CHAPTER 34: Orchestrated

351 20 8
                                    

"Why you didn't confess Kara?" Kyle sound frustrated while reviving the car.

"Alin? Yung feelings ko? Hello? Babae ako. Kahit hindi super ganda, may pride ako. Bakit naman ako magko-confess sayo? Dahil gwapo ka? Dahil madaming babaeng nagkakagusto sayo? Excuse me, may natitira pa akong genes ng dalagang pilipina noh." Sabi nito habang ikinakabit ang seatbelt niya.

"Yeah, tama ka dun. I am just stupid. I should have made a move. Tang-ina, ang tanga-tanga ko!" Pinaandar na ni Kyle ang kotse niya at nagpatugtog ng malakas.

"Hmmm? Minumura mo ba ako?" Iyon lang ang narinig ni Kara sa lahat ng sinabi ni Kyle.

"Ha? Hindi, minumura ko yung sarili ko." Hininaan ng binata ang tugtog para magkarinigan sila.

"Bakit?"

"May nakalimutan kasi akong gawin. Hindi ako nakapag-logout dun sa biometric attendance." Palusot nito.

"Gusto mo balik tayo?"

"Hindi na...hayaan mo na. Saan mo gustong kumain?" Mabilis magpatakbo si Kyle. Nakalayo na sila agad, kabisado nito ang lahat ng shortcuts sa ka-Maynilaan.

"Mag-takeout na lang tayo. Mamaya ma-issue na naman ako kay Andrea. Hindi pa matuloy ang kasal mo. Mahirap na..."

Naisip din iyon ni Kyle. Kahit pa naiinis siya ngayon, mahal niya si Andrea. Hindi niya gustong magselos ito kay Kara gaya ng laging nangyayari noon. May dahilan naman ito para magselos, pero noon yun. Dahil ngayon, sigurado na siya kay Andrea. He will not ask her to marry him kung may natitira pa siyang romantic feelings para sa ibang babae. Minsan pa lang ito nagselos sa buong buhay niya. Doon niya napatunayan na mahal nga talaga niya si Andrea. Gian and her had some quick nightout that terrified Kyle. Pero dahil mahal na mahal niya ito, pinatawad niya si Andrea. Nilunok niya ang pride niya bilang lalaki. Kinalimutan niya ang lahat ng nangyari kay Gian at Andrea. He was able to forgive Andrea with all his heart, but not Gian. They talk casually, pero hindi na gaya ng dati.

Pauwi na sila at malapit na sa condo ni Kara nang ibaba ng dalaga ang bintana ng kotse.

"Kyle, wait lang! Mag-hazard ka."

"Bakit?"

"Diretso ka ng konte, tapos mag-hazard ka. May titignan lang ako."

Walang nagawa si Kyle kundi sundin si Kara. Huminto siya at nag-hazard nang sabihin nito.

"Therese!" Sigaw ni Kara sabay bukas ng pinto ng kotse. Bumaba siya at lumapit sa babaeng nakasuot nang puting uniporme. Isa itong nursing student.

"Sabay ka na sa amin, gabi na oh..." Yaya ni Kara sa kanya sabay hila.

"Naku ate Kara huwag na, maghihintay na lang ako ng jeep dito. Marami pa naman akong masasakyan eh." Tanggi nito.

"Magta-tatlong sakayan ka pa, gabing-gabi na. Halika na!" Pero hinila pa rin niya si Therese.

"Huwag na ate Kara, nakakahiya kay kuya Drew. Lagi nyo na lang akong isinasabay. Eh ang layu-layo ng-" Natigilan siya nang makita si Kyle.

"Sakay na, saan ka ba?" Ngumiti si Kyle sa kanya pero hindi siya agad nakapagsalita. Nakatingin lang siya sa binatang nakatingin at nakangiti sa kanya.

"Naku, huwag na po kuya...malayo pa po yung bahay ko. Ihatid nyo na po si ate Kara." Aalis na sana ito nang bumaba si Kyle at binuksan ang pinto sa likod.

"Dali na Therese, kurutin ko tinggil mo eh. Sakay na..." Wala na itong nagawa dahil itinulak na siya ni Kara sa loob.

Sabay na pumasok si Kara at Kyle sa loob ng kotse. Nang malaman ng binata kung saan ito nakatira, napakamot na lang siya ng ulo. Napakalayo nga nito. Parang magkabilang dulo ng ka-Maynilaan ang pupuntahan niya.

MY WHITE COAT DIARIESWhere stories live. Discover now