CHAPTER 35: No Words Said

385 24 5
                                    

"Saan ka galing? Gabing-gabi na! Alam mo ba kung ilang beses ako tumawag sayo? Bumalik pa ako ng ospital!"

Kara was startled when she suddenly saw Drew inside her unit with those raging eyes. Galit na galit ito, napakalakas ng boses niya. Hindi siya agad nakapagsalita dahil hindi niya alam kung paano ba sisingit sa mga pagsigaw nito. Ngayon lang siya nasigawan ng binata ng ganun. Mahaba ang pasensya nito, pero para siyang nangangalit na tigre ngayon.

"Ah...ano kasi-"

"Have you ever thought about me Kara? Inisip mo na baka may nag-aantay ng tawag mo? Ng update mo! Kung nasan ka na ba! Kung nakauwi ka na ba!" Tuloy-tuloy pa rin si Drew sa pagsigaw niya.

"Actually, nakalabas na ako...kaya lang-"

"Kaya lang ano? Bakit hindi mo ako tinawagan! O kaya sana sinagot mo yung tawag ko! Alam mo ba kung-"

"Sorry na, kasalanan ko. Okay? Naka-silent yung phone ko. Hindi ko napansin. Pero hindi mo kailangang-"

"Saan ka nga galing? Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko Kara!"

"Paano ko sasagutin yung tanong mo? Eh hindi mo ako pinapatapos? Tsaka kung makapagsalita ka, bakit mag-asawa ba tayo? Boyfriend ba kita? Yung daddy ko nga, hindi ako sinisigawan ng ganito! Tapos ikaw! Kung makasigaw ka, akala mo kung sino ka!"

"Ano? Anong sabi mo? Sino ako? Sino ba ako Kara? Sino ako para sayo?"

"Oo sige! Mag-best friend tayo! Lahat ginagawa mo para sa akin! Pero dahil ba dun may karapatan ka ng sigawan ako?"

Pareho na silang sumisigaw at galit. Ibinagsak ni Kara ang dala niyang supot at bag saka pumasok sa loob ng kwarto niya. Ibinagsak din nito ang pintuan. Papasok sana si Drew sa kwarto pero natigilan siya. Nabigla at nagulat siya sa naging reaksyon niya.

I'm sorry...

Nakailang tangka na siyang pihitin ang door knob pero hindi niya magawa. Hindi niya alam kung ano ba ang sasabihin niya kay Kara. Kung paano ba siya magsisimulang magpaliwanag. Iyon ang unang beses nila na magtalo at magsigawan ng ganun. Nagpasya si Drew na bigyan muna ang dalaga ng kaunting minuto. Naligo siya saka bumalik sa unit ni Kara.

"Kara..." Drew knocked then slowly opened the door.

He saw Kara lying on the bed, her head resting on the pillow. She didn't say a word but he was sure she was still awake. Drew sat down next to her then handed over the icecream and fries. He wasn't sure if that would work with Kara now, but he still tried.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya na sumigaw kanina. You scared the hell out of me. Akala ko kung ano na nangyari sayo. You can never imagine how afraid I am Kara. I even called daddy's butlers to find you."

Malumanay na paliwanag ng binata, hindi pa rin siya pinapansin ni Kara. Nakadapa pa rin ito at nakasubsob ang mukha sa unan niya.

"Call me crazy, but I even report it to the police. Tapos sabi nila wala pa daw twenty four hours. Para akong tanga kakalibot sa buong AMC kakahanap sayo. Lahat na ata natawagan ko. Mabuti na lang Kyle answered. Kasi kung hindi, hindi ko na alam ang gagawin ko. I was so scared..."

Doon pa lamang nagbago ng posisyon ang dalaga. Hinarap niya si Drew. Kita niya ang namumulang mata nito na parang katatapos lang umiyak.

"Sorry na...hmmm? Bati na tayo..."

Hindi pa rin siya nagsalita, bumangon siya saka kinuha ang fries at icecream na dala ni Drew. Kinain niya iyon sa harap ng binatang patuloy na humihingi ng tawad sa kanya.

"Sorry na, huwag ka ng magalit. Hindi ko na uulitin yun. Natakot lang talaga ako. I thought-"

"Kumain ka na?" Putol ni Kara sa kanya.

MY WHITE COAT DIARIESWhere stories live. Discover now