CHAPTER 64: Seventeen Years

359 22 16
                                    

"Happy monthsary bro! Sana...lahat may lovelife." Tapik ni Gian sa kanya bago sila lumabas ng kwarto.

"Bakit? Wala ka bang lovelife? Eh anong tawag mo dun sa-"

"Sex life lang ang meron kami ni Gian, okay? Hindi uso sa amin ang lovelife. Ikaw lang naman ang nagkakaroon ng girlfriend sa ating tatlo lagi. Ano ngang pangalan ng bago mong girlfriend? Yung...psycho..."

"Psychometrician." Mabilis na putol ni Nathan kay Drake.

"Yeah, that one. What's her name again? Sa dami kasi ng babaeng pinapakilala mo weekly at monthly, nakakalimutan ko na ang mga pangalan ng babae mo."

"Girlfriend ko si Aimee bro, hindi ko siya babae...okay? Girlfriend ko siya. Huwag mo ako itulad kay Gian. Tsaka ang OA ng weekly at monthly ha! Six months ang shortest relationship na nagkaroon ako. Hindi ako sing babaero nyong tatlo. Stick to one ako."

"Stick to one na madaling magsawa. Pustahan tayo, next year iba na uli ang girlfriend mo." Pang-aasar ni Gian sa kanya.

"Nope, I am serious with Aimee this time. I love her, she's-"

"She's the one I'm going to marry." Carl, Drake and Gian cut off him in chorus.

"Ilan to bro?" Sabi ni Gian sa kanya sabay taas ng dalawa niyang palad.

"Hindi mo lang ten times sinabi yan. Eh pang-ilang girlfriend mo na nga si Aimee? Pang singkwentang-"

"Twenty eight lang! Dinadagdagan mo na naman eh." Putol ni Nathan kay Drake.

"Whatever! Basta, maniniwala na lang kami kapag nakatanggap na kami ng wedding invitation. Sige na, get lost. I need a private time with my girlfriend." Inabutan ni Carl ang tatlo ng tig-iisang susi ng kotse. Those three were his best car collections, pero pumikit na lang siya mapapayag lang ang tatlo para sa araw na ito.

"Iba talaga pag in love, lahat kayang ibigay." Drake's annoying laugh.

"Ganun talaga, ako nga nakaya ko ng walang sex ng three months. I can tolerate abstinence for Aimee. She's-"

"She's really the one." Sabay-sabay na putol uli ng tatlo sa kanya saka tumawa.

"Sige na, get lost!" Sabi ni Carl sabay sara ng pinto ng classroom.

Nilapitan ni Carl si Kara habang isa-isang tinitignan ang mga super mini photoframe na nakasabit sa christmas tree. Originally, it was the picture of whole class. Pero ngayon ay puro mga batang picture ni Kara at Carl ang naroon. Ganun din ang mga latest picture nila.

"Saan mo nakuha ang mga to?" Tanong ng dalaga sabay baling kay Carl na nakatitig sa kanya. Ang dami nilang mga pictures na magkatabi sila.

"Di ka din makapaniwala noh? Mula nursery pala, lagi tayong magkatabi sa class picture. Tignan mo to, ikaw ang nabunot ko noong grade one tayo." Turo ni Carl sa isang litrato kung saan inaabutan niya si Kara ng malaking christmas gift.

She was shocked but thrilled. It was like destiny for them to be together right now. Napayakap siya bigla kay Carl. She was so overwhelmed with the surprise. Noon ay ini-imagine lang niya ang pakiramdam ng mayroong boyfriend.  Kara never expected much, though he knew how romantic Carl was. Para sa kanya, ang matawag na girlfriend ni Carl Maxwell ay malaki ng bagay. Pero araw-araw pinaparamdam ng binata kung gaano siya ka-espesyal.

"Akala ko, nakalimutan mo na-"

"Hindi ah! Why would I forget it? Pwede ko bang makalimutan yun?" Pero, sorry kanina. I was insensitive."

Putol ni Carl sa kanya sabay hila paupo sa may baba ng christmas tree.

"Pinilit kitang mag-drive kahit ayaw mo. Sorry if I annoyed you, I promise to be better from now on. I promise to learn all your body languages. I promise to-"

MY WHITE COAT DIARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon