CHAPTER 60: Bucket List

364 26 7
                                    

"Sino ba tong maka-doorbell...akala mo kung emergency?" Kara is just wearing a towel. She just came out of the bathroom after a thirty minutes shower and meditation. She was annoyed with the five consecutive doorbell so she run as fast to open it.

"Hi! Goodmorning!" Carl winked as he insisted on entering immediately.

"I miss you...Kara ko." Pahabol nito at para bang nakalimutan ng dalaga na nakasuot lang siya ng maikling tapis ng tuwalya sa katawan.

I miss you more Carl ko! Super!

Nasa isip niya lang iyon at hindi masabi ng personal. Kahit pa araw-araw silang nag-uusap sa video call, seeing him in person is different. Magkahalong kiliti sa tiyan at kabog sa dibdib ang nararamdaman niya. Looking at Carl is like bumping to your crush in your teenage days. Iyon bang parang gusto mo maglulundag at hampasin ang lahat ng pwede mong hampasin sa tuwing nakikita mo ang crush mo. Iyong hindi mo alam kung humihinga ka pa ba o hindi na. Bumabagal ang oras at tila humihinto ang mundo. Iyong sa sobrang kaba mo at kilig, hindi mo alam kung naiihi ka ba o natatae. Madalas, nahuhuli na lang niya ang sarili niya na ngumingiti at tumatawa mag-isa kapag binabasa niya ang mga conversation nila ni Carl. Ang pinakamalala pa ay ang pabigla-bigla niyang pagtili sa kalagitnaan ng kahit anong bagay na ginagawa niya. Sa hapagkainan, sa pagligo, sa pag-ihi, sa pagtu-toothbrush, o kaya naman minsan ay nagigising na lang siya bigla sa kalagitnaan ng gabi. Kapag nakikita niya ang wallpaper ng phone niya, hindi pa rin siya makapaniwala na sila na nga talaga ni Carl.

"I miss you so much Kara ko." Tinulak uli ng binata ang pinto pero nakaharang pa din doon si Kara.

It was his first day to go home in the building where his loft condo is located. After he was discharge from the hospital, his mom forced him to stay at their house until he fully recovered. They also didn't see each other for almost a week because she was still ashamed to go to Alcantara's mansion. She wanted to visit him badly, but no one knows about their relationship yet except for Drew. She was also unsure of how Carl's parents would react especially his mom, since she is close to Missy.

"Wait lang!" Sinara nito ang pintuan agad pero nakikipagtulakan si Carl sa kanya.

"Bakit ayaw mo akong papasukin?" Nagpupumilit at nakikipag-tulakan pa rin ito sa pintuan.

"Nakatapis lang ako ng tuwalya Carl! Katatapos ko lang maligo!" Sabi nito sa likod ng pintuan.

"Papasukin mo na ako. Pipikit ako, promise." Natatawa si Carl sa kanya.

You already saw me half-naked, pero ikaw ayaw mo magpakita? You are so cute...

Carl almost laughed while reminiscing Kara's reaction when she was drunk and woke up in his room.

"Promise? Papapasukin kita...pero pipikit ka ah. Tapos tatakbo ako sa kwarto. Ikaw na lang ang mag-lock ng pinto." Nahihiyang sabi ni Kara.

Wala pa naman sa isip niya ang ibang bagay na maaaring mangyari ngayong nasa relasyon na sila. Kahit pa nasa edad na sila, ipinangako niya sa sarili niya na hindi na uli siya magkakamali pa at gagawin ang bagay na ginawa nila ni Drew. Kung anong meron sila ni Carl, gusto niyang maging dahan-dahan lang ang lahat. Masaya siya sa kung anong araw-araw na pinaparamdam ng binata sa kanya. Kahit pa nagmumukha na siyang baliw minsan sa sobrang kilig niya.

"Promise." Pinasok ni Carl ang kamay nito sa loob para sa isang pinky finger.

Naalala ni Kara kung paano niya tinupad ang promise niya noon. She remember that popcorn plus movie date in the middle of the rain. Aminado siyang kinilig na siya talaga kay Carl noong araw na iyon.

Pumasok si Carl na nakapikit ang mga mata gaya ng sabi nito. Kinapa niya ang pintuan para i-lock habang si Kara naman ay patakbong pumanhik sa kwarto. Nasa kwarto na ang dalaga samantalang si Carl ay nasa tapat pa din ng pinto at naka-pikit.

MY WHITE COAT DIARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon