorsement, six fifty eight naman na." Sabi ng charge nurse ng gabi.

Parang nakalinya at magkakatabi ang mga staff nurses at student nurses na hawak nila nang magsimula silang maglakad patungo sa mga kwarto.

MY WHITE COAT DIARIESWhere stories live. Discover now