CHAPTER 59: Boyfriend

388 25 6
                                    

"Asan ka na ba? Gagabihin tayo niyan eh. Bilisan mo na!" Gigil na sabi ni Kara dahil isang oras na silang naghihintay ni Drew.

"Hindi ako pinayagan ni Mommy at Daddy. Wala daw kasi si kuya Ace. May duty kasi siya eh. Sorry na..." Si Missy ang nasa telepono na halatang malungkot pero wala siyang magawa.

She has a strict parents na minsan gusto na niyang magrebelde at magpakalayo. At her age, hatid sundo pa rin siya sa school kahit na marunong naman siya mag-drive. At kahit ngayong naka-graduate na sila ng pre-med, ganun pa din ang sitwasyon niya. Kadalasan ay naiinggit siya sa tatlo. Ang kuya Ace niya ay nakatira sa sarili nitong condo. Ganun din si Kara at Drew. Samantalang siya, nakatira pa din siya sa Mommy at Daddy niya.

"Eh di tumakas ka na lang, noong senior high nga tayo, nagagawa mong tumakas para makipagkita kay Carl eh! Come on Missy! Graduation trip natin to! Sig-"

Pero inagaw ni Drew ang cellphone mula sa dalaga. Inirapan niya ito sabay takip sa bibig ni Kara.

"Okay lang Missy. Wag ka mag-alala, three days lang naman kami ni Kara mawawala. Babalik din kami agad. Anong gusto mong pasalubong?" Malambing nitong sabi at pinatay na ang cellphone nang marinig ang sagot nito.

"Ikaw talaga, you know how strict Missy's dad." Pinaandar na nito ang sasakyan niya.

"Bakit? Totoo naman. Tumatakas naman talaga siya non para kay Carl! Tapos ngayon hindi niya magawa para sa atin?" Hindi nito maalis ang magtampo kay Missy.

"Hindi naman sila nago-overnight ni Carl noon. Tayo three days tayo sa Lolo at Lola mo. Try to be considerate naman, nalulungkot na nga yung tao, magtatampo ka pa sa kanya." Kinabit ni Drew ang seatbelt nito kahit nagsusungit ito sa kanya.

Nakatulog si Kara sa tatlong oras nilang byahe mula Maynila hanggang sa kasuluk-sulukan ng Batangas. Hindi pa nakakapunta si Drew sa bahay ng Lolo at Lola ng dalaga. Nagtanong-tanong lang ito sa bawat taong madaanan niya. Hindi naman siya nahirapan dahil kilala ang malawak na farm na iyon ng bawat taong mapagtanungan niya.

"Kara gising na, andito na ata tayo." Niyugyog siya ni Drew nang marating nila ang napakalaking arko ng Hacienda Karmella.

"Hmmm..." Humihikab pa ito pero nagmulat na din ng mata.

"Ito na ba yon?" Bago pa makasagot si Kara ay agad na silang sinalubong ng isa sa mga tagapangalaga ng lupain.

"Ma'am Kara? Kanina pa po kayo inaantay ng Lolo at Lola nyo." Sabi ng isang lalaki na nasa singkwenta anyos na.

Naka-sumbrero ito ng malaki at naka long sleeve na tila kagagaling lamang sa taniman.

"Mang Andoy!" Agad na bumaba ito at niyakap ang lalaki.

"Naku Ma'am Kara, pawis na pawis po ako." Nahihiya ang lalaki na kumawala sa pagkakayakap sa kanya.

"Si Mang Andoy naman, para ka namang iba diyan. Si Ish ba? Di man lang siya nakikipagkita sa akin sa Maynila. Palagi siyang busy. Minsan pinuntahan ko siya sa boardinghouse nila, di man lang niya ako nilabas." Reklamo nito sa ama ni Ismael, kababata at kalaro ni Kara noon sa tuwing nagbabakasyon sila sa lolo at lola niya.

"Kararating lang din niya galing Maynila. Halos magkasunod lang kayo. Hayaan mo at sasabihin ko sa kanya na magpunta ng mansiyon bukas."

"Huwag na, kami na lang ang pupunta sa bahay nyo bukas! Sige na Mang Andoy, mauuna na muna kami. Pakisabi kay Ish, marami siyang utang sa akin. Tsaka, paki-ready nya kamo ang lambanog at may papaptikimin tayong dayo." Sumakay na si Kara sa sasakyan at tinungo na nila ang mansiyon ng Lolo at Lola ni Kara sa motherside.

MY WHITE COAT DIARIESWhere stories live. Discover now